Chapter 4
Mariposa's POV
"SAMAHAN mo si Mari sa bahay, Duke."
What?! Kuya Viktor, okay ka lang po ba? Hindi ka naman po ba siguro high diba?
I said to my mind while my looked turns to Duke. Ang lalaking bastos, mahalay, at manyak. Basta kulot, 'di lang salot! Literal na bastos!
"Ayos! Akong bahala kay Tahong, Doc." He said at pinikig ang tingin sa akin.
Kanina, piling close sa akin. May paakbay-akbay pang nalalaman. Winaksi ko 'yon, at lumayo sa kanya. Naririndi ako sa lalaking 'to!
Lumabas ako ng kwarto at doon naghintay sa labas. Gustuhin ko man makipag-protesta ay hindi puwede. Pagod si Kuya at galing pa siya sa Isabela kung saan doon ginanap ang medical mission nila. Rinig ko pa na may sinabi si Kuya Vik sa manyak na iyon. Malabo pero alam kong tungkol iyon sa akin. Napa-buntong hininga nalang ako at saka tumingala sa kawala.
Bakit kasi sa dinami-raming tao sa mundo, ay siya pa talaga ang pinsan ni Kuya. Aarrgh!! Grabe ang tadhana kung mang-asar sa akin. Nananadya talaga eh!
"Bwisit!" Mura ko at nagulat nalang ako ng makita ko siya na nasa harapan ko na.
"Who's annoying you, by the way?"
Tanong niya sabay ayos ng kulot nitong buhok.
Hindi ko siya pinansin, bagkus umiwas ako at nagsimula ng maglakad papalabas ng gusali. Ramdam ko 'yong presensya niya na nasa likuran ko.
Huminto ako sa paglalakad at saka ko siya hinarap. Kunot noo ko siyang tiningnan.
"P'wede ba! Huwag mo akong sundan?! Nakaka-bwisit ka, alam mo ba 'yon?!"
Nagtaka naman siya sa sinabi ko.
"Tahong, iisang daan lang ang meron dito. Kung meron man sa hagdan doon sa fire exit." Pinitik niya ang noo ko. Tinapik ko naman iyon. "And for your information, ako ng magmamaneho at doon ka sasakay sa kotse ko." Humalukipkip siya. "Kung hindi lang humingi si Viktor ng pabor sa akin, malamang wala ako dito, malamang nagpapahinga na ako ngayon sa lungga ko. Kaya huwag kang mag assume na gusto kitang kasama. Kuha mo?!"
Napahiya ako do'n ah?! Bwisit! Bungangirong lalaking 'to!
"And one more." Dagdag pa nito bago niya ako lampasan. "Kung 'di lang malakas si My Everything sa akin, wala ako ngayon dito. Tabi!"
Napa-atras ako binangga niya ako sa balikat. Ang gagu! Hindi niya ba inisip na mabubuwal ako sa ginawa niya? Kung 'di ba naman maliit ang katawan.
Pagdating sa kotse nito ay agad siyang pumasok. Napaka-ungetleman naman talaga ng lalaking 'to. Hindi man lang ako pinag-buksan ng pinto. Bwisit! Makaka-ganti rin ako sa'yo.
Pagpasok ko sa passenger seat, ay agad niya akong sinita.
"Back seat ka maupo, bawal ka dito. Pang special someone lang ang upuan na ito." Sabi niya sabay turo sa likuran.
Sinamaan ko siya ng tingin, subalit wala lang iyong sa kanya. Mabilis akong lumabas at pumihit sa likuran. Rinig ko ang pagtawa niya at tiningnan ako sa rear mirror. Nang-aasar talaga ang manyak na'to eh!
"Bwisit!" Usal ko at tumingin sa labas ng bintana. Rinig ko ulit ang tawa nito at saka pinaandar ang makina sabay patakbo ng sasakyan.
Makalipas ang isang kalahating oras na byahe, ay nakarating na kami nang bahay. Nakaka-ngawit rin pala ang umupo sa, sasakyan. Mabilis ako tumungo ng pinto at binuksan ko iyon. Hindi pa naman ako nakapasok ay nasa tabi ko na ang lalaking kasama ko.
"Bilis! Ba't ang bagal?" Yamot nitong sabi sabay patong ng braso nito sa balikat ko.
"Ano ba! Ang bigat ng braso mo, hah? Sa totoo lang!"
Naging masunurin naman siya. Inalis niya nga ang braso nito sa balikat ko. Ang buong akala ko ay wala na siyang gagawin. Napa-angat ang mga paa ko nang hapitan niya ang bewang ko sabay dikit sa katawan niya.
Tinulak ko siya at sabay sampal pisngi. Naka-yukom ang mga kamao kong naka-titig sa kanya ng masama. Hindi naman siya nagsalita o nagtanong kung bakit ko siya sinampal.
"Kung sa ibang babae puwede mo 'yan gagawin, sa akin hindi! Gagu!" Bulyaw ko at saka pumasok sa loob ng bahay.
Diretso ang nga yabag ko mula sala hanggang makarating ako ng kwarto nina Ate Div. Matapos kong malagyan ng damit ang maliit na bag ay agad akong lumabas sa kwarto nila. Mahira0 na at baka kung ano pa ang isipin ng lalaking kasama ko.
Kumunot ang noo ko nang makita ko siya na naka-higa sa mahabang sofa. Naka-patong ang sapatos nito sa dulo at ng ulo nito ay nasa kabilang dulo rin ng sofa. Naka-halukipkip ang mga braso at pikit ang nga mata. Tulog siya? Ganun ka bilis? Saan ba galing ang isang 'to? Mukhang pagod rin ah? Tss... Gusto ko sana siyang gisingin. Pero naisip ko, na magluto nalang muna ng hapunan, tutal nandito rin naman kami at gutom na rin ako. Gutom dahil sa sobrang pag-aalala kay Ate.
Isang oras bago ako natapos sa kusina, hinanda ko na rin ang hapag para sa aming dalawa. May pagka-kawang gawa naman ako kahit papaano. Marunong rin naman ako rumespito sa mas nakakatanda sa akin. Tss... Bumalik ako sa sala at ayon ang lolo niyong kulot. Tulog na tulog parin. Grabe! Ano ba ang trabaho ng isang 'to? Dinaig pa si Doc sa dami ng pagod.
I walked towards on him ng bigla siyang gumalaw. Ang buong akala ko ay magigising na ito, pero nagkamali ako. Nanlaki nalang ang aking mga mata sa mga sumunod kong nakita. Isinuksok niya ang kanyang kanang kamay sa loob ng pants nito. Ay! Mali, sa loob pala ng boxer nito, saka sinabayan niya pa talaga ng pagkaka-ungol. Ang gagu! Manyak talaga, ang bastos! Sarap hambalusin ng sandok ang harapan nito, na ngayon ay namumukol na.
Pinag-papawisan ako. Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya para kumain ng hapunan o hindi na. Padabog nalang akong bumalik sa dining area, at sumampa sa bangko saka nagsandok ng kanin at ulam.
"Manyakis ang kulot na 'yon. Haba pa naman ng talong." Usal ko sabay subo ng pagkain. "Manyak!"
Habang patuloy lang ako sa pagkain, hindi ko namalayan na naparami na pala ako.
"Nagsosolo ka? Hindi ka nagyaya man lang?"
Napaubo ako. Dali-dali akong uminom ng tubig at pinalo-palo ko pa ang aking batok. Nang mahimasmasan, at tiningnan ko ng masama ang manyak na nasa tabi ko. Naka-halukipkip siyang seryoso ang tingin sa akin.
"Ba't ba ang hilig-hilig mong manggulat? Hah? Para kang multo na susulpot nalang kung saan."
"Where's your manner? Hindi mo man lang ako ginising."
Hindi ko siya pinansin. Naalala ko bigla 'yong nakita ko kanina.
Naupo siya sa kabilang upuan sa harap ng mesa at kaharap ko pa. Akma na sana siyang kukuha ng pagkain ng sitahin ko.
"Paghugas ka muna ng kamay mo, kung saan-saan lang yan naliligaw."
Napa-tigil siya. Kumurba ang makakapal na kilay at diretso ang tingin sa akin.
"Anong pinag-sasabi mo? Hah?"
"Maghugas ka sabi. Madumi 'yang kamay mo." Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin kung sakaling magtanong ang manyak na ito. "Maghugas ka na sabi!" Reklamo ko at hindi na makakain ng maayos.
Tumayo siya at humakbang papalapit sa akin.
Huwag na huwag mo lang akong hahawakan kung ayaw mong sumimplang!
Nang makalapit siya ay agad akong napatayo. Nagtataka kuñg bakit ako umiiwas sa kanya.
"Wala naman akong sakit. Bakit mo ako iniiwasan?"
Naghanap ng magandang rason.
"Maghugas ka sabi ng kamay, mahirap bang gawin 'yon? Basta maghugas ka ng kamay mo, ano ba!"
Tumayo siya ng matuwid sabay sipat ng kabuuan kong pagkatao.
"Anong nakita mo habang natutulog ako, hah?"
"W-wala...oo...wala." Napa-labi ako. "Hoy! Ano ba!"
Ngumisi siya ng nakakaloko.
"Talaga? Wala? O, baka naman meron tapos ayaw mo lang sabihin sa akin dahil nahihiya ka?"
Lintik na lalaking 'to! Mars, maghanap ka nga ng mairarason mo. Bilis!
Maya-maya lang ay pumikit ako. Bahala na.
Ilang segundo lang ang lumipas ay dumilat ako ng aking mga mata. Sa gukat ay mabilis ko siyang tinulak at akma sanag sipain nang makalayo siya sa akin. Napayukom ako ng aking kamao dahil tatawa-tawa siyang naka-turo sa akin. Animal ka!
"Asumera ka rin, ano? Sa palagay mo hahalikan kita? Ha?" Humalakhak siya ng humalakhak. Napakaligalig niya! Nakakainis ang kulot na ito! Kasumpa-sumpa ka Duke!
Tinulak ko siya. Tatawa-tawa pa rin siyang tinalikuran ko siyang bumalik ako ng kusina at nagpatuloy sa aking pagkain. "Dukyot!" Maktol ko. Sinamaan ko siya ng tingin habang papalapit siya ng kusina. Inismiran ko siya at hindi na pinansin. Sariling sikap siyang kumuha ng pagkain niya. Naka-ngiting aso pa rin siyang nakatitig sakin habang tamad na naupo sa bangko at kaharap ako. Para siyang tambay sa kanto kung kumain. Naka-taas ang isang tuhod—na naka-patong sa upuan, walang damit, magulo ang kulot na buhok at nagkakamay kung kumain.
"Gwapo nga, asal-kalye naman!" Bulalas ko sabay tayo at hindi na tinapos ang pagkain.
"Are you done?" pormal ang tanong niya na para bang walang may nangyaring asaran sa pagitan namin kani-kanina lang. "Hindi pa ako tapos, Mari." Napaismid na naman ako.
"Okay!" pagtatapos ko ng usapan, saka hinugasan ang pinggan na ginamit. Iniwan ko na siya sa kusina, at tumungo sa kwarto nina Ate at Kuya Viktor. Ito naman ang purpose na pinunta namin ni kulot rito—ang kumuha ng damit ni Ate Divina.
Hindi pa nama ako nakatagal sa loob ng marinig ko ang pagsarado ng pinto. Bumalikwas ako ng lingon, at saka nanlaki ang mga matang nakatitig sa lalaking naka-halukipkip at may ngiting nakakaloko. Anc anima na ito! Kailan niya ba ako titigilan?
Sinukbit ko ang bag na may lamang damit ni Ate, at saka ko hinarap si Duke. Naka-pamewang akong tinaasan siya ng kilay. "Buksan mo! Aalis na tayo!" pa-singhal kong utos sa kanya subalit ayaw akong pakinggan. "Duke, isa!" Tinulak ko para tumago subalit nagulat nalang ako ng bigka niyang hinawakan ang pulsuhan ko. Naka-awang ang mga labing naka-titig sa kanya dahil ang mga titig na iyon ay siyang dahilan nang pagkasindak ko. Bigla ay nanindig ang mga balahibo ko.
"Naramdaman mo 'yon?" alam ko ang tinuyukoy niya. "Ako kasi, oo." Mamya ay ngimiti siya na para bang nang-aakit.
"If I touch you more than this, how would you feel?" Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. "Much better?" At saka niya ako hinapit sa bewang, at sa hindi ko inaasahan, bigla niyang kinagat ang ilalim ng labi ko dahilan para matauhan ako.