Chapter 5
Mariposa's POV
Halos maubusan ako ng hangin sa nangyari kani-kanina lang habang ang kulot na ito ay pangi-ngiti na animo'y walang kasalanan. Bumalik ako sa aking wisyo nang tawagin niya ako. Iwinagayway niya pa ang kamay nito sa harapan ng aking mukha.
"BABAE, open the door. Aalis na tayo." Saka niya ako tinalikuran. Nasa harap din kasi ng pintuan. Aligaga.
Haplos ko ang aking dibdib dahil sa lakas ng pintig nito. Hindi ko alam bakit bigla nalang lumakas ang t***k ng puso ko. Dahil ba sa kaba? O, baka naman sa takot, na baka ulitin niya ulit ang ginawa niya kanina. Ang lakas ng t***k ng puso ko, ay sumasabay sa lakas ng pagka-kalampag ni Duke sa labas ng pintuan. Natatakot akong lumabas baka kasi ano pang gawin niya sa akin.
Napa-hawak ako sa aking mga labi at inaalala ang malalim nitong halik kanina. Bakit, bigla akong kinilig? His sensual touch makes my body frozen. Para kasi akong kinuryente. Bumalik ang ulirat kong pag-iisip sa katinuan nang marinig ko ulit ang tawag ng lalaking 'yon.
"Mars? Come on! It's just only a kiss."
Usal nito habang kinakatok ang pintuan.
Oo nga pala. It's just only a kiss. Isang halik na mula sa lalaking mortal kong kaaway. At iyon ang kauna-unahan kong halik sa buong buhay ko. Sinong mag aakala na siya lang pala ang makakaangkin ng inosente kong labi? Ang hayop na 'yon.
"Mars? Mars? Kailangan na natin bumalik sa hospital. Tumatawag na si Viktor. Come on, mussel girl."
Ngeta! Lakas maka tahong ang bwisit na 'to ah? Kutang kuta na siya sa pang aasar sa akin.
Huminga ako ng malalim at saka tumayo. Inayos ang sarili at magpanggap nalang na hindi ako apektado sa nangyari. But gosh! Nanginginig ang sistema ko sa kaloob looban ng kalamnan ko.
Pinihit ko ang pintuan. Dahan-dahan ko iyon binuksan at lumantad sa harapan ko ang lalaking kumuha ng una kong halik. He's already not in a good mode. Grabe! Siya pa ang may karapatan na ma beastmode ngayon? Na ang totoo, dapat ay ako.
"Tumawag na si Vikt----"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang salubungin ko iyon. Nabu-bwisit talaga ako sa kanya.
"Alis na tayo," sambit ko at nilampasan siya hanggang sa makalabas ako ng kwarto at tumungo muna sa kusina para kumuha ng distilled water na sobrang lamig. Natuyuan ako ng sobra sa mga halik niya. Lintik.
"Thirsty, huh?" Napa-angat ako ng marinig ko ang boses niya sa aking likuran. Anong ginagawa niya at sinundan niya pa talaga ako dito?
Nagkunwari akong hindi siya narinig at lumabas na agad ng kusina. Ayaw ko siyang kausapin dahil ayaw kong masira ang gabi ko.
"Hey!" Tawag niya subalit nagmamadali akong lumabas ng bahay at diretso ang tungo sa kotse niya.
"Bahala ka na mag lock ng pinto diyan." Yamot kong sabi sa sarili at 'di na nagsalita.
Maya't maya lang ay dumungaw siya sa may bintana ng sasakyan at ilang pulgada lang ang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Napaatras ako sabay tulak ng mukha niya palabas.
"f**k! Where is the key?!" Bulyaw niya habang hinihilot ang matangos nitong ilong. "Pa'no ilo-lock ang pintuan ng bahay kung walang susi?!"
Napa-labi ako. Oo nga pala, nasa akin ang susi ng bahay at hawak-hawak ko iyon. Inabot ko iyon sa kanya. Ang buong akala ko, susi lang 'yong kukunon niya sa kamay ko. Nagulat nalang ako, pati palapulsuhan ko ay hinila niya rin. We're closer again. Para akong maduduling sa sobrang lapit ng mukha ko sa kanya.
"Your lips like sugar. Your sweet like double dee. Do me that favor, 'cuz your my flavor, Mussel girl."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay kinindatan pa ako at sabay nakaw ng halik sa labi.
Shit! s**t! Triple s**t!
Nang mabitawan niya ako. Humalakhak ito at pasimpleng humakbang pabalik sa harapan ng pintuan at ni lock ang main door.
Tahimik at walang kibo sa loob ng kotse. Ayaw kong kausapin ang manyakis na ito. Naririndi ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin. Kung susumbong man ako, ay malamang pagtatawanan lang ako ng mga ito. Nakakaasar. Nakaka-badtrip.
"So? How does it feel na nag krus ulit ang landas natin, miss tahong? Imagine...dito pa talaga sa maynila? Wow! I can't believe na apo ka pala ni Manang Lodie. Kapag sinuswerte ba naman. Tsk! Tsk! Tsk!"
"Hindi nakakatuwang tadhana! Ang malas! Sa dinami raming kamag anak, ikaw pa talaga! Kung alam ko lang, e, di...sana hindi na ako sumama kay Lola, at mas gugustuhin ko pa na tumira sa Masagana at magtinda ng tahong, kabibe at talaba! Bwisit!"
Tumawa siya at tiningnan ako sa may salamin.
"You know what? Kung ipinag-patuloy mo pa 'yong pagtitinda ng tahong, kabibe at talaga. Araw araw rin kita do'n. Hahahaha! At babansagan kitang sirenang nagtitinda ng tahong. Hindi dapat Mariposa ang pangalan mo, e! Ang dapat na pangalan mo ay Sirena. Sirenang walang buntot."
Kumibot ang gilid ng labi ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin sa may salamin. Daig niya pa ang babae kung makipag talo. Imbes na patulan ay tumahimik nalang ako. Wala ring kwenta kung papatulan ko siya. Pinilig ko ang aking ulo sa may bintana at nasa labas ang aking tingin.
"Ahem! By the way... Kumusta 'yong binti mo? Iyong gabi na 'yon, nabundol ka, diba?"
Naalala niya pa 'yon? Magtatatlong buwan na ang nakalipas. Matalas rin pala ang memorya ng isang 'to.
"Tinawagan ko 'yong isang kaibigan ko do'n na e-check ka. Ginawa niya ba?"
Si Clark ang tinutukoy niya.
"Huwag mo ng halungkatin ang nakaraan. Nanggigil ako sa'yo sa tuwing naaalala ko iyon."
Wala sa kanya ang tingin ko. Ba't ba ako nakikipag usap sa lalaking 'to? Asar.
"Hey! I'm sorry."
Wow! Marunong siyang mag sorry? For real? O, baka naman palabas niya na naman ito, para sabihin na mabait siya? Tss...
"Wala akong pakialam sa sorry mo! Soluhin mo 'yan, saksak mo 'yan sa baga mo!!" Hindi ko na siya agad pinansin matapos ko siyang sigawan. Mainit ang dugo ko sa kanya. Ibang klase ang lalaking 'to. "At sa susunod, huwag kang manghahalik ng 'di nagpapaalam. Pagnanakaw ang tawag do'n." Pahabol ko pa at hindi na talaga nagsalita. Zip mouth na ako, at baka gawin niya ulit ang ginawa niyang panghahalik kanina.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Ramdam ko 'yong presensya niya, ang mga titig niya na sa'kin sumesentro.
"Nagmamagandang loob na nga ako 'yong tao. Ano ba ang malaking nagawa kong kasalanan sa'yo, hah? Saka, ikaw 'yong may ginawa sa akin. Binato mo ako ng tahong sa noo. Alam mo bang isang linggo 'yon bago gumaling? Ni hindi ka man lang humingi ng sorry sa akin."
Hindi ako umimik. Pina-pakonsensya pa ata ako ng lalaking 'to. Anong gusto niya? Magso-sorry ako? Ganun? Na kasalanan ko talaga 'yong nangyari? Tss... Ikaw ba naman pagsabihan ng ganun, hindi ka magagalit?
"Ang bastos mong magsalita. Wala kang modo, manyakis ka pa. Malamang batuhin kita ng hawak hawak kong tahong dahil sa sinabi mo. Tss..." Yamot kong sabi.
"Patikim ng tahong mo?" Agap nito. "Tss... Malay ko ba na may double meaning sa'yo ang salitang 'yon."
Bwisit! Ba't ang daming rason?
"Ewan ko sa'yo!"
Wala nang may nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami ng pagamutan. Hindi ko na siya hinintay. For what?! Ayaw kong sumabay sa kanya. Rinig ko nalang ang tilian ng mga nurses na naka-tambay sa may nurse station. Nasa likuran ko lang pala siya, kaya naman pala. Pinapansin niya rin naman ang mga grupo ng mga nurse do'n. Babaero rin pala ang isang 'to. Pagdating sa kwarto ni Ate Div ay agad akong nagpahinga.
Pumasok na rin si Duke, at maya-maya lang ay nagpaalam rin ito.
Buti naman.
"Iyong pabor ko sa'yo bukas samahan mo si Mari na mall. Ikaw na bahala sa kanya, at h'wag mo siyang iligaw." Salita ni Kuya Vik kay Duke.
Napa-kamot siya ng ulo. "Fine."
Halata namang napipilitan lang siya. Bakit ako, gusto ko ba?
Sinong babae ang sasama sa talong na ito, kung subra-subra ang pagiging pilyo at maligalig niya? Wala! Maaasar ka lang talaa sa kanya at masisira ang maganda mong mood buong araw. In short, he's a disaster human!
Alas-sais palang ng umaga ay nagising na ako para maglinis ng bahay at magluto ng pagkain para sa sarili ko. Dalawang oras nang matapos ko ang gawaing bahay, at naka-ligo, bihis na rin ako para mamaya ay hindi na uminit ang ulo ni kulot sa paghihintay sakin. Bakit kasi sa dinami-rami ng pinsan ni Kuya Viktor ay si Duke pa talaga ang inatasan na bantayan ako o samahan ako sa pamimili ng mga kagamitan ko? Wala ba itong trabaho o kina-aabalahan sa buhay nito? Ano naman kaya trabaho niya kung meron man? Napapaisip tuloy ako. Baka nga sakit din siya sa ulo ng mga magulang nito kaya palagi nalang nandito kina Kuya Viktor.
Trenta minuto ang inantay ko bago dumating si Duke. Tumaas ang kaliwang kilay ko nang sipatin ko ang kabuuang anyo niya. Fited jeans na akala mo'y walang pambili ng pantalon dahil kulang nalang masabi mong basahan ito. Ang daming hiwa-hiwa. Mapa-ngiwi ako sa aking iniisip. At plain na kulay abo naman na v-neck shirt ang pang-itaas, at white rubber shoes, with matching brown shades, at may pa-gel pa ang buhok. Overall; binagay naman sa kanya. Nang makalapit sakin, ganun nalang ka-akit ang kanyang pabango. Mukhang mamahalin.
"Guwapo ko na ba?" naka-ngiting inalis ang shades na tanong niya sakin sabay kindat. Napa-irap ako. Imbes na sagutin ay naglakad ako saka nilampasan siya. Rinig ko nalang ang kaswal niyang pagtawa. Nang-aasar na naman siya.
Nang maka-pasok sa loob, sa back seat ay tahimik lang akong naghintay sa kanya. Halatang nalinisan ang sasakyan dahil sa presko ang amoy ng loob.
"Seat belt, Miss," aniya nang makapasok sabay lingon sakin. Imbes makipag-asaran sa umaga ay sinunod ko nalang ang gusto niya. Nang umandar ang makina at bago kami umalis—lumingon muna siya sakin. "Ready?" ayun ang pa rin ang maaliwalas niyang ngiti. "Okay! Let's go Miss beautiful!" Salita niya ulit, at saka siya nag-flying kiss sakin. Kaasar talaga! Napaka-presko ng Alcantara na ito!