KENN POV. Three years later… “Daddy Kenneth!” malakas ang boses ni Ken Ken na kaya napalingon kami ng aking kakambal. Hindi ako natutuwa sa paraan ng pagtawag nito sa tiyuhin niya. “Bakit daddy ang tawag sa’yo ng aking anak? Ikaw ba ang nag-utos na tawagin ka ng gano’n?” “Ano ba ang problema kung daddy ang itatawag niya sa akin? Baka nakalimutan mo lang ay ipapaalala ko sa’yo na ako ang gumawa ng paraan at naghirap para lamang makuha nang makasama natin siya. Kaya huwag mong itanong sa akin ang bagay na ‘yon, dahil kung wala ako ay wala siya sa piling natin!” Akmang sasagutin ko ang aking kakambal nang makita kong tumatakbo palapit sa kinatatayuan namin ang anak ko. Kaya mabilis ko itong sinalubong at binuhat, sabay yakap ng mahigpit dito. “I love you, anak?” “I love you too, daddy