chapter 5

1166 Words
pag ka labas ko ng kwarto ay naabutan ko sa may pintuan ng unit ko ang body guard ko na may kung anong tinitingnan sa pintuan ko naka hawak siya sa doorknob habang ang isang kamay niya ay hawak ang cellphone at nakalapat sa may tainga nito at satingin ko ay may kausap. Habang may kausap siya at nakatalikod malaya kong tinitingnan ang matipuno nyang katawan matangkad siya at sigurado akong may muscles siya pag hindi nito suot ang suit nya, bigla akong napailing sa naisip bakit ko nga ba iyon naiisip kahit minsan hindi ko nag isip ng ganito sa boyfriend ko. "yeah, fix it right away annie..... thanks bye." rinig kong saad niya sa kausap sa cellphone. Marahas akong bumuga ng hangin at nag tungo nalang sa kusina para ayusin ang pinamili ko at mag luto na lamang ng tanghalian. Hindi na ako pumayag pa na duon kumain sa bahay ni dad may kaunting tampo din ako sakaniya at pag tapos niyang ipakilala saakin ang body guard ko ay nag paalam din siyang aalis. Nauna siyang umalis at sumunod kami ni sev, nag paalam muna ako kay manang wala ako sa mood mag stay sa bahay at duon kumain dahil wala naman si dad. Nang makapag handa ako ng tanghalian ay binalikan ko si sev sa sala naabutan ko siyang nasa may bintana at may kung anong tinitingnan duon palagay ko ay chinicheck nya ang lock ng buong unit ko. Pero napansin ko may kausap na naman siya sa cellphone dahil nakalapat na naman ang phone nito sa tainga niya. "maybe next time alexa I'm busy." tumigil siya sandali at narining ko ang mahinang tawa nya, tss babaero irap ko sabay halukipkip at inaantay matapos ang pakikipag landian sa cellphone nakakahiya naman maabala. "yeah see you soon bye," he said, nilagay niya na sa bulsa ang cellphone saka lumingon sa gawi ko. I cleared my throat before I speak. "kain na muna tayo," saad ko at umiwas ng tingin sakaniya grabe kasi siya makatitig saakin. "no need ma'am, kakain nalang ako sa labas, mauna ka ng kumain." napanguso ako bakit siya tumatanggi. "sige na dito kana kumain, madami akong niluto hindi ko yun mauubos, please." I said softly. Nakita ko ang bigla pag babago ng emosyon sa itsura niya kasi kanina at tingin niya saakin ay masyadong pormal at seryoso ngayon ay parang malambing siyang tumingin saakin umiwas nalang ako ng tingin at tumalikod. "tara na," narinig ko ang mahinang mura niya kalaunan ay narinig ko ang yabag niya na sumusunod saakin. Napangiti nalang ako. Nakaupo na siya at nakatayo ako sa gilid niya amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy habang nag lalagay ng kanin sa plato niya inilapit ko din ang dalawang putahe na niluto ko para makapili siya. Hindi ko namalayan na nakaangat siya ng tingin at nakatitig pala siya saakin matapos kong lagyan ng kanin ang plato niya napatitig din ako sakaniya malaya kong napag masdan ang itsura niya gwapo talaga siya ang kulay abo niyang mata at matangos na ilong pati ang labi niyang mapupula. "You should eat, don't mind me kaya ko na." napakurap ako at nag mamadaling lumayo at umupo sa kabilang upuan. Nakangiti ako sakaniya kahit sa loob loob ko ay hiyang hiya na ako bakit ko ba siya inaasikaso, Mukha akong girlfriend na nag aasikaso ng boyfriend. Tumikhim ako at nag salita. "sorry nasanay lang ako kay dad, Kain kana." saad ko at pekeng ngumiti. Tumango lamang siya at napakagat ng labi. Nag simula na kaming kumain at tahimik lang napasulyap ako sakaniya at mukhang nasasarapan naman siya sa pagkain dahil napansin kong madami na siyang nakakain. Matapos kumain ay tinulungan niya din akong mag ligpit, akmang huhugasan ko ang plato ng hawakan niya ang pulsuhan ko pareho kaming napaiktad ng may kung ano kaming naramdaman parang may dumaloy saaming kuryente, sa tingin ko ay naramdaman niya din 'yon. "Ako na ang mag huhugas maupo ka muna duon," saad niya at humakbang palapit saakin dahilan para mapa atras ako at makalapit siya sa lababo wala na akong nagawa kundi maupo at hintayin siyang matapos. NAGING maayos naman ang mga unang araw na kasama siya, Mag dalawang linggo ko nadin siyang body guard, dito na siya nakatira sa tapat ng unit ko unti unti ko nadin siyang nakikilala. Napansin ko na tanghali siya gumising at kapag maaga niya kailangan na gumising ay parang iritado siya dahil masyadong masungit ang itsura niya pero pag kinakausap ko naman ay para siyang maamong aso sa amo o ako lang ang nakakapansin. Napabuga ako ng hangin dahil ang tagal ko na yatang nag dodoorbell sa unit niya pero hindi padin niya binubuksan 10am na ng umaga at mag papasama ako sakaniya mamili ng ingridients sa ibabake ko na cake pero mukhang mahimbing pa siyang natutulog. akmang pipindot muli ako ng bumukas na ang pinto nakita ko si sev na nakatayo habang napipikit pa gulo gulo ang buhok at naka suot lamang ng boxer short at tshirt kanina naiinis ako pero mukhang nawala ang galit ko. "sev ang tagal mo madami pa akong orders na gagawin." "kanina pa ako dito." "kanina ka pa kita inaantay sa unit ko, sabi mo gigising ka ng maaga, kung di pa kita ginising ay tiyak na tanghali pa ang gising mo." lalo akong nainis ng sumilip ako sa loob ng unit niya at narinig ko ang tunog ng alarm ng cellphone kanina pa ito tumutunog. "sorry." simpleng saad niya at parang natutuwa pa sa mga pinag sasabi ko sa harap niya dahil nakikita ko ang ngiti niya. "Body guard kita pero tanghali ka naman magising pano kung may mangyari sa'kin?" saad ko sabay irap. "I will never let anyone hurt you, baby." narinig kong malambing niyang saad. "H-huh?" tanong ko dahil parang narinig kong tinawag niya akong baby.Hindi ko alam pero kinilig ako ng tinawag niya akong baby uminit ang pisngi ko at sa tingin ko ay namumula ako. "Nothing, may mga kasamahan akong nakapaligid sa unit mo naka bantay sila at hindi mo sila mapapansin." saad niya at nag iwas ng tingin. "o-okay, But I hear you said baby?" bulong ko. "I said you're cute," he chuckles and pinched my cheeks. "bumalik kana sa unit mo at hintayin ako duon." he point out the door of my unit. Tumango ako at nag mamadaling bumalik sa unit ko. Pagka upo ko sa sofa ay kinuha ko ang throw pillow at itinakip sa mukha ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko at para akong kinikiliti. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko samantalang may boyfriend na ako at alam kong mahal ko siya pero ni minsan hindi ako nakaramdam ng ganito sakaniya. Napatingala nalang ako at malalim na nag isip. Siguro dahil attracted ako sa itsura niya dahil masyado siyang gwapo. I sighed, tumingin ako sa cellphone ko na wala manlang text na galing kay marco. "malabo naman siguro akong mainlove sakaniya dahil may boyfriend na ako." mahinang bulong ko at napayuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD