Chapter 3
Mariposa's POV
Ang haba ng tulog ko. Siguro inabot ng tatlong oras din.
"MARS, apo gising nandito na tayo."
Napa-ungol pa ako ng dahan-dahan akong niyugyog ni Lola Lodie. Ang haba ng tulog ko at ang sarap pa. Nagpupungay ang mga matang dumilat, at napa-tingin sa labas ng kotse. Bigla nagising ang natutulog kong katawang lupa nang masilayan ko sa labas, na nasa maynila na pala ako.
As in. Ibang-iba sa probinsya. Iginala ko pa ang aking paningin sa labas.
Namangha ako. "Wow! Lola, maynila na po ba tayo?" Labis-labis ang ngiti ko sa labi.
"Oo, apo nasa maynila ka na pero wala pa tayo sa bahay ng matutuluyan mo. Lalabas lang ako, bibili ng maiinom. May gusto ka ba?"
"Iyong tubig lang po. Hehehehe." Wala akong ibang hiningi kay Lola. Oo, tanging mineral water lang ang hiningi ko, nakaka-lola kasi ang mga matataas na mga gusali.
Pagbalik ni Lola mula sa mercury drugs ay inabutan niya agad ako nang tubig.
"Maraming salamat po." Magalang kong sabi sa kanya at ngumiti lang ito.
"Tiban, kay Viktor na tayo," Utos ni Lola sa taga-maneho.
"Sige ho, Manang." Sagot ni Tiban at saka pinatakbo ang sasakyan.
"Malayo po ba ang bahay niyo, Lola sa bahay ng papasukan ko?"
"Kung ma trapik sa edsa, aabutin ng dalawa o tatlong oras. Nasa Pasay pa kasi ang mansiyon ng tinutuluyan ko. Nandito tayo ngayon sa Quezon ferview. Malapit na pala tayo."
Ang layo naman pala, pero kung masasanay ka na, baliwala nalang sa'yo. May forever talaga sa edsa eh.
"Anong pangalan ng lugar na ito Lola?" Tanong ko ulit.
"Nandito na tayo sa lagro, liliko tayo diyan sa kaliwa papasok sa pribadong village na iyan. Tandaan mo, kung lalabas ka, iyang simbahan ang titingnan mo. Iglesia ni Kristo."
Nakuha ko naman ang sinabi ni Lola. Binasa ko ang pangalan ng village. Sacred Heart Village. May gwardya na naka bahay, dalawa at ayon sa nakikita ko, chini-check ang bawat na pumapasok sa loob.
Kami na ang susunod. Pagtapat sa guard house.
"Ser!" Bati ni Tiban.
"Oh? Tiban, kayo pala." Bati rin ng gwardya. "Manang Lodie, kumusta po?" Sumaludo pa ang gwardya kay Lola.
"Hindi ba lumabas si Viktor?" Tanong ni Lola.
"Wala naman po. Sige na, pasok na kayo."
Nagpatuloy ng pagmamaneho si Tiban hanggang sa nilampasan na namin ang guars house.
"Kilala na pala kayo dito, lola? Galing."
"Minsang kasi may inuutos si Viktor sa akin, kaya nagagawi ako dito."
Tumango-tango lang ako. Astig naman. Iba talaga kapag kilala ka.
Paghinto ng sasakyan sa harapan nang isang bahay ay agad kaming lumabas ng kotse. Masasabi kong pang isang pamilya lang talaga ang bahay, hindi masyadong malaki. At nasa dalawang palapag lang iyon. Maganda, tahimik, malinis at walang ingay.
"Tiban, gusto mo bang pumasok muna?" Tanong ni Lola sa taga maneho.
"Sa garahe lang ho ako, Manang. Alam mo naman na kapag makita ako ni Viktor, todo tanong na naman iyon sa buhay pag-ibig ko. Hahahaha!"
Naku! Si Tiban, may pa love life pang nalalaman. Natawa ang matanda at hindi na pinansin ang sinabi ni Tiban. Bit-bit ko ang aking bag na may kaunting damit. Pinindot ni Lola ng doorbell at ilang segundo lang ay nagbukas ito at iniluwal ang isang lalaki.
Hala! Ba't ang guwapo? Mukhang artista at parang modelo ang tindig. Siya ba ang amo kong lalaki?
"Manang Lodie kayo na po pala. Pasok." Nag mano pa ito kay lola at iginaya kami papasok sa loob. "Siya na po ba ang iririto niyo sa akin?" Bumaling siya ng tingin sa akin. "Kumusta ka? Mamaya na ako magtanong sa'yo hah? Halina na muma kayo sa sala."
"Si Divina saan? Hindi ako pwedeng magtagal, Viktor. Trapik sa daan, lalo na't labasan sa trabaho." Sabi ni ng maupo kami sa isang malambot na sofa kung tatawagin.
"Tulog po siya, nagpapahinga. Ganun po ba? Hinatid niyo lang pala ang apo niyo dito kung ganun?" Tumango ang matanada at pinalig ang tingin sa akin.
"Siya si Mariposa. Kung may problema ka sa kanya sabihan mo ako Vikto ng makurot ang singit."
Napa-ngiwi ako sa sinabi ni Lola. Natawa nalang ang guwapong lalaki sa kanya at tumango.
Kalaunan, umalis rin si Lola ng mga oras na iyon. Hinatid siya nito sa labas habang ako naman ay naghihintay sa pagbabalik niya.
"Ang gandang bahay," mangha kong sabi, at iginala ang paningin sa loob ng bahay. Pansin ko na, hindi ginagamit ang pangalawang palapag dahil tahimik doon.
"Hi."
"Susmaryusep santisima!" Nagulat ako at biglang napatayo.
Isang magandang babae naman ang lumitaw sa aking harapan. Siya ba ang asawa? Mukhang bata pa rin. "Ma'am? Good afternoon po." Yumukod pa ako at rinig ko nalang ang pagtawa niya.
"Si Viktor?" Agad nitong tanong. Sasagot na sana ako nang magsalita ang lalaki.
"Sweety? I'm here, hinatid ko lang si Manang sa labas. Gising ka na pala?"
Hala! Para silang mga artista. Bagay na bagay, eh! Pagdating ng lalaki sa sala ay lumapit ito sa babae. Ginawaran niya iyon ng halik sa pisngi. Oh my God! Ang sweet nila tingnan.
Question and answer portion ang nangyari sa loob ng isang oras. At ang masasabi ko lang, ay mababait nga talaga sila. Kuya at Ate ang gusto nilang itawag sa kanya at ang masayang narinig ko pa sa kanila ay bibigyan nila ako ng chance na mag-aral o ipag-patuloy ang nahinto kong pag-aaral. Ang saya.
Two days na ang nakaraan nang nagsimula ako nang pagtatrabaho sa kanila. Wala si Kuya, dahil may medical mission raw sila sa isang probinsya sa Luzon area. Dahil pinayagan munang magtrabaho si Ate Div kahit ayaw ni Kuya, ay isasama niya raw ako sa trabaho nito. Iba ang mood kapag buntis, daming gustong kainin, pero iba 'tong si Ate. Pinag-timpla ko na nga ng kape kahit bawal at bago kami umalis ng bahay, ay pinag-timpla ko na naman siya ng juice. Iba rin siya eh!
Tahimik lang ako buong byahe. Ayaw ko namang magsalita dahil abala si Ate sa mga tinitingnan niyang mga papel. Ano ba trabaho niya sa opisina? Hindi niya naman kasi sinabi. Sekretarya? Iwan.
Pagdating sa loob ng opisina. Isang lalaki ang sumalubong sa amin at isa ring babae. Doon ko nalang nalaman na siya pala ang may ari ng gusaling ito.
Wow! Asi in wow na wow! Ang yaman niya pala kung ganu. Grabe! Ibang lebel 'to. Mabait na humble pa. Ikaw na Ate Divina. Subalit, isa lang ang napansi ko. Iyong lalaki na Luke ang pangalan ay nakakatanda niya palang kapatid.
Masasabi kong guwapo naman, pero nakakatakot siya. Tahimik lang ako sa isang tabi habang nagkakasagutan sila ni Ate. Gusto ko sanang awayin pero natakot naman ako. Tungkol sa pamamahala at trabaho sa kompanya ang pinag-tatalunan nila.
"By hook or by crook, makukuha ko ang kompanyang 'to."
Sabi ng lalaki kay Ate. Dahil sa galit ni Ate, napatayo ito at sinigawan ang kapatid nito.
"Get out, Luke! Get out!"
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magagalit sa lalaking tumatawa lang. Nakaka-bwisit ang tawa niya.
"Ate, kumalma ka." Pigil ko kay Ate.
"I'll go ahead." Wika ng lalaki at tuluyan ng lumabas nang opisina sabay pabagsak ng pinto. Gigil ako sa kanya.
Sakto naman ang pag-alis ng Luke na iyon at bumagsak si Ate sa sahig at walang malay.
"Ate! Ate!" Pukaw ko sa kanya. Subalit, wala talaga itong malay. Kaya naman humingi na ako nang tulong sa mga empleyado ni Ate.
Sa pagamutan. Nanginginig akong nakaupo sa waiting area habang hinihintay ang resulta nang doktor. Umiiyak akong tinawagan si Kuya Viktor. Naisip ko lang...ang yayaman na nila, bakita kailangan pa nilang pagtalunan ang mga yaman na iyon? Hindi pa ba sila kontento sa kung anong meron sa kanila? Kung ako nga, gusto ko 'yong simpleng pamumuhay lang at payapa. Mabigyang hustisya lang 'yong sirang pintuan namin sa probinsya at maayos ang sirang upuan. Makakain ng tatlong beses sa isang araw at masayang nakikipag-lambingan sa aking mga kapatid.
Hays! Ayaw kong maging mayaman. Nakakatakot.
Hapon at wala pang may dumarating na kapamilya. Nagugutom pa naman ako. Nasa emergency room pa si Ate at inaayos na ang pribadong kwarto nito. Habang naghihintay ako sa labas ng E.R, at naglalayag ang isipan, ay may narinig akong isang lalaking may kausap ata sa telepono.
"Yeah! Nandito na ako. Oo nga. Hinahanap ko pa. Ano? Babae? Okay, okay, i'll find her. Okay bye."
Tsk! Ba't ba ang ingay niya? Sino bang hinahanap niya?
Wala ako sa hulog sa mga oras na iyon. Nakayuko lang ako at naghihintay ng kamag-anak na dadating.
"Miss? Puwede bang magtanong?" Tanong ng lalaki sa akin. Naka-yuko parin ako.
"Miss? Ikaw ba si Mari?"
Oo ako si Mari, pakialam mo ba? Ano?! Sandali.
Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko at pinaling ang tingin sa kanya. Naka-talikod pa ito sa akin at tila may hinahanap pa ata.
"Oo. Ako. Bakit?"
Ang bango niya. Likod palang guwapo na, paano pa kaya kung haharap siya. Ilang segundo pa ang hinintay ko bago niya ako hinarap. Napa-hakbang paatras ako ng makilala ang lalaking iyon. Naka-ngisi ng nakakaloko nang harapin niya ako, at ang mga ngising iyon ay tila ba'y nang-aasar. Napa-taas ang gilid ng aking labi sa inis ko kaagad sa kanya. Ang talong 'to kung saan-saan nagkakalat. Akala ko iyon na 'yong huli naming kita sa probinsya, nagkamali ako. Dito pala magsisimula ang kamalasan ko dahil nag-krus na naman ang aming mga landas.