SOFFY POV.
Kasalukuyan akong naglalakad sa gitna nang isang parking upang magtungo sa loob ng mall, may mga kailangang bilhin na hindi maaaring ipagkatiwala sa yaya o sa mga kasamabahay. Kaya mas mabuting ako mismo ang bumili upang masiguro na tama ang lahat ng nasa aking listahan. At pagdating sa loob ay mabilis kong kinuha ang isang cart upang tunguhin na ang infant section. Subalit habang naglalakad ay hindi sinasadyang makita ko ang kakambal ng ama ni Queeny. Napakunot ang aking noo nang makita ang laman ng kaniyang cart na tulak tulak niya. Punong puno iyon ng mga gamit pang baby, at akmang lalapitan ko ito nang aking namataan si Kuya Josh na nakatingin din sa kinatatayuan nito kaya sa halip ay umatras ako at nagkubli na lang sa isang lugar. Kitang kita ko ang naging reaksyon nito nang magkatinginan silang dalawa ng kapatid ko. Subalit biglang naglaho ang kakaibang reaksyong iyon at umakto itong parang walang kakilala sa paligid. Hanggang natapos ito sa pagbabayad at tuloy tuloy nang umalis. Subalit pagpihit ko ay nasa aking likuran si Kuya Josh at nakakunot noo ito na parang may gustong sabihin.
“Kuya, I saw him nandito siya sa mall.” Patay malisyang pagpapahayag ko sa seryosong mukha nito.
“Alam ko dahil nakita ko rin siya.” Habang nananatiling nakatitig sa kapatid.
“Bakit may gusto ka bang sabihin sa akin?”
“Wala naman baby Sam, bakit ka pala naririto at sinong kasama mo?”
“Bodyguard ko lang at may importante akong bibilhin.”
“I see, join us sa Italian restaurant nagyayang doon kumain ang mga pamangkin mo.”
“Sige kuya, pagkatapos ko dito ay susunod ako doon.”
“Okay, maiwan na kita rito.”
“Yes, kuya ingat.”
“Ikaw din.”
Nang mawala sa paningin ang kapatid ay napapa-isip ako kung bakit hindi man lang nababanggit nito sa akin ang tungkol sa lalaking ’yon. Samantalang mag best friend ang dalawa ng kapatid na panganay at imposibleng walang alam tungkol kay Kenneth. Kahit paano sana ay may alam ito na may anak ang kaibigan kahit pa nasira ang realsyon ng mga ito noon. Isa pa ay wala pang isang taon ang lumipas magmula nang mangyari ang pagkamatay ng kakambal nitong ama ni Queeny. Ang nakadagdag isipin pa ay hindi man lang ba naging interesado si Kenneth na makita ang anak ng kakambal nito? At hindi ko na namalayang napuno na pala ang cart ng mga damit ni Baby Queeny.
“Senyorita, tumawag po ang mommy mo dahil hindi ka raw makontak sa cell phone mo. Ipinapaalam ng senyora na kailangan makabalik ka ng mansion. Tumawag po sa kaniya ang yaya ng anak mo sapagkat umiiyak na si Baby Queeny.”
“Salamat Hector, sige at aking tatawagan ang yaya ng anak ko.”
“Sige po senyorita.” Narinig ko pang sagot nito sa akin.
“Yaya, kumusta ang anak ko?”
“Senyorita, pasensya na po ngunit ayaw pong tumigil sa pag-iyak si Baby.”
“Pauwi na ako, kargahin mo lang okay?”
“Sige po senyorita.”
“Hector, umuwi na tayo saka na ako bibili ng ibang kailangan.” Pahayag ko sa aking diver bodyguard at mabilis na binayaran ang mga pinamili.
“Yes, senyorita tayo na po.”
At nang matapos mailagay nang mga staff sa mga paper bags ay iginiya na ako nito palabas ng Mall.
Habang nasa daan ay kinakabahan ako na baka may karamdaman ang aking anak at hindi ko man lang napansin kaninang bago iniwan siya sa yaya nito.
“Hector, pakibilisan.”
“Copy po senyorita.” Agad namang sumibad ang sasakyan pabalik ng old mansion Montemayor. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito, at sa kawalang maisip ay umusal na lang ng panalangin para sa aking baby. Ganito pala ang pakiramdam ng isang-ina, takot, pangamba at pagsisisi kung bakit iniwan ang anak sa yaya nito. Hindi alintana ang pagtunog ng cell phone dahil ang tanging inaasam ko ay makarating agad sa bahay.
“Senyorita, kanina pa po tumutunog ang cell phone mo.”
“Ha? Ah, okay salamat Hector.” Mabilis na dinampot iyon at sinagot ang tumatawag.
Baby, kanina pa kami rito sa restaurant darating ka pa ba?”
“Kuya Josh, sorry hindi ako makakapunta riyan at umiiyak ang aking anak. Sa katunayan ay pabalik na kami ng mansion, baka may dinaramdam si Baby Queeny, kaya hindi tumitigil sa pag-iyak.”
“Tawagan mo agad ako once na makarating ka na nang bahay, okay?”
“Sige kuya Josh.”
Few minutes later…
“Senyorita, ako na po ang magdadala paakyat sa lahat nang ‘yan.”
“Sige Hector, bahala ka na riyan at aakyat na ako.” Hindi ko na hinintay na sumagot pa ang diver bodyguard at tumakbo na ako. Pagdating sa elevator ay palabas naman ang yaya habang karga ang umiiyak kong anak.
“Akina ang anak ko,” at mahigpit ko agad itong niyakap saka ito hinaplos haplos sa likuran.
“Sorry po senyorita, hindi ko na po alam ang gagawin kaya kahit sa mommy mo ay tumawag na ako.”
“Ayos lang yaya, huwag kang mag sorry tama lang ang ginawa mo.”
“Tatawagan ko po ba si Doctor?”
“Yes, please?”
“Okay po,” at nang tumalikod ay mabilis na nag-dial habang naririnig pa rin ang malakas na iyak ng bata.
Samantala, “Baby ko, please don’t cry anak may masakit ba sayo?” at habang patuloy sa pag-iyak ang aking anak ay para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman.
“Senyorita Samantha, parating na po si Doctor huwag na po kayong umiyak ni Baby Queeny.”
Saka ko pa lamang nalaman na umiiyak din pala ako, at mabilis kong pinunsan ang aking luha. Baka isipin ni Yaya na para akong bata, ang dapat kong gawin ay maging matatag at matapang sa mga ganitong pagkakataon.
Hindi nagtagal at humahangos na dumating ang tiyahing si Cathy, ito ang laging tinatawagan ng pamilya Montemayor bago ang iba pang doctor ng Gonzalgo Private Vip Hospital. Pero pag busy ay ang asawa ng pinsang si Vince na si Dra. Andrea o kaya naman ay si Dra. Pauline na asawa rin ng pinsang si JC.
“What happen to her?”
“Hindi ko po alam tita, basta kaninang pagdating ko ay ganyan na siya.”
“Okay, huwag kang mag panic at sa tingin ko ay hindi naman malala ang kaniyang karamdaman.”
Mabilis na inalis ni Dra. Cathy ang lahat ng damit nito at kinapa ang tiyan.
“Over feeding siya kaya nagkaganyan.”
“Ano po ang dapat kong gawin tita?”
“Kumuha ka ng unan at idadapa natin siya, tapos hintaying mag burp. Hindi lang siya comfortable kaya ganyang umiiyak, masyadong sensitive ang mga batang bagong silang. Wala naman siyang lagnat o sipon kaya ipanatag mo ang iyong loob.”
“Salamat po tita.” Saka pa lamang ako nakaramdam ng kapanatagan.
“Yaya, huwag mong padedehin ng nakahiga siya. Kailangan ay karga mo at dapat ay mag burp agad pagkatapos makainom ng gatas.”
“Sige po Doc, pasensya na po.”
“Ngayon ka lang ba nag yaya sa isang infant?”
“Opo, dati ay tatlong taon gulang ang inaalagaan ko. Kaya hindi ko po masyadong alam pag bagong panganak pa lamang ang aalagaan ko, sorry po talaga senyorita Samantha.”
“Okay lang ‘yon yaya, basta mula ngayon ay alam mo na ang dapat gawin kay baby.”
“Opo, lagi kong tatandaan.”
“Paano mauna na ako iha, basta pag may magiging problema kay baby ay tumawag ka lang.”
“Sige po tita, salamat.”
Para namang nagdahilan lang ang aking anak, matapos makapag burp ng dalawang beses ay ayon at naglalaro na. Kaya naging panatag na ang pakiramdam ko, “yaya ako na muna ang bahala kay baby, paki kunin mo lahat ng pinamili at dalhin sa laundry. Tell them na huwag gagamitan ng matapang na sabon dahil baka magkaroon ng allergy si Baby.
“Opo, senyorita.”
Nang mapag-isa na sa sariling kwarto ay sumandal ako sa headboard ng kama habang nasa aking tiyan si Baby. Hinila ko ang drawer at kinuha sa pinaka ilalim ang isang larawan, si Kenn, ang ama ng aking anak at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin sa alaala ko ang huling sinabi nito bago nawalan ng buhay.
“I’m sorry Samantha babe.” Ang katagang iyon ay paulit-ulit sa aking isipan, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hindi man lang kinasuhan ang aking kapatid ng kakambal nito. Muling dinampot ang isa pang bagay na naroon ang calling card at nanginginig ang kamay kong nag-dial.
“Yes, hello?”
Pagka rinig ko sa boses na ‘yon ay mabilis kong kinansela ang tawag, malakas ang kaba sa aking dibdib dahil kahit matagal nang namayapa ang binata ay hindi ko kailanman nakalimutan ang boses nito. at kung totoo na hindi ako nakakaringgan lamang ay anong ibig sabihin ng aking narinig? Napaka imposibleng buhay pa ito dahil kitang kita ng aking mga mata ang monitor na flatline na iyon.
“Baby Soffy, kumusta ang aking apo?” narinig ko ang boses ng aking ina.
“Mommy, ayos naman po ang sabi ni Tita Cathy ay wala naman pong sakit si Baby Queeny. Hindi lamang po natunawan kaya umiiyak, pero ngayon ay ito at masarap na ang tulog.
“Bakit naririto ang litrato ni Kenneth, hindi ba at kaibigan iyan ng kuya Josh mo?”
“Ha? O-po mommy, ahm….nakita ko lang po sa ilalim nitong drawer kaninang nahulog ang cell phone ko. Baka noong mga panahong natutulog pa dito iyon kasama ni Kuya Josh.” Ang tangi kong naisagot sa aking ina, kahit ang totoo ay malakas ang kaba sa aking dibdib. Walang alam ang aming mga magulang sa totoong nangyari noon. Hindi ko rin sigurado kung may alam ang mga ito na may kakambal si Kenneth.
“Tawagin mo ang yaya ni Baby at may dala akong pagkain, nag-bake ako kanina ng paborito mong cokies.”
“Okay po mommy, saglit lang po at tatawagin ko.”
Nang makalabas ako nang pintuan ay saka pa lamang nakahinga ng maayos.