KENN POV.
Walang palya ang regular check-up ng aking baby boy, sinisigurado kong malusog ang kaniyang pangangatawan at laging malayo sa sakit. At kahit ang baby book ay nakabisado ko na rin sa araw-araw na pagbabasa para lamang mapanatili na laging nasa oras ang pagkain, paglalaro at pagtulog nito. Kahit sa internet nagre-research ako kung papano palalakihin ng maayos ang aking anak. Pag nakaka sipon o lagnat si Ken Ken ay hindi ako natutulog upang ma-monitor ko ang kaniyang karamdaman. Ako mismo ang nag-aasikaso at halos ang buong buhay ko ay umikot na sa kaniya. Ang mga dating nakasanayan ay hindi ko na binalikan kagaya ng pagiging athlete at painter. Dahil magmula ng magising ako mula sa pagka-comatose ay walang ibang nasa puso at isipan kundi makasama ang aking anak. Sa sobrang lalim ng aking iniisip ay hindi ko na pala naririnig ang pagtunong ng aking cell phone.
“Sir, ipinasasabi po ng tumawag na matagal pa siyang makakauwi.”
“At sino naman ‘yon Delia?”
“Wala pong sinabing pangalan, basta ang sabi niya ay kilalang kilala mo raw po siya.”
“Sige, pakibigay mo sa akin ang cell phone ko at baka muling tatawag iyon.”
Makalipas ang ilang minuto at biglang tumunog muli ang aking cell phone kaya naman may pagmamadali kong sinagot nang hindi na inalam kung sino ang nasa kabilang linya.
“Yes, hello?” subalit walang sumasagot kaya ang ginawa ko ay binulsa ko na lang iyon. Nakakaramdam na ako ng kakaiba, dahil pangalawang beses nang may tumatawag sa akin ng gano’n. At ang nakakapagtaka ay magmula ng dumating ako nang bansang Pilipinas ay nagsimula na ang pagtawag tawag ng taong hindi man lang nagpapakilala. Napa-tyming pa na nasa ganoong sitwasyon kami ng aking anak lalo na ngayon na wala pa naman si Kenneth at laging out of country dahil sa mga negosyong ito ang nagpapatakbo. Nagpasyang i-off na lang muna ang cell phone nang hindi na makatawag pa ang taong iyon. Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda kaya lang ay hindi ko mapigilan ang kabang unti unting nagbibigay takot sa akin. Paano kaya kung isa sa mga Montemayor ang tumatawag na ‘yon? Kahit paulit-ulit pang ilagay sa isipan na walang dapat ipag-alaala ngunit nagsusumiksik pa rin sa aking dibdib ang pangamba. At aminin ko man o hindi ay wala akong laban o kami ng kakambal ko pag kumilos ang mga ‘yon. Mayaman nga kami ngunit hindi iyon maaaring tumapat sa yaman at koneksyon ng mga Montemayor.
Kasalukuyan akong nasa grocery store nang may biglang tumawag sa akin. At nang lumingon ako ay gano’n na lang ang tahip ng aking dibdib dahil nasa harapan ko ang babaeng matagal nang hindi nagpapatahimik sa aking puso at isipan.
“K-kenneth, kumusta?”
“H-hi, ito okay naman.” Kahit ang totoo ay gusto nang pumiyok ang boses ko dahil sa pagbabara ng aking lalamunan. At hindi lang yon parang tinatambol ang aking dibdib sa lakas ng kaba. Pati na yata ang mga tuhod ko ay gustong panginigan sapagkat nang matitigan ko ang kaniyang mukha ay mas lalo pa itong naging kaakit-akit sa aking paningin. Ang aura nitong nagmukhang mature ay mas nakadagdag ng kakaibang alindog na minsan ko nang kinabaliwan noon. Subalit kailangan kong maging maiangat sa pagkakataong ito dahil baka dito ako mabuking.
“Ahm, Saman…I mean baby Soffy maaari ba kitang maimbitahan na mag lunch?” Tangna, muntik na akong mabuking, hindi nga pala tinatawag ng kakambal sa ibang pangalan ang dalaga.
“S-sige, kailan ba?”
“Ngayon sana kung wala kang gagawin.” Lihim akong nagdadasal na sana ay pumayag ito dahil sobrang miss ko siya at kahit sa pagkain man lang ay magkasama kaming muli.
“S-sure,” tipid na sagot niya sa akin at kahit gusto ko nang hawakan na agad ang mga kamay nito ay nagpigil na lamang ako.
“Shall we?”
“Okay.” Tanging sagot nito at napansin kong nagpauna agad itong maglakad kaya naman nagmadali na akong sumunod dito. Mas mabuti nga siguro ang ganito na walang makakakita sa aming dalawa nito. Isa pang napansin ko ay kahit wala pa kami sa labas ay mabilis nitong sinuot ang dark eyeglasses at mas binilisan pa ang lakad.
“Baby Soffy, bakit ka nang mamadali?”
“Ahm, ano kasi….nagugutom na ako.”
“Oh, okay dito sa kabilang side ang kotse ko naka-park.”
“Saan ba?”
“Ayon, ang kulay puting SUV.”
Gustong gusto ko na siyang hawakan ngunit mabilis na hinila nito ang pintuan at may pagmamadaling sumakay. Kaya ang ginawa ko ay umikot na ako para maupo sa driver seat, nagmukha tuloy akong driver nito dahil doon ito naupo sa likurang upuan. Pero hindi bali na ang mahalaga ay pumayag na sumama ito sa akin.
“Saan mo gustong kumain tayo, baby Soffy?”
“Maaari ba na doon sa medyo malayo at hindi masyadong mataong lugar?”
“Sure, baby Soffy,” at habang nagmamaneho ako ay paminsan minsan ko siyang sinisilip sa rear mirror. Kahit naka side view pa ito sa pagkakapwesto ay talagang napakaganda nito.
“K-kenneth, pwedeng magtanong?”
“Yes, baby Soffy go ahead.”
“Nabanggit kasi sa akin ni kuya Josh na nagkita raw kayo sa isang Mall?”
“Ahm…kailan raw? Sorry baby Soffy, hindi ko na masyadong matandaan.”
“A month ago, may pinamili ka raw na mga gamit ng baby?”
“Ah, ‘yon ba?” kinabahan agad ako sa aking narinig.
“Ilang taon na ang anak mo Kenneth at kailan ka pala nag-asawa bakit hindi nalaman ni Kuya Josh na kinasal ka na?”
Hindi agad ako nakasagot sa sunod sunod na tanong nito sa akin.
“Kenneth?”
“Ah, yeah…m-matapos mailibing ang kakambal ko ay nag-stay ako sa America at doon ko nakilala ang a-asawa ko. I mean ang napangasawa ko at agad na nabuntis ko siya kaya ito nagkaanak kami.”
“Ah, okay c-congratulations na lang sa’yo.” Iyon lang ang tangi kong narinig na sagot nito at nagpa salamat akong hindi na muling nagtanong pa. Hanggang dumating kami sa destinasyon ay tahimik lamang siya at nang papasok na kaming dalawa sa loob ay ipinagbukas ko na lang siya ng pintuan.
“Dalawa lang po ba kayo, Ma’am/Sir?” narinig kong tanong ang isang babaeng staff sa amin at sa halip na sumagot ako ay tumango na lamang dito. Agad naman kaming igiya sa isang bakanteng table at mabilis akong kumilos na ipinaghila nang bangko ang dalaga. Nang makaupo na ito ay ako naman ang umupo sa tapat nito at hindi ko mapigilan ang titigan siya.
“B-bakit ganyan ang pagkakatingin mo sa akin?”
“Ah, wala naman baby Soffy na miss lang kita. Matagal na tayong hindi nagkita kaya siguro gano’n.”
“G-galit ka pa ba sa kuya ko? I mean maiintindihan ko naman dahil sa nagawa niya sa kapatid mo. A-and I’m so sorry Kenneth, dahil hindi ko nagawang pigilan ang kapatid ko. Sana ay buhay pa ngayon ang kakambal mo at kasalanan kong lahat ang nangyari sa kaniya.”
“Shhh…Don’t say that dahil wala kang kasalanan sa mga nangyari.” Hindi ko napigilan ang aking sarili at mabilis ko siyang nilapitan upang yakapin ng mahigpit. Sobrang lakas ng kalabog sa aking dibdib at sana ay hindi ako nito mahalata.
“K-kenneth, ahm…baka may makakita sa atin may asawa ka pa namang tao.” Kahit ang isipin kong sabihin ang totoo ay hindi naman pwede kaya kahit gusto ko pang manatili kaming magkayakap ay napilitan na akong bumitaw.
“Anong gusto mong kainin baby Soffy at ako na ang mag-oorder.” Ngunit hindi ito sumagot bagkus ay mabilis na dinampot ang menu book at isa-isang pinasadahan iyon ng tingin. Habang ako ay nagkukunwaring busy rin sa pagtingin ng oorderin. Kahit ang totoo ay lampasan ang aking mata sa menu na tinitingnan at nasa magandang babaeng kaharap ang aking buong atensyon.
“Ma’am/Sir, may order na po ba kayo?”
“Ah, yeah.” Nang makita kong nakatingin sa akin si Samantha ay mabilis akong nag order kahit hindi ko sigurado na makakain naming lahat ng ‘yon.
“Lahat po ba ‘to Sir?”
“Yes, lahat ‘yan.” Habang lihim lang akong nakatingin sa bawat pag galaw ng labi ng babaeng kaharap. At kung hindi ko ibabaling sa ibang direksyon ang aking mga mata ay siguradong baka akdawin ko ito at siilin ng halik.
“Ahm, okay ka lang ba Kenneth, pinagpapawisan ka masama ba ang pakiradmam mo?”
“Ha? Oh, no! I mean hindi medyo naiinitan lang ako masyadong mahina ang AC nila dito kaya siguro gano’n.
“Malamig kaya, giniginaw na nga ako sa lamig dito.”
“G-gano’n ba? Ahm, baby Soffy maiwan muna kita at pupunta lang ako sa men’s room.”
“Okay, take your time.”
Habang naglalakad ako ay gusto kong sipain ang sarili ko o kaya naman ay sapakin ang mukha ko. Dahil kung magtatagal pa kaming magkasama ay siguradong mabubuking na ako ni Samantha. Kaya kailangan na pag dumating ang mga order ay madaliin na sa pagkain nang makaalis na sa lugar na ‘yon.
“Ayos ka lang ba pare?”
“Y-yeah, okay lang ako dude bakit mo naitanong?”
“Kasi naman pare salita ka ng salitang mag-isa riyan, akala ko nga may suot kang wireless earphone at may kausap ka ‘yon pala ay wala.”
Hindi na lang ako sumagot dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili ay masapak ko ang pakialamerong lalaking 'yon, ano bang paki niya kahit magdadaldal pa ako ritong mag-isa huh! Matapos makapaghugas ng kamay at kumalma na ang pakiramdam ko ay tuloy tuloy nang lumabas. Ngunit pagdating ko sa table naming ay gusto kong mapaatras dahil sa dami ng pagkain na naroroon. At nang tingnan ko ang mukha ni Samantha ay parang gusto an nitong tumayo at umalis.
“Baby Soffy, narito na pala ang mga pagkain natin halika na magsimula na tayong kumain.”
“Kenneth, ano ba kasing mga pagkain ito? Hindi naman ako maaaring kumain ng mga ‘yan dahil may allergy ako. Nakalimutan mo na ba na maraming bawal sa akin?”
“Ouch! Sorry baby Soffy, tama ka nakalimutan ko nga ganito yata pag nagkaka edad na nagiging malilimutin.” Palusot kong sagot sa kaniya kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga alam na may allergy pala ito.
Kaya ang nangyari ay ipinabalot kong lahat ng mga pagkain at nang mapadaan kami sa maraming bahayan na lugar ay nag-minor ako at tinawag ang mga batang naglalaro.
“Boy, halika lumapit kayong lahat dito.”
“Ano po iyon sir pogi?”
“May ibibigay ako sa inyong lahat, saglit lang at kukunin ko sa likuran ng sasakyan.” Mabilis na bumaba ako ng sasakyan at binuksan ang compartment. Halos magsisigaw naman sa tuwa ang mga bata nang makita ang napakaraming pagkain.
“Bosing pogi, sa amin po bang lahat ng ‘to?”
“Oo, iuwi n’yo sa inyong bahay.”
“Wow! Maraming salamat po kuya pogi,” wika naman ng isang marungis na bata.
“Nasaan ba ang nanay n’yong apat?”
“Nasa bahay po bossing at naglalabandera.”
“Nagtitinda po ng kakanin ang nanay ko.”
“Nasa palengke po at tindera sa mga karne.”
“Wala pong trabaho dahil may sakit po.”
Parang pinipiga ang puso ko sa mga naririnig kaya aking inutusan ang mga ito na sunduin ang kanilang ina. At habang naghihintay sa sasakyan ay nasa likuran bahagi ang mga bodyguard ni Samantha.
“Okay lang ba talaga sa’yo na maghintay kahit saglit?”
“Yeah, hindi naman ako nagmamadali.”
“Okay, salamat.”