Layna's point of view "KUMUSTA kayo ni Kuya?" tanong ni Eula sa akin. Tinignan ko ang plato ko na mayroon carbonara. Nasa outdoor kami ng restuarant at kitang-kita namin ang mga naglalakad na tao sa side way. Nilipat ko ang tingin ko kay Eula, sumubo muna ako ng pasta, bago isipin ang isasagot sa batang kaharap ko. "Kaninang umaga hindi okay, pero noong sinampal ko naramdaman ko na okay na pala," nakangiti kong sagot kay Eula. Move on agad, hindi ko naman s'ya gusto para pag-aksayahan ng damdamin ko. Nasaktan lang talaga ako ng very light sa mga salita n'ya, well masakit naman talaga. "Kaya pala mugto ang mata mo?" tanong ni Eula sa akin. Napasubo na lang ako ng pasta at umiwas ng tingin. Hirap talaga pag matalino kausap mo. "Natanggal nga kasi ako sa trabaho kaya ako umiyak, saka