GABI na, tahimik ang buong paligid, tulog na ang mga tao sa loob ng bahay ng mga Montelle maliban sa isang tao.
Abalang nag-aayos ng sarili si Uzi. Nakasuot ito ng black pants, grey long sleeve shirt at rubber shoe. 11:00 P.M na nang gabi at aalis si Uzi ng walang nakakaalam.
Pagkatapos mag-ayos ni Uzi ay kinuha nito ang susi ng kotse n'ya at naglakad ito palabas ng kwarto n'ya. Ilang araw din itong hindi nakakalabas ng kwarto dahil sa lungkot na nararamdaman n'ya, pero napaisip si Uzi na walang mangyayari sa kan'ya kung ikukulong nito ang sarili n'ya sa kwarto.
Madilim, tahimik na ang buong bahay nila Uzi. Bumaba ng hagdan si Uzi para makapunta sa second floor. Agad na lumabas at sumakay sa puti nitong kotse na naka-park sa garahe ng bahay nila.
Agad na pinaandar ang sasakyan n'ya. Balak nitong pumunta sa bar ng kapatid ni Jasmine sa Jacob's bar. Mabilis ang pagpapatakbo ni Uzi ng sasakayan n'ya, maluwag ang kalsada dahil wala na rin masyadong sasakyan na dumadaan dahil sa gabi na.
Walang iniisip si Uzi ngayon kung hindi ang makapunta agad sa bar. Ilang minuto ang byahe para makaratig si Uzi sa Jacob's bar. Nasalabas pa lang s'ya ay rinig na rinig na nito ang ingay na nagmumula sa loob ng bar.
Agad na bumaba si Uzi ng kotse pagka-park nito ng kotse n'ya. Mayroong mga bouncer na nakabantay, pero dirediretsong pumasok si Uzi, hindi s'ya pinigil ng bouncer dahil kilala na s'ya doon bilang kaibigan ng may-ari ng bar.
Pagpasok ni Uzi ay wala naman itong nakita na bago sa bar na pinasukan n'ya. Nagkalat ang mga tao, malakas na tugtog, maingay na pag-uusap, amoy alak na paligid at maraming nagsasayaw sa dance floor.
Naglakad si Uzi papuntang counter para umorder ng iinomin n'ya. Nakaupo lang s'yang mag-isa doon.
"Give me a bottle of whiskey," utos n'ya sa bar tender.
Isa sa ugali ni Uzi ay ayaw sa magulo, pero maspinili n'yang wag gumamit ng VIP's room ngayon, masgusto n'ya na maingay muna ang paligid n'ya dahil lalo lang n'yang iisip si Jasmine pag nasatahimik lang ito.
Pinagmasdan ni Uzi ang mga tao sa paligid n'ya. Seryosong mukha ni Uzi at lahat ng mga babaeng balak lumapit sa kan'ya ay sinasamaan nito ng tingin kaya ang mga babaeng nagtatakang lumapit dito ay napapaatras na lang ng kusa dahil sa takot nila kay Uzi.
Dumating ang order ni Uzi ng isang bote ng whiskey na mayroong kasamang shot glass at yelo sa loob ng baso. Agad na binuksan ni Uzi ang bote ng alak para lagyan ang baso n'ya ng mapailing na lang ito.
Pumunta s'ya sa bar para makalimutan si Jasmine, pero si Rifle naman ang naalala nito. Si Snipe at Rifle ang madalas n'yang kasama sa lugar kung nasaan nila, lahat ng kalokohan na ginawa ni Rifle ay saksi ang lugar na ito.
Uminom ng alak si Uzi na akala mo lang tubig sa kan'ya. Muli itong tumingin sa dance floor para panoorin ang mga taong sumasayaw doon.
Isang babae ang napukaw ang pansin n'ya. Sobrang gulo nito sa dance floor na akala mong inaangkin na ang buong floor dahil sa malalaking paggalaw nito. Nakasuot ng white fitted white dress and black three inches high heels, hanggang balikat ang buhok nito at simple lang ang makeup sa mukha nito, kung titignan mo s'ya ay mukhang mahinhin na babae, pero sa pinapakita nitong galaw ay mukhang hindi.
Mayroong hawak na wine glass ang babae na wala ng laman. Mag-isa lang itong sumasayaw, pero mukhang enjoy na enjoy nito ang tugtug ng lugar.
Hindi naalis ang tingin ni Uzi sa babae hanggang sa ilang kanta na ang nagpalit ay parang hindi nababagod ang babae. Nakalahati na ni Uzi ang bote ng alak, pero ang tingin n'ya sa babae ay hindi pa rin na aalis.
"Ano ba bitawan n'yo nga ako!" sigaw ng isang babae para makapagpatigil sa pagsayaw ng babae na tinititigan ni Uzi.
Napukaw rin ang pansin ni Uzi dahil doon kaya nalipat ang tingin n'ya sa babaeng sumigaw. Mayroong dalawang lalaki ang nakapaligid sa babae. Hindi iyun pinansin ni Uzi dahil hindi na bago para sa kan'ya ang mga ganoong eksena sa bar na ito.
"Hoy! Bitawan n'yo nga s'ya!" matapang na sigaw ng babaeng pinagmamasdan ni Uzi.
Naglakad ang nakawhite dress palapit sa babae na binabastos ng dalawang lalaki na akala mo ba na kayang-kaya n'ya talaga ang mga lalaking iyun.
Napaayos ng upo si Uzi habang hawak ang shot glass n'ya, sinundan nito ng tingin ang babae para panuorin kung ano ang gagawin nito.
"Mga bastos kayo ah!"
Kahit na malakas ang tugtog sa loob ng bar ay rinig na rinig ni Uzi ang boses ng babae na kanina n'ya pag pinagmamasdan.
"Wag kang makialam dito kung ayaw mong madamay!" banta sa kan'ya ng lalaking nakasuot puting polo.
Medyo malaki ang katawan nito na isang pitik lang ang babaeng naka-white dress ay tutumba na ito dahil sa slim nitong katawan.
Natawa ng mahina ang babae dahil sa sinabi ng lalaking naka polo. "Anong sabi mo?!" maangas na tanong ng babae.
"Yabang mo ah? Sino ka ba?!" tanong naman ng isang black shirt lalaki na kasama ng nakapolo na lalaki.
"Layna Cuevas, bakit?!" singhal ni Layna.
Napa-smirk si Uzi dahil sa pinapakitang tapang ng babae, pero tinignan nito mula ulo hanggang pa ay sa tingin n'ya ay hindi ito makakapalag sa lalaking kaharap n'ya.
Sa tingin ni Uzi sa babaeng iyun ay hindi man lang kayang ipagtanggal ang sarili n'ya at tinatago lang nito sa matapang n'yang boses ang kahinaan nito.
"Wala akong pakialam kung sino ka pa, umalis ka nga!" iritang sabi ng lalaking nakapolo sabay tulak kay Layna dahilan ng pag-upo nito sa floor dahil sa na-out of balance ito sa suot n'yang heels.
"Hinawakan mo ako!" sigaw ni Layna sa lalaki.
Isang ngisi lang ang binigay ng lalaking nakapolo sa kan'ya. Nalipat ang ang tingin ni Layna sa direction ni Uzi na kanina pa sila pinapanood.
Agad na tumayo si Layna ng makita n'ya si Uzi. Pinagpagan n'ya ang parteng katawan n'ya na hinawakan ng lalaking nakapolo. Isang matalim ang tingin na iniwan ni Layna sa mga lalaking iyon bago ito naglakad papunta sa direction ni Uzi.
Wala namang reaction si Uzi doon at pinagpapatuloy ang pag-inom n'ya.
"Hindi ka ba gentleman?!" iritang tanong agad ni Layna kay Uzi pagkarating nito sa pwesto kung nasaan si Uzi naka-upo at mag-isang umiinom.
Tinapunan ng walang reaction na tingin ni Uzi si Layna. Masyadong bossy ang pananalita nito kaya nakakairita sa tenga. Hindi nagsalita si Uzi bagkus pinagpatuloy lang nito ang pag-inom n'ya.
Napabuka ng konti ang bibig ni Layna, pero walang lumabas na boses sa bibig nito. Sa tingin ni Layna ay masyadong presko ang lalaking nasaharapan n'ya.
Inagaw ni Layna ang basong iniinuman ni Uzi. Nabigla si Uzi sa ginawa ni Layna kaya sinamaan nito ng tingin lalo na't mayroong konting alak ang natapon sa damit n'ya dahil sa ginawa ni Layna.
Nagcross arm lang si Layna sa harapan na pikon na mukha ni Uzi. "Tinatanong kita kung gentleman ka ba?!" malakas na tanong ni Layna kay Uzi.
Tinignan ni Uzi ang babae, tumayo ito para lapitan ang babaeng umabala sa tahimik n'yang pag-inom. Habang papalapit ito ay hindi man lang ito gumagalaw at mukhang palaban talaga ang babae sa harapan n'ya.
"Alam mo ang boses mo, masmaingay pa sa tutog dito!" iritang sabi ni Uzi kay Layna.
Tumaas ang kanang kilay ni Layna at tinitigan n'ya sa mata si Uzi. "Ang boses ko masmaganda kesa sa mukha at ugali mo!" mataray na singhal ni Layna.
Hindi naman makapaniwala si Uzi sa babaeng kaharap n'ya. Napailing na lang ito at binalak na lagpasan ang babae. Masmaganda kung umuwi na lang s'ya kesa harapin ang babaeng ito dito, iyon ang iniisip ni Uzi.
Hinablot ni Layna ang braso ni Uzi para patigilin ito sa paglalakad. Hinarap n'ya si Uzi na seryoso ang mukha at halatang pikon na ito.
"Mayroong binabastos na babae doon wala ka bang paki-alam?!" inis na tanong ni Layna kay Uzi.
