Layna's point of view KUMALMA na ako, pero hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan ni Uzi bakit n'ya ako pinatanggal sa trabaho ko. Nakaupo ako sa client chair habang si Uzi ay nakatingin sa mga papel sa harapan n'ya. Pansin pa rin ang pamumula ng mukha n'ya dahil sa ginawa kong sampal sa kan'ya. "Anong dahilan mo para paalisin ako sa trabaho ko?" mahinahon kong tanong kay Uzi. "They can't protect you," hindi na tumitingin na sagot ni Uzi sa akin. Patuloy lang s'ya sa ginagawa n'ya. Umiwas ako ng tingin kay Uzi dahil sa maikling sagot n'ya sa akin, pero naramdaman ko ang saya sa sinabi n'ya. Wala na akong pakialam kung totoo ang sinasabi n'ya, pero gusto ko ang sagot n'ya sa akin. Nilibot ko ang tingin ko sa office n'ya. Sobrang panlalaki ng design na ito dahil sa mga plain desig