Layna's point of view HINAWAKAN ko ang kanang kamay ko dahil sa biglang sumakit iyon. Binitawan ko ang lapis na hawak ko. Minsan mayroon ganitong pagkakataon na nangyari, buhay Architect. "Mayaman ka na kaya hindi mo na kailangan mag-focus masyado sa trabaho mo," rinig kong sabi ng isang lalaki. Tumingin ako sa gawi ng pinto ng office ko ng makita ko si Marlon. Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras. Napangiti ako sa kan'ya ng makalimutan ko ang oras. "Pag gusto mo talaga ang ginagawa mo, hindi mo namamalayan ang oras," nakangiti kong sabi kay Marlon. "Tama ka," pagsang-ayon ni Marlon sa akin. Inayos ko lang muna ang plate ko para sumama kay Marlon mag-lunch. "Saan tayo kakain?" tanong ko kay Marlon. Tanong ko habang inaayos ko ang gamit ko sa table. "Mayroon akong nakitang