SOFFY POV. Ilang araw na ang lumipas magmula nang magkasama kaming kumain ni Kenneth, o tamang sabihin na hindi pala kami nakakain dahil maling pagkain ang mga na-order nito. Pero touch na touch ang aking pakiramdam sa hindi inaasahang nangyari, may gano’n pa lang side ito. Kahit minsan ay hindi ko na isip na may mababang loob ito sa mga batang maralita. Lalo na nang dumating ang ina ng mga bata at inabutan nito ng malaking halaga ang bawat-isa. At kagaya ng mga iyon ay nahawa ako sa pag-iyak dahil sa sobrang kagalakan. Nang mga oras na iyon ay naisip kong napaka swerte ng babaeng kaniyang pinakasalan, hindi ko tuloy maiwasan maalala ang kakambal nito na ama ng aking anak. Gano’n din kaya ito kung nabubuhay pa? “Baby Sam, bakit hindi ka pa nakabihis?” “Hala, sorry kuya ko nawala sa isip