Uzi's point of view "DIRECTOR, bakit po tayo pupunta sa office work ni Ma'am Layna?" Ang tingin ko ay naalis sa bintana ng marinig ko ng tanong ni Jann. Seryoso ko s'yang tignan gamit ang rear mirror. Si Jann ang nagmamaneho at ako ang nasa backseat. Papunta kami sa office ni Layna. I'm just curious about her suspension. "Kailangan ko bang sabihin sa 'yo?" tanong ko kay Jann. Nakita ang pag-iling n'ya. Inilipat ang tingin ko ng makita ko ang building na pinagtatrabahuhan ni Layna. Hindi ganoon kalaki, hindi ganoon ka moderno ang building na ito. Halatang isang maliit na company lang. Pagkahinto ng kotse ay agad akong bumaba. Diretso akong pumasok sa loob at lahat ng tao ay nagtinginan sa akin. "Fourth floor, Director," turo ni Jann sa akin. Naglakad ako papunta sa elevator para p