Tumingin si Uzi sa braso n'ya kung saan nakahawak ang kamay ni Layna. Agad n'ya iyung tinggal sa pagkakahawak. Binalik n'ya ang tingin kay Layna. "Pati sayo wala akong paki-alam!" malamig na tugon ni Uzi.
Nanlaki ang mata ni Layna sa sagot ng lalaking kaharap n'ya. Masyado itong masungit at mukhang mayroong galit sa mundo, pero hindi pwede kay Layna ang ganoong ugali.
"Ako na sasagot sa tanong ko, hindi ka gentleman, isa kang gentledog!" pang-aasar ni Layna kay Uzi.
"Stop wasting my time, humorous girl!" sabi ni Uzi.
Hindi naman iyon nagustuhan ni Layna ang sinabi ni Uzi na lalong nagkapagpainit ng ulo ni Layna. Ang inis ni Layna ay nawala na sa dalawang lalaking kanina n'yang pinagtutuonan ng pansin ay lahat ng inis n'ya ay napunta sa kay Uzi na sobrang presko ng dating.
"Jerk!" galit na sabi ni Layna. Balak n'yang sampalin si Uzi, pero agad itong singga ni Uzi kaya hindi natuloy ang paglapat ng palad ni Layna sa pisnge ni Uzi.
"b***h!" bawi ni Uzi na sabi kay Layna sabay bitaw sa kamay ni Layna.
Marami na ang mga tao sa bar ang tumitingin sa pagtatalo nilang dalawa. Tumalikod na si Uzi para umalis na doon sa bar, pero hindi papayag si Layna na ganoon lang s'ya ipahiya ng arrogant na lalaking iyun.
Sinundan n'ya si Uzi sa paglalakad. Masama ang tingin ni Layna at halatang pikon na pikon na ito kay Uzi.
"b***h pala huh!" sabi ni Layna.
Hinablot n'ya ang braso ni Uzi hindi pa nakakaharap si Uzi ng tumalikod si Layna sabay buong lakas nito binuhat si Uzi sa likuran n'ya at hinagis nito papunta sa harapan n'ya.
Bumagsak si Uzi sa floor ng bar. Ang attention ng lahat ay napunta na ngayon sa nakahigang si Uzi na hawaka ang braso nitong unang tumama sa pagbagsak n'ya sa floor.
Napangisi si Layna dahil sa ginawa n'ya. Pinagpagan nito ang kamay at suot n'yang damit.
"That is the b***h can do!" proud na sabi ni Layna.
Umupo ito sa tabi ng nakahigang si Uzi na namamalipit sa sakit ng pagkakabagsak n'ya.
"Sa susunod, pag mayroong babaeng binabastos tulungan mo. As a man, your duty to protect women!" malambing na sabi ni Layna, pero bakas sa boses n'ya ang halong pagbabanta.
Sinamaan ng tingin ni Uzi si Layna dahilan para sampalin ni Layna si Uzi kahit na nakahiga ito at sumasakit na ang katawan dahil sa ginawa n'ya kay Uzi.
"That's not the right way to look at a woman, I'll teach you jerk!" paliwanag ni layna.
Tinignan n'ya sa mata si Uzi at kinindatan ito. "Kung hindi lang ako naaawa sayo pinutol ko na ang pwedeng putulin sayo," matapang na saad ni Layna.
Tumayo ito sa pagkakaupo at naglakad palabas ng bar. Si Uzi naman ay umupo mula sa pagkakahiga at sinundan ang tingin ang babae habang naglalakad ito papalayo.
Nakahawak ito sa braso n'ya na mukhang iyon ang napuruhan sa kan'ya. Napailing ito dahil sa babaeng gumawa sa kan'ya na iyun.
Pinahid ni Uzi ang hinlalaki n'ya sa gilid ng labi nito para tignan kung mayroon bang dugo dahil sa pagsampal na ginawa sa kan'ya ni Layna.
Tumayo na si Uzi at lumabas na rin sa loob ng bar. Hawak n'ya pa rin ang kanan nitong braso dahil nandoon pa rin ang sakit noon.
Sumakay na s'ya sa puti n'yang kotse para umuwi na. Hindi lang s'ya na nanakit ng babae kaya hindi n'ya magawang patulan ang babaeng gumawa na iyun sa kan'ya.
Pagkaandar pasok n'ya sa loob ng kotse n'ya ay mayroong ilaw na biglang lumiwanag sa tapat ng kotse n'ya. Sinangga ng kamay ni Uzi ang ilaw para takpan ang mata nito.
Biglang nawala ang ilaw at nakita n'ya kung sino ang may gawa noon. Binaba ni Layna ang salamin ng kotse n'ya nag-smirk kay Uzi.
"Jerk!" sigaw ni Layna bago ito pinaandar ang kotse n'ya paalis.
Napahampas naman sa manibela si Uzi dahil sa inis n'ya sa babaeng iyon.
"Magkikita ulit tayo, b***h!"