chapter 7

1222 Words
Masaya akong dinalaw ako ni marco kahit paano nawala ang mga negative na naiisip ko sakaniya, akala ko ay hindi nya na ako mahal o nakalimutan niya ng may girlfriend siya. Magkahawak kamay kami habang nakaupo ni marco sa sofa. Si sev naman ay naka upo sa upuan na nasa harap namin tanging pagitan lang ay ang center table namin. Walang emosyon siyang nakatitig saaming dalawa ni hindi manlang siya nag iiwas ng tingin. Hindi naman 'yon napapansin ni marco na busy sa pag kikwento sa mga nangyayari sa buhay niya pero ang isip ko ay nakay sev na matiim na nakatitig saamin. "Babe sa kwarto nalang tayo manood ng movie para walang nakamasid sa'tin." bulong ni marco pero satingin ko ay narinig padin ni sev dahil sa biglang pag talim ng titig niya. "Hindi na marco dito nalang tayo," "namiss kita sobra babe, punta ka sa laro ko babe maglalaro ako at gagalingan ko." Masayang saad niya. "namiss ko din kayo ni jella." napansin ko ang pag kawala ng ngiti nya pero muli ay ngumiti siya sakin. Nag kwentuhan pa kami ng kung ano anong nangyari sa buhay niya kung bakit siya busy nag tatraining pala siya kaya wala siyang oras dumalaw at tumawag saakin. Na kwento niya din na si jella ay bumisita sa pamilya niya sa u.s kaya busy raw ito. Inintindi ko nalang dahil ngayon ay may kaniya kaniya na kaming pinag kakaabalahan sa buhay hindi tulad nuon na sa Gala at aral lang tumaktakbo ang buhay. Halos dalawang oras din kaming nag usap hindi ko nadin pinag tuunan ng pansin ang paninitig saamin ni sev at sinulit ang oras na nandito si marco minsan niya lang ako bisitahin kaya masaya ako. Nang makauwi si marco ay niligpit ko na ang kinainan pag balik ko galing kusina ay nakatayo na si sev habang nakapamulsa. "Lalabas muna ako, Just lock the door," sasagot pa sana ako at tatanungin kung saan siya pupunta pero mabilis siyang naglakad palabas ng unit. Mukha din hindi maganda ang mood niya kaya hindi ko na itinuloy ang pag tanong. Mag tatanghalian na pero wala pa si sev. Mula pa ng umalis siya kahapon ay hindi pa siya bumabalik ni hindi niya rin ako sinilip nung gabi na gawain niya bago siya bumalik sa unit niya. Nag aalala narin ako at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakaniya. Napag disisyonan ko nalang na puntahan siya ng unit niya baka naroon siya, pero ilang pindot na ata ang ginawa ko at katok sa pinto niya hindi padin siya lumalabas. Mabuti nalang at sinabi niya saakin ang password ng lock ng unit niya kaya madali akong nakapasok. Pag pasok ko ay tahimik at malinis naman parang walang tao, nag lakad pa ako hanggang sa makarating sa kwarto niya para silipin kung naroon siya. Pag pihit ko ay mabuti nalang at hindi yon nakalock dahan dahan ko pa 'yon binuksan at pag tingin ko kung nasaan ang kama ay naabutan ko duon si sev na naka dapa at walang pang itaas kitang kita ang matipuno niyang pangangatawan, natatakpan lang ng kumot ang ibabang parte ng katawan niya. Nag kalat din sa sahig ang Pinag hubaran niya, Lumapit ako para sana gisingin siya pero nakaagaw ng pansin sa mga mata ko ang pulang maliit na tela sa bedside table niya. Pinulot ko 'yon at tiningnan nag init ang pisngi ko ng marealize ko kung ano ang bagay na 'yon panty yon ng babae at laced panty pa talaga. Nag aalala ako sakaniya pero siya mukhang nag enjoy lang sa babae kaya hindi na bumalik noong gabi. Inis kong binalik ang panty at laking gulat ko ng makitang dilat si sev at nakatingin saakin. "what are you doing here?" Saad niya na medyo paos pa "u-uhh n-nag alala ako sayo akala ko napano ka na k-kaya pinuntahan kita dito." napaatras ako ng bumangon siya at tumayo, tumapat sa mukha ko ang matipuno niyang dibdib may kaunting balahibo din duon. Bumaba ang tingin ko sa abs niya at bandang pusod may linya ng buhok duon at hindi ko alam kung hanggang baba ba 'yon mabuti naman at naka boxer siya. Tumikhim siya dahilan para mawala duon ang isip ko at mapaangat ako ng tingin sakaniya, sigurado akong pulang pula ang mukha ko dahil nahuli niya akong hinahagod ng tingin ang katawan niya. "I got drunk last night, sorry." nakatitig lamang kaming pareho sa isat isa at walang nag iiwas ng tingin hindi ko alam pero pakiramdam ko ay uminit ang buong paligid. Sa huli ako ang umiwas ng tingin at binalik ang tingin sa red laced panty na nasa gilid, Naramdaman ko din ang pag lingon niya sa tinitingnan ko. "sa girlfriend mo?" "No." agad niyang sagot. "you should get out of here," saad niya at tinalikuran ako nakita ko ang pag kuha niya ng damit sa closet niya. Tumango lang ako at mabilis na lumabas ng unit niya. Nakahinga ako ng maluwag ng mapasok ako sa unit ko. Masyado naman siyang seryoso ako na ngang nag aalala sakaniya dahil hindi ko pa siya nakikita tapos ganun pa siya ang cold. Matapos ang nangyari kanina pareho lang kaming walang imik at hindi nag papansinan, ngayon nandito ako sa sasakyan niya. Pupunta nalang kami ng shop ko para madala ang mga cakes na binake ko kahapon, hindi ko na kasi 'yon nadala sa shop dahil bigla din siyang umalis 'yun pala mambabae lang. "stop looking at me like that," napakurap ako at binaling ang tingin sa labas ng kotse. Di ko namalayang napatagal na ang titig ko sakaniya. "you're looking at me like you wanted to murder me," dagdag niya na kinalaki ng mata ko, agad akong tumingin sakaniya at tinaliman siya ng tingin. "umalis ka agad kahapon tapos malalaman ko nang babae ka lang!" inis kong saad at humalukipkip. Nakakainis siya parang wala siyang ginawa. Hindi manlang siya nag sabi saakin na mambabae lang pala siya! pinag alala niya pa ako. "who said that?" "ako! diba may panty pa nga ng babae sa bedside table mo." "that's not what you think, Hindi ko alam kung kanino yon," saad niya na lalong kinanuot ng nuo ko. "what? hindi mo kilala ang babaeng inaano mo?" napahalakhak siya sa sinabi ko na parang may nakakatawa. Ano bang mali sa sinabi ko? "break up with your boyfriend then I'll tell you." saad niya na saka binuksan ang pinto ng kotse at lumabas. Hindi ko namalayang nandito na pala kami, Pinagbuksan niya din ako ng pinto ng kotse nakatayo siya habang inaantay akong lumabas pag labas ko ay ilang sigundo kaming nag titigan nakatingala ako sakaniya dahil matangkad talaga siya. "bakit ko naman gagawin yon? I love marco." saad ko at tinalikuran siya. "love my ass," rinig kong saad pag sara ng pinto ng kotse. Napailing nalang ako at pumasok sa shop siya naman ay nakasunod saakin dala ang mga cakes. Pag pasok ko palang ay ang lawak na ng mga ngiti ng mga babae na nasa loob ng shop ko. At sigurado akong hindi 'yon para saakin kundi kay sev na nasa likuran ko. Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung natutuwa ba siya pero pag lingon ko ay lumakas ang t***k ng puso ko ng makitang seryoso lamang ang tingin niya saakin at hindi binibigyang pansin ang mga babaeng nag papacute sakaniya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD