CHAPTER 2

1581 Words
“You rock my world like no one does.” ••••• Pagkagising ko ay tulog na tulog pa si Shawn sa tabi ko. Tinignan ko ang oras sa wall clock. 6:10 AM. I have 50 minutes left to get dress and cook for breakfast. Tumayo na ako at bumaba para pumunta sa kusina. I will cook corn beef and hotdogs for breakfast. Binuksan ko ang music playlists ko sa aking cellphone at inilagay ang earphones sa aking tenga. “Hey I never felt this way, can't get enough so stay with me...” Sinasabayan ko pa ang lyrics ng kanta ng Lany na ILYSB habang binubuksan ang lata ng corn beef. Ang lata na ito ay parang katulad ng relasyon namin ni Shawn... Matatag at mahirap wasakin. Kanina ko pa kasi ito binubuksan gamit ang can opener pero nangangalahati pa lang ako sa pagbubukas! Malapit na sana akong sumuko dahil nangangalay na rin ako nang may tumawag sa akin. “Inori Mendrez!” si Shawn. Kumunot ang noo ko. Hindi pa siya nakabihis, naka-boxer lang at sando. “Love!” tawag ko sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko. “I thought you left early...” bulong niya habang sinisipat ang corn beef at can opener na hawak ko. Umiling ako at ngumiti. “Magluluto sana ako ng breakfast natin.” Tumango siya at kinuha sa akin ang can opener at corn beef. “Let me help you.” sambit niya. Ako naman ay kinuha na ang hotdogs sa refrigerator at sinimulan itong lutuin.  Tinanggal ko ang aking earphone at ipinatong ang cellphone sa counter. “Maaga ang pasok mo ngayon?” tanong ko sa kanya. Umiling siya, “10 am.” Tumango ako at inabot ang binibigay niyang fresh milk sa akin. “Anong oras ka uuwi?” tanong ko ulit. Lumingon siya sa akin at saka ngumisi. “Bakit ang dami mong tanong?” Kumunot ang noo ko, ilang sandali ay napangisi rin ako at tinaasan siya ng kilay. “Malamang asawa kita kaya marami talaga akong tatanungin sa'yo. Magtaka ka kapag hindi na ako nagtatanong.” binulong ko lang ang huling pangungusap. Tumawa siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inikot ako na para bang sumasayaw. Nang huminto ako ay nasa harap ko na ang mukha niya. Ngumiti ako at siya naman ay hinalikan ang aking noo. Hawak ang kamay ko ay hinanda niya ang almusal namin. Medyo nahihirapan nga siya dahil isang kamay lang ang gamit niya kaya sinubukan kong bawiin ang kamay ko na hawak niya pero ayaw niyang bitawan. Okay. Bahala ka mag pakahirap diyan. After siguro ng sampung minuto, natapos din siya sa ginagawa niya na hindi talaga binibitiwan ang kamay ko. “I can multitask, and you already know that.” kinindatan niya pa ako. Napailing na lamang ako at ngumiti. Inumpisahan na namin ang pagkain at salamat naman dahil binitiwan niya na ang kamay ko. Kung siya kayang mag multitask, pwes, ako hindi! Nauna siyang natapos sa akin pero nauna pa rin akong umalis ng bahay dahil maaga ang schedule ko. Hinatid niya ako sa hospital. “Good morning Ma'am Inori, Sir Mendrez!” bati ni Kuyang guard sa amin. “Magandang umaga po.” bati ko rin sa kanya. Si Shawn naman na nasa likod ko ay tinanguan lang siya. I am wearing a 5 inches heels at tuwang-tuwa ako dahil kaunti na lang ay maaabot ko na si Shawn. Hanggang balikat niya na ako ngayon. Kilala na siya ng mga tao rito. Sa araw-araw ba namang pagsundo niya sa akin ay hindi pa ba siya makikilala ng mga tao rito? Kahit ang mga co-doctors ko rito ay kinababaliwan siya. “Dito na ko,” ngumiti ako. “You may go now.” Tumango siya. “Go inside first before I leave.” I chuckled and followed his instructions. Pumasok na ako sa loob. I waved at him. Ngumiti siya sa akin at unti-unting naglakad paalis. Nag-umpisa na ako sa trabaho. Dumagsa agad ang mga nagpapa-check up, may isa pa ngang bata na gustong makita si Shawn. “Doctor I, can I ask you a question?” tanong niya sa akin. Tumango ako at saka ngumiti. “Sige baby, ano 'yon?” “Do you have a husband? Where is he?” Aaminin ko na medyo nagulat ako sa tanong niya. She's only 6 years old and now, she's asking me this kind of question? Her mom look at me apologetically. I smiled softly and nodded as if saying 'it's alright.' I smiled before answering the child. “He's also working. Do you want to meet him? I'll bring you to his work, if your mommy will allow you.” The child beamed. “Oh, yes! And I'm pretty sure mommy will agree!” tumingin pa siya sa kanyang mommy. Tumango ang mommy niya at nginitian ako nang lumingon sa akin. “But, in one condition. You'll drink your meds and follow mommy, okay? Kapag bumalik ka rito for another check up, You'll go with me and I will bring you to my husband's work.” I promised her. Masaya siyang tumango at binigyan ako ng thumbs up. “Sure, Doctor I!” Lumingon ako sa mommy niya. “Balik po kayo rito for the follow-up checking of her.” Tumango siya bago umalis. Kinawayan ko ang batang babae habang lumalabas sila ng mommy niya sa clinic. Pumasok si Zarah sa loob ng clinic ko. Anyway, hindi lang naman ako ang pediatrician dito sa hospital. Marami kami at may sari-sariling clinic. “Doc, pinapatawag po kayo ni Director Saniego. Pumunta raw po kayo sa conference room.” si Zarah. Kumunot ang noo ko. “Alam mo ba kung bakit daw ako pinapatawag?” Ano kayang problema? Hm, may problema ba sa hospital? Minsan lang magpatawag ang direktor ng hospital kaya hindi ko alam at wala akong clue kung ano bang nangyayari at mangyayari. “Pinapatawag din po ang iba, doc. Urgent meeting po 'ata ito.” Tumango na lamang ako at ngumiti kay Zarah. “Sige. Salamat, Z.” Ngumiti rin siya at tumango. Lumabas na siya ng clinic. Mabuti na lang at magla-lunch break na nagpatawag si director Saniego, wala na akong pasyente. Nang lumabas ako ng clinic ay nakasabay ko si Doc. Martha, isa sa pinakamagagaling na surgeon ng hospital. Si Doc. Martha ay nasa mid 30's na pero nangingibabaw pa rin ang ganda. Kung pwede nga lang ay araw-araw ko na lang siyang tititigan. “Good afternoon, doc.” bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at bumati rin ng magandang tanghali. Sabay kaming pumasok sa conference room. Umupo ako sa assigned seat na para sa akin. Katabi ang isa pang pediatrician ay nakinig kami sa kung anong sasabihin ni director Saniego. “First, I want to greet you all good afternoon.” huminto muna siya para tumikhim bago muling nagsalita. “Okay, let me tell this straight to the point. We'll be having a conference meeting in Korea, China, and Japan. And I had chosen some doctors to attend the said conference.” Inumpisahan niyang banggitin ang bawat pangalan ng mga doctor na makakasama sa conference meeting na iyon. My eyes got widened when I heard my name. “Doc. Inori Shou, you'll be attending the conference at Korea, together with your co-pediatrician doctors.” si Director Saniego. I nodded. May kaunti pa siyang ipinaliwanag sa amin bago siya nag-dissmiss. Mabilis akong umalis doon at bumalik sa clinic. I massaged my head while thinking on how will I tell this to my husband. Hindi ko alam kung papayag siya but I’m sure that there's a big chance. Kung matutuloy man talaga ang conference ko roon sa Korea ay first time kong pupunta roon. Hindi naman kasi mahilig ang family namin mag-travel out of the country kaya hindi ko pa talaga iyon napupuntahan. I checked up my remaining patients. Nakalimutan ko na ring kumain, but it's alright. I'm not hungry anyway. Nang dumating ang 5 ng hapon ay umalis na ako sa hospital. I decided to visit Shawn at Burlington. Sumakay ako ng taxi para makarating doon. Nang makarating ako sa University ay binati agad ako ng guard. Siya pa rin pala 'yung guard na nandito. “Magandang hapon po Ma'am! Si Sir Mendrez po ba hanap niyo?” Tumango ako. “Opo Kuya, magandang hapon din po.” Nagpaalam ako sa kanya na papasok na sa campus at umalis na ako roon. Pumunta ako sa opisina niya. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad ang wedding picture naming dalawa na nakapatong sa table. Nilibot ko ang aking mga mata sa office. Wala pa rin namang pinagbago. Umupo ako sa sofa habang hinihintay siya. Baka may klase pa kaya wala pa siya rito. Kinakalikot ko ang aking cellphone nang dumating si Shawn. Inaayos niya pa ang salamin niya habang papasok sa pinto. Nang nakita niya ako ay ngumiti siya. “Nag-taxi ka?” Tumango ako at lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi bago sumagot. “Oo. May sasabihin sana ako sa'yo.” Kumunot ang noo ni Shawn habang tumatango. “Okay. But before that, did you eat lunch?” Umiling ako at awkward na ngumiti. Baka pagalitan niya ako. “Let's eat. I haven't got my lunch also.” sambit niya. I sighed of relief. Hawak ang kamay ko ay lumabas kami ng opisina niya. Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming eestudyate ni Shawn. May bitbit siyang mga papel. “S-Sir, ito na po 'yung mga test papers.” Nilingon niya ako. Nginitian ko siya. Naaalala ko 'yung sarili ko sa kanya noong hindi ko pa asawa si Shawn. Natawa ako sa sariling iniisip. “Put it on the table inside my office.” sagot ni Shawn. How cold. Kinunotan ko ng noo si Shawn nang makaalis ang babae. “Bakit mo sinungitan? Mukha naman siyang mabait.” reklamo ko. Umiling siya. “Masungit na naman talaga ako dati pa 'di ba?” “Pero nagbago ka na 'di ba?” “Sa'yo lang naman ako nagbago.” he chuckled. Napailing na lamang ako. “At saka... Sa'yo lang ako mabait because you're my fiancee that time.” natawa pa siya sa sariling sinabi. “Ah ganon, so hindi ka pala magiging mabait sa'kin kung hindi mo ako fiancee no'n?” Umiling siya. “Yes. Because it's my way to shove you away. Even if you're not my fiancee that time, you already rock my world.” Nag-init ang pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD