Prologue
THIS IS A WORK OF FICTION.
•••••
"Your achievement in whatever you do is my joy."
•••••
Prologue
"Sorry, 'daming patient sa hospital. Late na ba ako for dinner?" I ask my husband while sitting on the chair in front of him.
Umiling siya at ngumiti like everything is okay and there's no problem.
But I know, may problema at ayaw niya iyong sabihin sa akin. Hindi man niya sabihin, alam ko pa rin.
And we haven't talk about it, yet.
He's busy, and I'm busy too. Paano kami makakapag-usap?
This is our first time eating together ever since we got married. Nang ikinasal kami ay naghanap agad ako ng trabaho habang siya naman ay ipinagpatuloy ang pagiging professor sa Burlington.
I am now a doctor, and I work on Philippine General Hospital as a Pediatrician. And I am happy with my work. I love seeing kids and treating them.
"How's work?" Shawn suddenly asked.
"Hm, okay naman. Ikaw ba?" tanong ko rin habang sumisimsim ng juice na inorder niya bago pa ako dumating dito.
Tumango siya. "Fine, I guess. Since it's only the second week of school."
Tumango rin ako. I can't find words to say. Hindi ko alam pero para bang may nagbago. Everything feels so awkward and I feel like I'm back again to zero. I'm back again in the time when he hates me.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa table.
"Are you okay, love?"
Bumuntong hininga ako nang marinig ang huling salita sa bibig niya.
Tumango ako at nginitian siya.
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong pa niya.
Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling. Ang totoo kasi niyan ay gusto ko na talagang umuwi at yakapin nang buong magdamag si Shawn.
"Then let's go home. You can hug me anytime you want." ngumisi siya.
Nanlaki ang mga mata ko. I mentally forgotten that he can read minds!
Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at sabay kaming naglakad palabas ng restaurant.
Nang makasakay kami sa kotse ay hindi niya ito pinaandar. Sa halip ay dumapo ang tingin niya sa akin at saka siya ngumiti.
"I know you're not fine. What is the problem?" tanong niya.
Matagal ko siyang tinitigan. Nangilid ang luha ko nang ngumiti siya sa akin.
"Why are you crying, love? May masakit ba sa iyo, did you got scold from work, what?" hindi siya mapakali.
Mahina akong napatawa. Umiling ako at nagsalita.
"I miss you." sambit ko at niyakap siya.
Niyakap niya rin ako pabalik. Mas mahigpit pa sa yakap ko sa kanya.
"Is that all? You have something to say?" tanong niya.
"Are you still happy with me?" I whispered.
Natulala ako sa sarili kong tanong. What if he say no? What if hindi na siya masaya sa relasyon namin? What if napipilitan lang siya ngayon dahil nangako siya kina Mommy na hindi ako iiwan?
Kumunot ang noo ni Shawn. "Why do you think about that? Is this about our busy schedules? Is this about your work?"
He caressed may back while I'm still crying.
"Love, You are my wife now and no thing can ever change that. I am inlove with you and I'm proud in everything that you do. You're doing a good job, so why I will not be happy?" pabulong niyang sagot.
Humiwalay ako sa yakap niya at pinunasan ang mga luha ko.
"You're afraid because I might left you because of your busy schedule, ito ba ang bumabagabag sa iyo?" tanong niya pa.
Inayos niya ang buhok na humaharang sa aking pisngi. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Tinitigan ko lamang siya.
Ngumiti siya sa akin at hinalikan niya ang aking noo.
"Your achievement in whatever you do is my joy, love." hinalikan niya akong muli.
"I love you." bulong ko.
"I love you too."