chapter 6

1190 Words
Hapon na kami natapos mamili, dahil late na siya nagising ay kumain nalang muna kami sa unit ko ng lunch. Napatingin ako sakaniya na busy sa pag kilatis ng isang ingredients na kailangan ko, mukhang pinag pipilian niya sa dalawang hawak niya kung ano ang mas okay. Natawa nalang ako dahil ang seryoso niya masyado. "sa tingin ko ay okay na yang hawak mo." tukoy ko sa isang chocolate bar na hawak niya. "okay." "sabi mo tutulungan mo nalang ako dahil kasalanan mo at hapon na tayo naka pamili, marunong ka ba mag bake?" " I really don't know how, but you can teach me." napasimangot ako sa sagot niya paano niya naman ako tutulungan kung hindi siya marunong. "sev naman ih." inis kong saad, narinig ko nalang ang pag tawa niya. At tumuloy sa pag punta sa counter. Matapos namin mamili at makauwi ay kumilos agad ako dahil madami akong kailangan na ibake na cakes at cup cakes. Si sev naman ay sinabi ko lang ang dapat niyang gawin. Habang nag mimix ako ng ingredients ng cake na ginagawa ko ay hindi ko mapigilang hindi humanga kay sev, he's actually good in making cup cakes swabe ang galaw nya sa bawat pag halo, pati ang pag lagay ng frosting sa ibabaw ng cup cakes walang mali samantalang ako nuon ay ilang buwan yata ako bago maperfect ang pag lagay ng frosting. Nag dududa tuloy ako kung hindi ba talaga siya marunong. "akala ko ba di ka marunong?" tanong ko sabay tingin sakaniya na seryoso sa pag lalagay ng frosting. "uhhmmm," tumango tango lamang siya. "e bakit parang ang galing mo?" saad ko at kumuha ng isang cup cake para tikman, sinabi ko sakaniya ang instructions pati kung paano gawin, siguro magaling lang siya mag design pero baka hindi naman masarap ang gawa niya. Pero halos mapapikit ako sa sarap ng ginawa niya, masarap. Bakit ganon sabi nya di sya marunong pero bakit ang sarap ng gawa niya. Inis akong lumingon sakaniya pero sa isang iglap parang nawala inis ko dahil sa matamis niyang ngiti na parang naaliw sa nakikita niya. "Bakit ang sarap nito! sabi mo di ka marunong," I glared at him. Pero kunyari lang na galit ako. Paano ko naman makukuha mainis kung ang tamis naman ng ngiti nya. " I don't know, I just follow all your instruction." simple niyang sagot at muling binalingan ang ginagawa niya kanina. Nang maubos ko ang cup cake na gawa niya ay kumuha ako ng tubig para uminom. Inilagay ko muna sa gilid ang baso ko at nag patuloy sa pag design ng cake na ginagawa ko. Ngunit hindi ko sinasadyang matabig ang baso dahilan para mabasag 'yon, pareho kaming natigilan ni sev sa ginagawa. Akmang aatras ako ng bigla kong naramdaman ang pag hawak ng dalawang kamay ni sev sa bewang ko at parang papel na binuhat papuntang countertop halos tumigil ang pag hinga ko sa ginawa niyang 'yon. "stay here," seryosong saad niya, naamoy ko pa ang mabangong hininga niya. "A-ako na mag lilinis sev," pigil ko sa gagawin niyang pag lilinis ng nabasag ko. "Ako na, just stay here," Nakita ko siyang pabalik ng kitchen dala ang dust pan at walis nilinis niya ang mga bubog na nag kalat sa sahig. Tulala lamang ako na nakatingin sakaniya, namalayan ko nalang ng pabalik siyang muli saakin, akmang ibaba niya ako ng pinigilan ko agad ang kamay niya na aambang hahawak muli sa bewang ko. "k-kaya ko na sev." saad ko at nag mamadaling bumaba, sa taranta ko ay napasubsob ako sa dibdib niya, naipalibot naman agad niya ang kamay sa bewang ko bilang suporta. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang init ng katawan niya. Nahihiya akong lumayo ng kaunti sakaniya at inangat ang tingin pero halos malunod ako sa lalim ng tingin niya saakin, nakatitig siya sa mga mata ko pababa ng ilong ko hanggang sa pumirmi ang mata niya sa aking mga labi. Binasa niya ang kaniyang labi at bahagyang lumunok at ng iwas ng tingin. "Sorry..." nahihiya kong saad at bumalik sa pwesto ko. "Banyo lang ako." saad niya at tumalikod saakin, tinuloy ko nalang ang ginagawa kong pag dedesign. Mga ilang minuto din siya bago bumalik. Umabot ng halos 3 oras kaming natapos sa lahat, nilalagay ko nalang sa box ang ilang orders, si sev naman ay nilagay na sa sala sa lamesa ang iba dahil hindi na kasya. Maya maya pa ay nakarinig ako ng tunog ng door bell ang akala ko ay kasamahan lang ni sev pero napakunot ang nuo ko ng parang may nag tatalo sa unit ko. Nag lakad agad ako at tiningnan kung anong nangyayari, nagulat ako ng makita ko si marco na nasa may pinto ng unit ko nakaharang sa may pinto si sev at inaabot ang box ng cupcakes. "sinabi ko nang hindi ako delivery boy!" marco said and hissed. "And who the hell are you?" sev ask. "Boyfriend ako ni mikaela!" mayabang na saad ni marco at inangasan pa si sev. Napapikit nalang ako ng mariin. "what!?" nakita ko pa ang pag hagod ng tingin ni sev mula ulo hanggang paa ni marco. Parang hindi siya makapaniwala. "marco," tawag ko dahilan para bumaling sila saakin pareho. Nag mamadaling pumasok si marco at dinaanan si sev saka lumapit sakin at mahigpit akong niyakap. Nakita ko ang pag igting ng panga ni sev at pagkagat ng labi. Mukha siyang galit. "Babe I miss you, sorry naging busy lang sa training." saad niya at hinalikan ako sa pisngi. "A-ayos lang marco," humiwalay na ako sa pagkakayakap niya dahil parang napapaso ako sa paninitig ni sev, naupo nalang kaming pareho at si sev naman ay nasa harapan na upuan namin seryoso lamang na nakatingin. "babe, sino ba yang lalakeng yan staff mo ba yan?" "body guard ko," simple kong sagot at sumulyap kay sev na matalim ang titig kay marco, "you should fire him, pinag kamalan ba naman akong delivery boy." inis na saad ni marco at tinaliman din ng tingin si sev. "You can't blame me you look delivery boy though." sagot ni sev at prenenteng umupo na parang hari sa upuan nakangisi pa ito na parang nang aasar. tumikhim ako at binalingan nalang si marco na mukhang nang gigil na. "ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko kay marco dahil bigla nalang siyang sumulpot na parang kabute samantalang ni hindi manlang siya nag paramdam ni text o tawag. "namiss kita," sagot niya at yumakap sa'kin. "I-I m-miss you too." hirap kong saad dahil naiilang na talaga ako. Ang hirap ng ganito may nanunuood saamin at mukhang masama pa ang loob. "May dala akong pizza, mag movie marathon tayo," masayang saad ni marco at wala ng bahid ng inis dahil mukhang hindi nalang niya pinansin si sev. Tumango nalang ako at ngumiti. "kukuha lang ako ng juice." ngumiti siya at saka ako tumayo para kumuha ng juice sa kusina. ilalapag ko na sana ang baso sa tray ng bigla kong naramdaman ang init ng katawan sa likod ko sa amoy palang ay nakilala ko na. "you have a bad taste mikaela," bulong ni sev na kinatayo ng balahibo ko. s**t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD