CHAPTER 02

2002 Words
ILANG araw na ang lumilipas simula ng nangyari na hindi maganda kay Jasmine na girlfriend ni Uzi at sa kaibigan n'yang si Rifle. Ilang araw na ring hindi lumalabas ng kwarto si Uzi. Binabalak na kausapin ng magulang n'ya at ang kapatid nitong babae si Uzi, pero kahit kanino sa kanila ay walang nagtagumpay para makausap si Uzi. Nagkukulang si Uzi sa kwarto n'ya sa pagkawala ng dalawang tao sa buhay n'ya. Lalo ng hindi nito matanggap ang nangyari kay Jasmine, hindi pa rin nito matanggap na wala na si Jasmine sa kan'ya. Hindi na maiwasan na hindi maiyak sa tuwing na maalala ni Uzi ang ala-ala nilang dalawa ni Jasmine. Ngayon ay nakahiga si Uzi sa tahimik, malamig at walang buhay sa apat na sulok ng kwarto ni Uzi. Nakasarado ang bintana, patay ang ilaw kaya madilim ang kwarto ni Uzi na tila ba takot sa liwanag. Pinagmamasdan ni Uzi ang litrato ni Jasmine sa hawak nitong phone. Tatlong katok mula sa bunso n'yang kapatid sa pinto ng kwarto ni Uzi. "Kuya!" tawag ni Eula. Bakas sa boses ni Eula ang pag-aalala n'ya sa kapatid n'yang si Uzi. Ilang araw na hindi lumalabas ng kwarto n'ya. Hindi na rin ito pumunta sa libing ni Rifle at Jasmine dahil lalo lang itong masasaktan. "Leave me alone!" malamig nitong utos sa kapatid n'ya. "But kuya, you haven't eat any food today, nag-aalala na si Mama at Papa saka ako para sayo," tugon ng kapatid n'ya sa labas ng kwarto ni Uzi. Muling naging tahimik na naman si Uzi. Nakatingin lang sa picture ni Jasmine. "Kahit na konti kuya, please..." pagpipilit ni Eula para pakainin si Uzi. Binaba ni Uzi ang hawak nitong phone sa table sa gilid ng kama n'ya para tumayo. Naglakad si Uzi papunta sa pinto na mukhang pikon na. Inis n'yang binuksan ang pinto at bumungad kay Uzi ang kapatid n'ya na mayroong hawak ng tray laman ang pagkain n'ya. Sinamaan n'ya ang tingin si Eula na nakapagpaatras ng kaunti sa kapatid ni Uzi dahil sa takot n'ya sa kuya n'ya. "Ayoko ngang kumain!" galit nitong sigaw. "Pero kuya, baka magkasakit ka na n'yan," mahinahon na tugon ni Eula sa galit nitong kapatid. Hindi naman talaga ganito ang ugali ni Uzi, si Eula ay malapit kay Uzi dahil nag-iisang kapatid lang s'ya ni Uzi sadyang wala lang talaga sa mood si Uzi. "Kakain ako kung kailan ko gusto kaya ilayo mo na sa akin iyan!" iritang sabi ni Uzi. "Kuya, parang wala ka ng balak kumain," wika ni Eula. Sinamaan ni Uzi ng tingin si Eula dahil sa sumasagot na ito sa kan'ya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kakain ako kung kailan ko gusto," pag-uulit n'ya sa kapatid n'ya. "Eula, I can handle your kuya." Biglang dumating si Snipe Swaggerty kasama ang fiancè nitong si Younis. Nagpatingin ang magkapatid na si Eula at Uzi dahil sa malamig na boses na nagmula kay Snipe. Walang emosyon ang itsura nito, nakasuot ng black suit na lagi nitong suot pag nasa trabaho, si Younis naman ay isang simple black dress na hanggang tuhod ang haba. Mukhang galing ang dalawa sa trabaho nila bago ito pumunta para bisitahin si Uzi. "Kuya Snipe," masiglang bati ni Eula kay Snipe. Nagtaka si Eula sa babaeng kasama ni Snipe dahil ngayon n'ya lang iyon na nakita. Kinuha ni Younis ang hawak na tray ni Eula sabay ngiti kay Eula, ngumiti pabalik si Eula dahil mukhang mabait naman si Younis. "Kami ng bahala sa kuya mo," sabi ni Younis kay Eula. Agad na tumango si Eula dahil alam n'yang mapapasunod ni Snipe si Uzi. "Sige, bababa na ako," sagot ni Eula. Si Uzi biglang tinalikuran ang dalawa upang pumunta sa loob ng kwarto nito. Umupo si Uzi sa kama at sa ibang lugar nakatingin ito. "Wala ba kayong kuryente?" tanong ni Younis. Si Snipe ay nakasandal sa pader habang nakatingin kay Uzi na tulala sa isang tabi. Nagsimulang maglakad si Younis at nilapag nito ang hawak n'yang tray aa table ni Uzi. "We haven't seen you at Rifle's funeral," panimulang sabi ni Snipe. "Kung pupunta ba ako doon mabubuhay ba s'ya?" seryosong sagot din Uzi. Si Younis naman ay hindi nito alam kung saan pwe-pwesto dahil sa seryosong pag-uusap ng dalawang lalaki na kasamahan n'ya. "Mag-move-on ka na Uzi, tanggapin na lang natin na hindi na sila babalik," paliwanag ni Snipe. Biglang natawa si Uzi dahil sa sinabi ng kaibigan n'ya. "Ganoon mo lang ba kalimutan si Rifle?" seryosong tanong ni Uzi kay Snipe. Seryosong tumingin si Uzi kay Snipe at ganoon din naman si Snipe sa kan'ya. "Wala akong sinabi na kalimutan na si Rifle, ang gusto ko lang sabihin sayo na ipagpatuloy mo ang buhay mo kahit wala na si Rifle at Jasmine," walang emosyon na paliwanag ni Snipe. Sinesyenyasan ni Younis si Snipe na wag na munang patulan si Uzi dahil naiindintihan ni Younis ang sakit na nararamdaman ni Uzi ngayon. "Nasasabi mo lang iyan dahil hindi mo nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko!" inis na sabi ni Uzi. Napaayos ng tayo si Snipe at napakunot ang noo nito na tila ba hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ni Uzi. "Nawalan din ako ng kaibigan!" inis na rin na sabi ni Snipe. Nilapitan ni Younis si Snipe para pakalmahin ito. Kilala n'ya si Snipe at alam n'yang mabilis lang itong mainis sa mga bagay-bagay. "Kumalma nga kayo," suway ni Younis sa magkaibigan. Umiwas ng tingin si Uzi. "Umalis na kayo," taboy nito sa dalawa. "Natatandaan mo pa ba ang sinabi mo sa akin?" seryosong tanong ni Snipe. Hindi lumingon si Uzi sa kan'ya, pero alam nitong nakikinig si Uzi. "Baka hindi para sayo si Jasmine kaya s'ya nawala," seryosong pagpapatuloy ni Snipe. Napayukom ang kamao ni Uzi dahil sa sinasabi ng kaibigan n'ya sa kan'ya. Napatayo ito at sinamaan n'ya ng tingin si Snipe na kalmado lang na walang pinapakitang reaction sa mukha nito. "S'yang ang para sa akin!" galit na sigaw ni Uzi. "Where is she?" tanong ni Snipe. "Snipe, tumigil ka na," awat ni Younis sa fiancè nitong si Snipe. Nagkatitigan ang magkaibigan. "Umalis na kayo!" utos ni Uzi. "Wag kang mag-a-advice kung ikaw mismo hindi mo kayang gawin ang sinasabi mo sa sarili mo," seryosong sabi ni Snipe kay Uzi. "Snipe," pigil ni Younis. Tumahimik si Uzi dahil doon. Muli itong umupo sa kama n'ya at iniwas ang tingin. Pilit na pinapakalma ang sarili, ayaw n'yang madala sa emosyon lalo na't hindi ito ang gustong pag-uugali ni Jasmine para sa kan'ya. "Kung gusto mong maging magaling na leader, wag mong isama ang personal mong nararamdam," dagdag na paliwanag ni Snipe. Napakapit si Uzi sa bedsheet n'ya dahil sa inis nito sa kaibigan. Kilala na ni Uzi si Snipe, lalo na sa ganoon na pag-uugali nito. Alam n'yang totoo naman lahat ng sinasabi ng kaibigan n'ya para sa kan'ya, pero hindi nito mapigilan na itago ang nararamdaman ni Uzi dahil hindi n'ya matanggap na wala na si Jasmine. Magkaiba sila ng ugali ni Snipe, kaya hindi na sila nagtataka kung bakit ito nasamataas na pwesto sa kanila, kaya nitong itago lahat ng nararamdaman n'ya sa likod ng walang emosyon nitong katauhan, pero siya ay hindi n'ya kayang gawin ang kayang gawin ni Snipe. Nanatiling tahimik si Uzi, nakatingin ito sa baba. Blangko ang kan'yang isip at hindi nito alam kung ano ang kan'yang sasabihin. "Snipe, tumigil ka na. Hayaan muna natin si Uzi mapag-isa," wika ng girlfriend ni Snipe. Napabuntong hininga na lang si Snipe sa nangyayari sa mga kaibigan n'ya. Si Rifle ay iniwan na sila, ngayon naman si Uzi na hindi alam kung hanggang kailan ba magiging ganito. Hindi kayang ipakita ni Snipe na sobrang nasasaktan s'ya para sa mga kaibigan nito, pero ang kaya n'yang gawin ay maging matibay para ipagpatuloy n'ya ang lahat. Hindi rin naman magugustuhan ng kaibigan nilang si Rifle kung magluluksa sila sa pagkawala nito. Kinuha ni Snipe ang kamay ni Younis. Bago ito umalis ay isang tingin muna ang iniwan n'ya kay Uzi bago magsimulang maglakad palabas ng kwarto ni Uzi hila-hila ang girlfriend na si Younis. Naiwan si Uzi mag-isa sa kwarto. Muling tumahimik ang loob ng kwarto ni Uzi, lalong napahigpit ang hawak ni Uzi sa bedsheet n'ya ng maramdaman na naman n'ya ang pagtulo ng luha nito. Makikita talaga kay Uzi kung gaano n'ya nasasaktan dahil sa mga nangyari. Bawat luhang pumapatak sa mata nito ay sumisimbolo kung gaano n'ya kamahal si Jasmine at kahalaga ng kaibigan n'yang si Rifle para sa kan'ya. Si Snipe at Younis naman ay naglalakad na pababa ng hagdan papunta sa first floor ng bahay ng mga Montelle. "Dapat hindi mo na sinabi kay Uzi ang lahat ng iyun," sabi ni Younis kay Snipe. Huminto sa kalaginaan ng hagdan sa paglalakad si Snipe at Younis. Tumingin si Snipe kay Younis na walang pinagbago sa emosyon ng mukha nito. Seryoso pa rin, pero kita ni Younis sa mga mata nito ang lungkot at nasasaktan din ito sa pagkawala ng isang tao na pinagkakatiwalaan n'ya sa lahat ng bagay, ang kan'yang kaibigan na si Rifle. "Kailangan n'yang marinig iyon," seryosong tugon ni Snipe sa girlfriend n'ya. "Kawawa naman si Uz—" Hindi na tuloy ni Younis ang saaabihin n'ya ng magsalita si Snipe. "Maslalo lang s'yang magiging kawawa," putol na sabi ni Snipe kay Younis. "Pero dapat nagpalipas ka muna ng ilang araw," mahinahon na paliwanag ni Younis. "Okay na ba si Kuya Uzi?" Sabay na napalingon si Snipe at Younis sa baba ng hagdan, nakita nilang nakatayo doon si Eula na nakatingin sa kanilang dalawa. "Magiging okay din s'ya," nakangiting sagot ni Younis. "Si Uzi lang ang makakasagot ng tanong mo," seryosong sabi ni Snipe. "Wala s'yang kinakausap sa amin, maski sila papa at mama hindi n'ya kinakausap kaya buti na lang pumunta ka kuya Snipe, sobra na talaga kaming nag-aalala kay Kuya," mahabang paliwanag ni Eula kay President Snipe. "Nalulungkot rin ako sa pagkawala ni Kuya Rifle at Ate Jasmine, pero masnalulungkot sa nangyayari kay Kuya Uzi," dagdag na sabi ni Eula. Nagkatinginan si Snipe at Younis, hindi nila alam ang isasagot sa nakakabatang kapatid na babae ni Uzi. Maski nga ang mga nakapaligid kay Uzi ay naapektuhan na dahil sa mga nangyari. "Magiging magaan siguro ang loob ni Kuya Uzi, kung mahuhuli ang pumatay kay Kuya Rifle," sabi ni Eula. Naglakad si Younis pababa ng hagdan para puntahan si Eula. Huminto si Younis sa tapat ni Eula at ngumiti ito. "Wag kang mag-alala mahuhuli din ang gumawa noon kay Rifle," pagpapagaan na loob na sabi ni Younis kay Eula. Sumunod na maglakad si Snipe pababa para puntahan si Younis. Nilagay ni Snipe ang kamay nito sa balikat ni Younis habang nakatingin kay Eula. "Hindi kami titigil hanggang hindi nahuhuli kung sino ang pumatay kay Rifle, kaya kung maari kulitin mo ang kuya mong umayos dahil s'ya ang katulong ko para makuha namin ang hustiya para sa kaibigan namin," seryosong paliwanag ni Snipe kay Eula. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang pinag-hihinalaan na tao na kayang gumawa noon kay Rifle, pero iniisip nila na baka isa sa mga nakaaway ni Rifle dahil sa mga kalokohan nitong ginagawa n'ya sa buhay n'ya. "Makakaasa ka kuya Snipe," nakangiting sagot ni Eula. Ginulo ni Snipe ang buhok ni Eula dahil doon, pero si Eula ay napatingin kay Younis. Nagtataka pa rin ito kung sino ba talaga si Younis. "Kaibigan mo ba s'ya kuya Snipe?" takang tanong ni Eula. Mahinang natawa si Snipe sa tanong ni Eula, si Younis naman ay napaiwas ng tingin at napakamot ng ulo nito. "Hindi, she is my fiancè," sagot ni Snipe kay Eula. Hinawakan ni Snipe sa bewang si Younis. Nagtataka pa rin ang itsura ni Eula dahil ang alam n'ya na ibang babae ang fiancè ng kuya Snipe n'ya at hindi iyon ang babaeng nasaharapan n'ya. "Pag nasa katinuan na si Uzi, saka mo s'ya tanungin tungkol sa amin," paliwanag ni Snipe. "We gotta go," paalam ni Snipe. Tumango na lang si Eula at sinundan ng tingin palabas ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD