02

1969 Words
Fortune Teller. Everyone, no, the majority wants to foresee their future, to know the consequences, or have the chance to change their actions. That's the purpose why they seek for a crystal gazer. Pero kahit na tipikal na tao ay sasabihing walang pang tapat ang Vespertillo sa Arietes. Pasugod pa lamang kami ay tumba na ang mga caballero. Sometimes it is good to seek for progress. "Mecca, let me treat your injury. Aalis ka na bukas—" Iwa was about to pull my arm when I briskly placed my dagger on the side of her neck, threatening her. "Touch me again. You and I would see each other in a deep trouble," I left her hanging there. Pumunta ako sa kwarto ko at saka nagpalit ng kasuotan. Tinalian ko na lamang ng tela ang sugat ko. Buwisit na caballero 'yon! The north part of Arietes Realm is near to the boundary of the two realms—Arietes and Vespertillo. It will also take a day before we reach the said place by a car, pero dahil hindi naman pwedeng itawid sa bundok ang limousine panigurado ay manu-mano namin iyong lalakbayin at baka umabot ng dalawa hanggang tatlong araw bago kami makarating doon. We'll leave tomorrow night so that we're able to come back months before the feud. Sa susunod na buwan pa aalis ang duke, si Iwa, at 'yong mga kawal na pangungunahan nag delubyo. Havoc, yes. Katatapos ko lamang kumain ng hapunan. I'm eating the same meal again and again. Naghahanap ng bago ang panlasa ko. Mabuti ay tapos na akong kumain bago ako guluhin ni Iwa. That wench! We don't do trading anymore. I mean, we never did. My feet haven't landed on any country yet. No, I once went to China beause I want to taste their tea, but I briskly left the same day I arrived because they were more advanced than us. I never felt anything but cultureshock. Ngayon ay iniisip ko na rin kung ano ang itsura ng Arietes. We've got a lot of spies in there at puro negatibo ang nakukuha kong impormasyon tungkol doon. Lahat ng kasuotan, lamang tiyan, at mga pang-araw araw na kagamitan na ginagamit ng mga mamamayan ng Vespertillo ay purong nanggaling din mismo sa Vespertillo. Ni hibla ay walang nakakapasok sa bansa. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay kaagad kong isinuot ang cloak ko at saka pumuslit palabas ng silid ko. I need someone to cry on. Lalo na ngayon na labag sa loob kong gagawin ang iniutos sa'kin. Napagdesisyonan kong puntahan si Weilan na nasisiguro kong nagmumukmok din dahil natalo rin sa sparring. Ngayon ay iniisip ko kung ano ang ibinigay sa kaniyang trabaho ni Duke Ismail. I'm currently standing seven meters away from her abode. From here, I can clearly see a bunch of knights in front of their door. Anong ginagawa nila doon? Isinuot ko ang hood ng cloak at saka pasikretong lumapit doon upang malaman ang nangyayari. The location of the house is discreet and trouble-free. I guess it's because of the position of her father, Duke Ismail. "Wala ka na ba talagang tamang gagawin ha?!" halos matigilan ako nang marinig ang maotoridad na sigaw ng Duke. Kahit sinong makakarinig no'n ay literal na matitigilan. Parang huminto sa pagdaloy ang dugo ko. "P-Papa. . ." napatayo ako ng tuwid nang marinig ang nababasag na boses ni Weilan. "WALA AKONG ANAK NA MAHINA!" muling sigaw ng Duke kasabay ng isang malakas na bagsak. Mapapapikit ka talaga ng mariin sa sobrang lakas ng dagundong no'n. Tingin ko'y kahit sinong tatamaan no'n ay hindi lang bukol ang matatamo. "I-I'm sorry, papa." "Hindi ka mabubuhay ng puro sorry lang, Weilan!" Idinikit ko sa pader ang katawan ko nang biglang may kawal na dumaan. "Araw-gabi kitang tinuturuan, halos dalawang dekada kitang pinaghahawak ng espada, pero bakit walang pagbabago?!" "P-Papa—" "PAPA! PAPA! WALA KA NA BANG ALAM SABIHIN?!" halos tumalon ang buo kong sistema nang may marinig na nabasag sa lapag. "Normal na kawal lang 'yon. It's just a typical cavalier and yet you're unable to defeat him?! Napakahina mo!" kahit hindi ko nakikita ay alam kong nag-aapoy sa galit ang Duke. "Hindi lang ikaw ang napahiya, Weilan! Kargo kita dahil anak kita!" "I. . . I'm sorry, papa." "Parang isinuko mo na rin ang dignidad ko dahil sa ginawa mo!" the aura outside the abode is undeniably intimidating. Paano na lang kung nasa loob ka ng bahay? Para kang matabang daliri na ipinasok sa masikip na singsing. . . nakakasakal. "Isa lang naman ang gusto kong gawin mo—" "Ano?" para akong nanibago sa tono ng pananalita ni Weilan. It feels surreal. "Anong gusto mong gawin ko? Pilitin ang sarili kong maging malakas tulad ni Galdwin?" "DAHIL 'YON ANG DAPAT!" "E pa'no kung hindi ko magawa? Ipipilit mo pa rin?" "Anong—" Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Weilan. "Tama kayo. You honed me for 5,475 days which is equivalent to one and half decades. Tatlong oras lang ang tulog at halos walang pahinga. Mag bebente-uno na ako pero wala pa ring pagbabago." Umismid ang Duke. "Buti alam mo. Kulang ka pa sa ensayo at—" "Pero hindi niyo ba naisip na hindi ko naman gusto ang pinagagawa ninyo?" ani muli ni Weilan, iniignora ang sinabi ng Duke. "Hindi gusto? Pero para 'yon sa'yo. Ikaw din ang makikinabang sa huli," sarkastikong humalakhak ang Duke. "Dapat nga ay matuwa ka dahil may ama kang humahasa sa'yo kumpara kay Mecca na ang tatay ay kay Iwa lang ang atensyon," my heart sank. "Sinong ama ang magpapalaki lang ng anak para may maipagmalaki? Sa tingin niyo natutuwa ako sa tuwing ginagawa ko ang bagay na hindi ko naman gustong gawin? Sinasanay niyo kami para sa sarili ninyong kaligayahan, para may maipagmalaki kayo, 'yon ang totoo," parang nanikip ang dibdib ko nang marinig ang pagsalampak ng kamay ng duke sa pisngi ni Weilan, pero mas lumubog ang puso ko dahil sa hinanakit niya. "Natalo ako ng tipikal na caballero pero mas inintindi niyo pa rin kung ano ang iisipin ng mga aristokrato. Para akong estudyanteng pinipilit ng magulang niyang makakuha ng mataas ng grado para lang maipagmayabang sa mga—" isang malakas na sampal muli ang dumagundong sa apat na sulok ng bahay. "Suwail kang anak. Kahit sinong anak na tulad mo ay hindi magtatagumpay sa buhay. Tandaan mo 'yan, Weilan," narinig ko ang paglangitngit ng pinto, indikasyon na lumabas na ang Duke sa bahay. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsunod ng mga kawal. Naghintay pa muna ako ng ilang segundo bago lisanin ang lugar. Nagbago na ang isip ko. Hindi ko na muna pupuntahan ang pinsan ko, tingin ko'y kailangan niyang mapag-isa. Matagal ko ng na-realize na kaya laging natatalo ang Vespertillo sa labanan ay dahil mas malakas ang technical defence ng mga taga-Arietes. I want to discuss such thing to my father but he won't even let me utter a word. Mas hinahasa kami sa paghawak ng espada kaysa sa b***l. Sinong matutuwa doon? Huhugutin pa lamang namin ang espada ay may nakatanim ng bala sa laman namin. "Mecca," napasimangot ako nang maabutan ko sa silid ko ang kakambal ko. "Saan ka galing?" "Bakit ka nandito?" inalis ko ang cloak ko at saka ito isinampay sa upuan sa malapit. "Bawal ba kitang bisitahin?" I arched a brow. "Ano ako? Puntod?" "Halika," pinagpag niya ang katabi niyang kutson at saka inangat ang dala niyang puting kahon na sa tingin ko ay may lamang gamot. "Labas." "Lalabas ako pagkatapos kong gamutin ang sugat mo," she smiled at me. "Lumabas ka," itinuro ko ang bukana ng silid. Tumayo siya, habang nakangiti pa rin. "Dati ay ako pa ang pinupuntahan mo sa kwarto ko." "Huwag mo ng balikan ang natapos na," kinuha ko ang dala niyang kahon at saka ito ipinahawak sa kaniya. Bahagya ko siyang tinulak. "Umalis ka na." "I told you, aalis ako rito kapag nagamot ko na ang sugat mo." "Tatawagan ko si Suzy para gawin 'yon. Kaya umalis ka na," pilit ko siyang itinutulak, pero sadyang mas matigas pa sa bowling ball ang bungo niya. "No, no, may meeting ang mga medical personnel kaya wala si Suzy," siguro ay oras na para gamitan siya ng kamay na bakal. Pinilit niya akong gawin 'to kaya. . . Hinila ko ang braso niya at umambang pipilipitin 'to ngunit sadyang nahasa ng todo ang kapatid ko dahil mas mabilis pa sa kisap matang inihagis niya ang kahon at sinangga ang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko kaya iniangat ko ang binti ko at pinalipad ito sa tuhod niya. Ngunit halos mapasigaw ako nang bigla niyang apakan ang paa ko. "Ano bang problema mo ha?!" I shrieked. "You did the first move," she worriedly uttered habang unti-unting niluluwagan ang pagkakahawak sa kamay ko. I used the opportunity to slap her. Mukhang hindi siya natinag. "Lumabas ka na ng kwarto ko. Hindi ko kailangan ng tulong mo," I seriously said while menacingly staring at her. Muli niyang marahang hinawakan ang balikat ko at saka ako bahagyang tinulak papaupo sa kama ko. Kunot-noo ko lamang siyang tinignan. "Let me do this, Mecca," inangat niya ang sleeves ng damit ko at saka inalis ang telang nagkulay dugo na itinali ko sa sugat ko kanina. Akmang babawiin ko ang braso ko sa kaniya ngunit mas hinigpitan niya ang hawak niya dito kaya wala akong ibang ginawa kundi ang bumigay na lang. "Aalis ka bukas. Pwedeng magkaroon ng infection ito kung hindi agad lalapatan ng pang-lunas." Iniwas ko ang braso ko na siyang nagpatigil sa kaniya sa paglalagay dito ng gamot. "Mecca. . ." "Bilisan mo 'yang ginagawa mo dahil inaantok na ako," sabi ko. Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Tingin ko'y masyado akong napagod ngayong araw. Ang huling nakita ko no'ng gabing 'yon ay ang paglalagay niya ng gasa sa sugat ko, pagkatapos ay dilim na ang lahat. Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko. Nang imulat ko ang mata ko ay napagtanto kong braso iyon ni Iwa. Teka. . . did she sleep here? Mas makapal pa sa history book ang mukha nito. Nang-istorbo na nga kagabi, nakitulog pa. Tumayo ako at saka siya iniwan doon. Pinasadahan ko ang sarili ko sa human-size mirror sa banyo. Binihisan niya ba ako kagabi? Naghilamos ako at saka nagpalit ng kasuotan. Tinignan ko iyong tapal sa sugat ko. Halos mapangiwi ako nang makitang may smiley dito na may puso-puso pa sa gilid. Nang lumabas ako ay gising na si Iwa. Napangiwi ako nang makita ang magulo nitong buhok at natuyong laway. "Kanina ka pa ba gising?" "Sa tingin mo?" sarkastikong pagbabalik ko sa tanong. "Ang sarap ng tulog ko," nakangiting sabi niya, iniignora ang pang a-ampalaya ko. Umirap na lamang ako at saka umambang lalabas nang may kumatok sa pinto. Kaagad ko itong pinagbuksan at bumungad sa'kin ang mukha ni Ziro. Basa ang buhok nito na halatang kaliligo lang. "Your highness," aniya. Hindi ko maitatangging may itsura siya, kung hindi lang siya caballero ay paniguradong may anak na kami. "Mecca, sino 'yan?" tanong ni Iwa habang humihikab, kaagad ko naman siyang nilingon. Dumako ang mata ni Ziro sa kapatid ko. Nanlaki ang mga mata ni Iwa nang makita kung sino 'yong kumatok. Nilingon ko naman si Ziro. "Magandang umaga, kamahalan," ani Ziro na halatang nagpipigil ng tawa. Nagpabalik-pabalik ang mata ko sa kanilang dalawa. What's wrong with them? Pulang-pula na ang kakambal ko. Hindi ko sila maintindihan. "Anong ipinunta mo, Ziro?" tumikhim ako. "Nasa labas na po 'yong mga makakasama niyo." Bumalik na naman 'yong bigat sa dibdib ko. Gagawin ko ba talaga 'to? I can't believe this. I didn't train for a year just for this. "Okay, palabas na rin ako." I really can't believe this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD