CHAPTER 3

1703 Words
"You'll be my baby." ••••• Sa panahon ngayon na kung saan nabubuhay ako, sa ating henerasyon, Ano nga ba ang gusto ko? Habang nakatingin ako sa langit na puno ng mga bituin ay napangiti ako. Humilig pa ako ng mabuti sa railing ng kinatatayuan ko. Ang mga bituin na 'yan, ay may iba't-ibang kahulugan. Hindi man natin alam, hindi man natin maitindihan kung bakit sila kumikinang, alam kong ang bawat isa kanila ay sumisimbolo sa bawat isa sa atin. Siguro ang isa riyan ay para sa akin, at ang bituin na iyon ay si Shawn. Nilibot ko ang paningin ko sa view na nakikita ng mga mata ko. Ang nagtataasang mga puno ay marahan na nakikisabay sa ihip ng hangin. Ang mga ilaw ng mga kotse sa ibabang parte ng building na ito ay parang sumasayaw dahil sa pagkinang. Hindi sila umuusad dahil sa traffic. Ang mga ilaw sa kalapit at malayong building ay kitang-kita ko rito mula sa kinatatayuan ko. Sa 'di kalayuang parte ay may bar kung saan mas angat ang kinang ng mga ilaw. The loud sounds of the bar can also hear faintly here in my position. Habang tumutugtog ang kanta galing sa bar ay nakikisabay din ako. Inurong ko ang aking kamay at nasagi no'n ang katabi ko. Nilingon ko siya at marahang nginitian. "Ang ganda rito." sambit ko. Dumako muli ang aking mga mata sa mga bituin. Ano pa nga ba ang gusto ko? Sa tingin ko ay wala na. Nilingon ko si Shawn na ngayon ay nakatingin na rin sa langit. "Gusto mo ba rito?" tanong ni Shawn sa akin. Matagal akong napatitig sa kanya. Ang kanyang mukha, kahit kailan, ay hindi ko makakalimutan. Ang kanyang postura, alam ko rin kahit nakatalikod pa siya sa akin. Ang lahat ng sa kanya ay gusto ko. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng ito. Hindi ko kasi kayang bigyan ng pansin kahit ang maliliit na detalye na mayroon siya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na para siya sa akin. Kahit hanggang ngayon na apat na taon na ang lumipas noong ikinasal kami. Na ako ang mahal niya at pinakasalan niya. Hanggang ngayon, sa lahat ng ipinapakita niya sa akin, hindi ko alam kung kaya ko bang paniwalaan. Dahil sobra-sobra na siya, he's more than enough for a woman like me. He's successful, well, I am on my way of being successful too but he's too way far from me. Pakiramdam ko, kahit mag-asawa na kami ay ako pa rin iyong estudyante niya na patay na patay sa kanya. Napawi ang ngiti ko nang napansing nakatingin na rin siya sa akin. Nataranta ang kaloob-looban ko kaya naman ay nag-iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ay natunaw ako. Muli ko siyang nilingon at sumalubong agad sa aking mga mata ang kunot niyang noo. "You okay?" tanong niya sa akin. Paulit-ulit akong tumango. Hindi ko alam ang isasagot dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya! Ano ka ba, Inori? Hindi ba ay asawa mo 'yan? Ba't ka pa mahihiya sa kanya? Kinabig niya ako papalapit sa kanya. Ang kaliwang kamay niya ay sinakop ang bewang ko para magkalapit kami. Lihim akong ngumiti. Ang 5 inches heels ko ay walang panama sa tangkad ng katabi ko. He's way taller than me and I accepted that fact a long time ago. "Are you cold?" tanong niya. Ngayong natanong niya iyan ay saka lang ako nakaramdam ng ginaw sa katawan. I rub my hands on my arms so that I can feel heat. Mas lalo niya pang kinabig ang aking bewang papunta sa katawan niya, leaving no space between our body. "Hm, my love is cold. Let me warm you up." buong niya sa aking tainga. He warmed me up like what he said by hugging me tight. Hinilig niya pa ako lalo sa railing na para bang solusyon iyon para walang makapasok na hangin sa pagitan namin. Nilingon ko ang magkabilang gilid ko. Sa kanan ay isang babae na nakayuko, para bang ang lalim ng iniisip. Sa kaliwang banda naman ng kinatatayuan namin ni Shawn ay isang lalaki na malayo ang tingin. Bumuntong hininga ako. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pinagdadaanan. Gaano man kababaw o kalalim iyon ay siguradong masakit para sa kanila. Nilingon ko si Shawn. "Gusto mo na bang umuwi, mahal ko?" I asked. Marahan niya akong hinarap sa kanya. Nakita ko sa likod niya ang loob ng restaurant na kinainan namin kanina. "Not really, but if you want, then let's go home?" Tumango ako. Pinasadahan ko pa ng isang tingin ang babae at lalaking naroon din kanina sa hilera ng kinatatayuan namin. Hinawakan ko ang kamay ni Shawn at sabay kaming pumasok muli ng restaurant para makalabas sa kabilang pintuan. Kinabukasan, bumisita ako kila Ma'am Cleo. Hindi kasama si Shawn dahil may inaayos siya sa University. Kahit linggo ay may pasok siya. Ako naman ay wala dahil sarado ang hospital tuwing araw ng linggo, kagaya na lang ngayon. Nakaupo ako ngayon sa sofa nila ni Shaun. Silang dalawa ay nagsasama na sa iisang bahay ngunit hindi pa sila kasal. Meron silang baby ngunit adopted lang. His name is Cronus Gaizler at 4 years old na siya. "Tita Inori!" speaking of Cronus, he's coming down from his room. Binuhat ko siya at pinaupo sa lap ko. Bumalik ang kanyang Mama na si Ma'am Cleo galing sa kusina at ngayon ay may dala ng meryenda. Ala-una ng hapon nang pumunta ako rito, at ngayon ay alas-tres na. Si Cronus ay kakagising lang kaya ngayon ko lang nakita. Kumuha ako ng cake na inihanda ni Ma'am Cleo at isinubo ito kay Cronus. "Kamusta sa hospital?" tanong ni Ma'am. Ngumiti ako. "Ayos lang, maraming mga bata. Naaaliw ako sa kanila." Tumango naman si Ma'am Cleo at may sasabihin pa sana ngunit biglang nagsalita si Cronus na tapos na palang kainin ang cake na ibinigay ko sa kanya kanina. "Tita, are you planning to have your own baby also?" Namula ako sa tanong na iyon ng batang ito. "Gaizler!" saway ng kanyang Mama. I chuckled. It's fine, anyway. "Baby, Tito Shawn and I did not planned to have a baby, yet." Lumungkot ang mukha ng bata. Bumaba siya sa akin at hinarap kaming dalawa ng Mama niya. "But why? Mama doesn't want to have a baby also! Who am I gonna play with?" Cronus is frowning. We both laughed. Napailing si Ma'am Cleo sa kanyang anak. Pinigil ko naman ang tawa ko dahil masama na ang titig ni Cronus sa akin. "I will tell this to Papa and Tito Shawn!" dugtong pa ng bata. Tumango si Ma'am Cleo at binigyan ng thumbs up si Cronus. "My baby is very upset, aw." si Ma'am. Hindi rin nagtagal ay nalibang na si Cronus sa mga laruan niya. Binuksan ni Ma'am Cleo ang TV para makanood ako. Athena's face pop up inside the TV. Athena is now an international model. Nakapasok siya sa Victoria's Secret at ngayon ay nasa ibang bansa siya para mag-training at mag-aral. "Athena is very lucky, dapat ay hindi niya sayangin ang opportunity na iyan." sambit ni Ma'am. Tumango ako sa kanyang pahayag. "Oo nga, Ma'am. And I think Athena will never waste her dreams. Matagal niya nang pangarap iyan, e." "Maganda nga iyan dahil naging daan 'yan para makalimutan niya si Sean Austin." Ma'am Cleo chuckled. Ngumiti rin ako at tumango bilang pagsang-ayon. Austin and Athena had a relationship but it didn't last long. Tinignan ko ang mukha ni Athena na nasa TV. Ini-interview siya ngayon dahil sa successful runway show niya noong nakaraang linggo. I wonder how will Austin react if he'll see this? Lalong gumanda si Athena. Ang mahaba at straight niyang buhok ay kulot na ang mga dulo. May kulay na rin itong ash blonde. Mas lalo rin siyang tumangkad. I bet she's now 5'7. Nang natapos ang interview ni Athena ay nawala rin sa TV ang panigin ko. Tinignan ko ang relo ko at nakitang alas-singko na ng hapon. Tumayo ako para makapag paalam na. Alas-sais ang dating ni Shawn galing sa University kaya kailangan ko nang makauwi. "Ma'am, mauuna na po ako." Tumango si Ma'am at nagbilin ng ingat sa akin. Bumaling ako kay Cronus na busy sa paglalaro. "Cronus, uuwi na si Tita..." lumapit ako sa kanya. Kiniss ko siya at niyakap niya naman ako. Sumimangot siya nang may naalala. "You really don't want to have a baby?" Mahina akong napatawa. Hindi niya talaga mabitawan ang topic na ito. "Maybe next time, baby." I smiled. Tumango siya ngunit nakasimangot pa rin. "I hope next time you'll go here, you're pregnant so that I can be a big brother!" masaya niyang sabi. Tumango ako at tumawa rin. "Okay, let me remember that." Sumakay na ako sa aking kotse at nag-drive na pauwi. Medyo traffic kaya natagalan pa ako ng kaunti. Nang makarating ako sa bahay ay naroon na si Shawn at nagluluto na ng hapunan. Balak ko sanang ako ang magluluto ngayon ngunit naunahan niya ako. "You should've wait for me." sambit ko at tinignan ang ginagawa niya. He's cooking his specialty. Ang mabangong aroma nito ay naamoy ko agad. Iniwan niya ang niluluto at kumuha ng maiinom sa loob ng refrigerator. Habang umiinom siya ay nagsalita ako. "By the way, Cronus is asking if we're planning of having a baby." I said casually. Nasamid siya. Pinatay ko ang niluluto niya at mabilis siyang nilapitan para tapikin ang likod. Marahan kong hinagod ang likod niya para maibsan ang kanyang pagkasamid. Nakasuot siya ng puting t-shirt at nabasa iyon dahil sa hindi sinasadyang pagbuga niya kanina. "You alright?" tanong ko. Natawa siya. "Why would Cronus ask a question like that?" "Gusto niya raw magkaroon ng kalaro. At gusto niya na raw maging Kuya." "I don't want to plan this, yet. Pero kung gusto mo---" Pinutol ko na siya agad sa kanyang sasabihin. "Hindi, okay lang!" Shawn chuckled. "Because if I'll be the one to decide, I don't want yet. I want to spend more days with you." "Pero apat na taon na tayong walang—” “Four years isn't enough for me, though.” putol niya sa akin. “Okay...” tumango pa ako para sumang-ayon. "Kaya naman habang wala pa, ikaw muna habang hindi pa siya dumarating. You'll be my baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD