Layna's point of view
SABAY kaming lumabas ni Uzi sa loob ng bahay. Hindi na ako nagtataka kung ayaw n'ya akong tignan. Ang totoo ay kilig na kilig lang sa kagandahan ko iyan.
Huminto ako sa tapat ng pinto ng kotse ko, tinignan ko si Uzi na papasakay na sa kotse n'ya.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ko kay Uzi.
Hindi sumagot ang ungas at sumakay na sa loob ng kotse n'ya. Hindi ako mapapakali kung hindi n'ya sasagutin ang tanong ko.
Naglakad ako papunta sa driver side ng kotse n'ya. Narinig ko na ang pag andar ng engine kaya kinatok ko ang bintana ni Uzi.
Agad naman n'yang binuksan, pero hindi s'ya nakatingin sa akin.
"What do you need?!" irita n'yang tanong sa akin sabay tingin ng masama.
Yumuko ako ng konti para mapantayan ko ang bintana ng kotse n'ya.
"Anong oras ka uuwi?" seryoso kong tanong.
Tinitignan n'ya ako sa walang kahit ang emosyon sa mukha n'ya.
"Stop acting like you're my wife," inis n'yang sagot sa akin.
Tinignan ko si Uzi at nginisihan ko s'ya.
"For your information, natulog na ako sa kwarto mo, pumirma na tayo at asawa mo na ako," paliwanag ko sa lalaking ito.
Umiwas s'ya ng tingin sa akin kaya tumango ako ng konti.
"Mag-asawa na tayo, pero hindi lang natin mahal ang isa't isa," sagot ko kay Uzi.
Hindi ko mamahalin ang ungas na kagaya nito.
"Umalis ka na," taboy n'ya sa akin.
Tinignan ko ang katawan n'ya, napa-smirk ako ng makita ko ang katawan n'ya, na basang-basa na tubig.
"Wag ka nga umarte na akala mong malaki 'yang alaga mo," nakangisi kong sabi.
Bigla s'yang tumingin sa akin. "Bakit nakita mo ba?" palaban n'yang tanong sa akin.
Tinaas ko ang kamay ko at nagkorte kung paano n'ya tinago iyon sa akin.
Sinukat ko ang capacity ng loob at napailing ako sabay tingin ulit kay Uzi.
"Shocks! Three inches ka lang?" pang-iinis ko kay Uzi.
Hindi ako nagulat ng wala s'yang reaction sa sinabi ko, pero mas nagulat ako ng ilapit n'ya ang mukha sa akin.
"Baka pag nakita mo magulat ka?" bawi n'ya sa akin.
Tinignan ko ang pants n'ya at binalik ko ang tingin ko kay Uzi.
"Magugulat talaga ako, three inches? Shocks!" sabi ko kay Uzi.
Bigla n'yang sinarado ang bintana ng kotse n'ya kaya napalayo ako.
Mukhang mag-e-enjoy akong pagtripan ang kumag na iyon.
Hindi ako mahinhin na babaeng kagaya ng iba. Naglakad ako papunta sa kotse ko para umalis na lang.
Pagpasok ko sa loob ay napangisi ako. Maganda rin naman katawan n'ya kaya p'wede na rin. Umalis ako sa bahay ng mga Montelle para pumasok sa trabaho ko.
Traffic na naman sa dadaanan ko kaya sigurado akong mahuhuli na naman ako sa trabaho ko.
Naghihintay ako sa pagluwag ng traffic ay napapangiti na lang ako ng kusa pag naalala ko ang itsura ni Uzi.
Hindi ko alam, pero gusto ko s'ya pikonin. Sobra n'yang seryoso at hindi ko pa nakikitang ngumiti.
Umusad na ang traffic kaya nagsimula na ulit akong umandar. Iinisin ko si Uzi ng iinisin hanggang sa mag-file s'ya ng annulment sa akin.
Kahit na ang sayang pikonin ni Uzi ay ayokong umuwi sa bahay nila. Pagdating ko sa parking lot ng building namin ay agad akong bumaba.
I don't feel happiness sa bahay nila. Hindi rin si Uzi ang gusto kong kasama.
Binati ako ng guard ng pumasok ako sa loob.
"Architect Layna!"
Napataas ang kilay ko ng makita ko si Joey na tumatakbo palapit sa akin.
"Architect Layna!" hingal n'yang tawag sa akin.
Taka kong tinignan si Joey. "Bakit?" taka kong tanong.
"Mayroong na-close na deal si Manager na malaking project!" masaya n'yang sabi sa akin.
"So?" iyon lang ang nasabi ko.
Marami pa akong tatapusin na trabaho kaya mukhang binabalitaan lang ako ng chismis ni Joey.
"Sa Team natin ibibigay," masaya n'yang sagot sa akin.
Bigla akong napangiti. Kahapon humihiling ako ng malaking project at bigla naman binigay sa akin ngayon.
"Mayroon tayong meeting mamaya," paalala ni Joey sa akin.
Tumango ako sa kan'ya. Nagsimula kaming maglakad ni Joey papunta sa elevator.
"Sino daw ang client?" tanong ko pa kay Joey.
"Hindi pa sinasabi sa amin, pero sasabihin sa meeting mamaya," sagot ni Joey sa akin.
Mukhang maipapakita ko na naman ang talent ko. Ang company namin na ito ay hindi gaano kalaki at kasikat kaya pag mayroong mga malalaking project ay kailangan namin paghusayan.
Close friend ng family ang may-ari na ito at kaya dito ako pumasok ay para tulungan na rin sila sa business. Maraming offer ang nag bigay sa akin, pero gusto kong subukan ang talent ko sa maliit na company.
"Innovation, and dream house ang ipapagawa nila," sabi ni Joey sa akin.
"Sino hahawak na Engineer?" tanong ko kay Joey.
"Malalaman natin mamaya," sagot ni Joey.
Napairap ako sa ere. Kung tawagin n'ya ako kanina, nagmamadali pa tapos wala pa naman pala s'yang sapat na information na maibibugay sa akin. Sarap n'yang sampalin eh.
"Pero ang tingin ko kay Engineer Enrique ibibigay at sa team n'ya," sagot ni Joey sa akin.
Fourt floor ang floor namin. Maswerte lang ako at mayroon akong sariling office dahil nga close friend ng pamilya ang may-ari.
"Okay lang naman," seryoso kong sagot kay Joey.
Hindi ko naman kalaban si Engineer Enrique, siguradong partner pa kami sa pagbuo ng design na gagawin.
Paglabas sa elevator ay nakita ko ang mga team ko na masaya silang lahat. Lima lang kami dito at lahat kami Architect, pero dahil mga bago pa lang sila kaya para ako ang senior nila dito.
Mayroong lumapit na babae sa amin ni Joey na si Jam.
"Hindi daw tuloy ang meeting mamaya, mayroong emergency si Manager," sabi n'ya sa amin.
Tumango lang ako sa kanila. Halata sa mga mukha nila ang saya dahil sa project na ito.
"Mayroon lang akong tatapusin," paalam ko sa kanila bago ako pumasok sa loob ng office ko.
Kinuha ko ang phone ko at nilagay sa ibabaw ng table. Kumuha ako ng isang libro para magbasa. Ilang taon na akong nagtatrabaho, pero hindi pa tapos ang pag-aaral ko.
Maraming sumusulpot na bago sa mundo kaya hindi p'wedeng maiwan ang utak ko.
Pag nasa office ako ay nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko. Pagkatapos kong magbasa ng ilang page ng libro ay nagsimula na akong tapusin ang isang design ng isang bahay.
One hundred square meters lang ito, maliit na lugar, pero kailangan kong tapusin dahil next month na ang deadline na ito at magsisimula ng ang construction.
Napatingin ako sa pinto ng office ko ng mayroong kumatok. Hinintay kong bumukas ang pinto at nilabas ang isang lalaking; nakasuot ng light blue long sleeve, necktie, black pants, and black shoes.
Mayroon s'yang hawak na dalawang kape kaya napaayos ako ng upo sa swivel chair ko.
"Engineer Enrique, nangangapitbahay ka yata," bati ko kay Engineer Enrique.
Rinig ko ang tunog ng sapatos n'ya na tumatama sa puting tiles ng floor ng office ko.
Umupo s'ya sa client chair at binaba n'ya ang isang cup ng coffee sa table ko.
"Balita ko sayo na binigay ang project?" tanong ni Marlon sa akin.
Kinuha ko ang binigay n'yang coffee sa akin.
"Thanks for this, next time ako naman magdadala sayo," nakangiti kong sabi sa kan'ya.
Ngumiti naman s'ya sa akin. Sinimulan n'yang libutin ng tingin ang paligid ng office ko.
"Hindi pa ako sigurado dahil si Architect Joey pa lang ang nagsabi sa akin, hindi pa ako pinapatawag ni Manager," sagot ko kay Marlon.
Tumango s'ya sa akin sabay tingin pa ulit. Uminom ako ng kape na binigay n'ya sa akin.
"Gusto mo sabay tayong mag-lunch mamaya? My treat don't worry," offered n'ya sa akin.
Seryoso kong tinignan si Marlon dahil sa tanong n'ya sa akin.
"Ano naman ang nakain mo kanina?" natatawa kong tanong sa kan'ya.
Hindi ko madalas makasama si Marlon at ngayon lang s'ya pumunta sa office ko, kaya nakakapagtaka na aayain n'ya ako.
"Let just have a small celebration," natatawang sabi ni Marlon sa akin.
"Hindi pa binibigay sa akin ang project, ayoko naman mag-celebrate ng maaga," sagot ko kay Marlon.
"The client wants you to design thier dream house and the innovation for thier company," sabi ni Marlon sa akin.
"Paano mo na laman?" taka kong tanong kay Marlon.
Masnauna pa n'yang nalaman sa kaysa sa akin.
Tinignan n'ya ako sa mata ko. "Manager said, we're in the meeting before his wife called him for an emergency, his little son bite a dog," paliwanag ni Marlon sa akin.
"Maybe, he will tell you tomorrow with the client," dagdag ni Marlon sa akin.
Tumango naman ako sa kan'ya.
"Umalis ka, mayroon pa akong tatapusin para mamaya makalabas ako," sabi ko kay Marlon.
"Masusunod, Architect Layna," nakangiti n'yang sabi sa akin.
Natawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
"Buti naman at totoo na ang ngiti mo," sabi n'ya sa akin.
"Umalis ka na, asikasuhin mo mga client natin," taboy ko sa kan'ya.
Tumango s'ya sa akin. Nagsimula na s'yang maglakad palabas ng office ko kaya pinagpatuloy ko na ang pagtatrabaho ko.
Hindi kami close ni Marlon, pero nakatrabaho ko na s'ya once and mabait naman s'ya.
Nakatutok ako sa ginagawa ko ng biglang nag-ring ang phone ko.
Habang nakatitig ako sa plate na ginagawa ko ay sinagot ko ang phone ko na hindi tumitingin kung sino.
"Yes?" bungad kong tanong mula sa kabilang linya.
"Layna, okay lang ba na kami na ang maglipat ng gamit mo sa bagong bahay n'yo ni Uzi?" tanong sa akin.
Tinignan ko kung sino ang itong tumawag sa akin. Pagtingin ko sa screen ay si Mama Lorna pala.
"Okay lang naman po ako sa bahay n'yo," sagot ko kay Mama Lorna.
"Pag mag-asawa na dapat nasa ibang bahay na kayo," natatawang sabi ni Mama Lorna sa akin.
Ayoko nga kasama ang anak n'yo sa iisang bahay.
"Sige po, baka hindi ko rin kasi maasikaso dahil busy po ako ngayon," sagot ko kay Mama Lorna.
"Ayos na ang lahat, gamit mo na lang ang wala doon kaya p'wede na kayong umuwi ni Uzi doon mamaya," sabi ni Mama sa akin.
Sa office na lang ako matutulog.
"Sige po, Mama," sagot ko.
"Sige, goodluck sa inyo ni Uzi," sabi ni Mama.
"Salamat, Ma," sagot ko kay Mama.
Kinuha ko ang cup ng kape para uminom.
"Mayroon na ba kayong planong bigyan kami ng apo?" tanong ni Mama sa akin.
Bigla kong na buga ang ininom kong kape sa tanong ni Mama.
Hindi ako magpapabuntis sa anak n'yong masama ang ugali.
"Ma, naman, alam n'yo naman na hindi namin mahal ang isa't isa," sagot ko kay Mama.
"Sa ngayon, baka bukas mahal n'yo na," biro ni Mama sa akin.
No way!
"Sige na, Mama, mayroon akong dumating client," pagsisinungaling ko.
Pinatay ko na ang phone ko call. Ano bang iniisip ni Mama.
Binalik ko ang phone ko sa table at pinagpatuloy ang pag gawa ng plate ko.
Ang bilis ng pangyayari sa buhay ko. Noong una pinuntahan ko pa si Liam sa bahay n'ya na kasama si Vanessa, pumunta sa bahay ng Montelle, pumirma at ngayon ay titira na kami sa isang bahay.
Sobrang bilis ng nangyayari sa akin, pero nanatili lang ang lungkot sa buhay ko.
Huminga ako ng malalim. Matatapos din ang lahat ng ito. Hinintay ko na lang na maubos ang oras ko sa pagtatrabaho.
Hindi ko inisip na si Uzi ang makakabuntis sa akin at sana ganoon din si Uzi.
Kumuha ako ng tissue para linisin ang table ko na nalagyan ng konting kape.
Ang vision ko sa relasyon namin ni Uzi ay annulment, but having a baby. Hell no! Kahit hindi ako ikasala basta ang bata ay gawa sa taong mahal ko at hindi si Uzi iyon.
If he wants having a s*x with me that's alright, but having a baby. Puputulin ko ko alaga n'yang maliit bago s'ya maka-produce ng sperm sa akin.
Okay sana kung kay Liam kaso, hindi ko magagawa dahil sa kutong lupang si Vanessa.
Hindi ko naman dapat sila iniisip ngayon dahil nasa trabaho ako.
A/N:
Like my pages, and sali kayo sa group para malaman n'yo ang updates sa mga stories ko.
Pages name: Hxnnxhssi
Group name: Dreame/Yugto digital stories
Don't forget to follow me on Dreame/Yugto account ko "HXNNXHSSI"
Abangan...