Layna's point of view "HINDI mo naman kailangan madaliin ang mga plates mo, bakit mo tinatapos?" tanong ni Joey sa akin habang nilalagayan ng benda ang kamay ko. "Ayokong naiipon ang trabaho ko, saka gagawa pa ako ng blueprint next week para sa isa nating client," paliwanag ko kay Joey. Pagkatapos n'yang bulutan ng benda ang kanang kamay ko ay tinignan n'ya. "Matanong ko lang," sabi ni Joey sa akin. Tinignan ko ang kamay ko na masakit pa rin. Kumuha ako ng pencil para subukan kung makakapagtrabaho pa ako. "Sabay kayong umalis ni Engineer Marlon, pero hindi kayo sabay bumalik," chismosong tanong ni Joey. Tinignan ko ang lalaking ito nakaupo sa client seat ko. Sumandal ako sa swivel chair at nang maalala ko si Marlon. "Balak akong ligawan," walang gana kong sagot kay Joey. Wala s'ya