Chapter- 4

2081 Words
SOFFY POV. Matapos makatulog ang pinakamamahal kong anak ay inilapag ko siya sa aking tabi, nilagyan na rin ng unan sa magkabilang gilid. Mas mabuti na ang sigurado kahit sabihin pang hindi pa naman ito kumikilos dahil bagong silang pa lamang. At habang minamasdan ko ang napakagandang anak ay bumalik na naman sa alaala ang araw nang pagkamatay ng ama nito. Kahit sandali lang kaming nagkasama nang mga panahong iyon ay natutunan ko nang mahalin. Siguro dahil siya ang unang lalaki sa buhay ko kaya lang ay agad rin namang binawi ng Diyos sa kanila ng anak. At dahil babae naman pala ang aming anak ay pinalitan ko iyon ng bagong pangalan, Queenny Montemayor Montero at ibinigay sa bagong dating na nurse. “Ito na po ba ang bagong name ni Baby Cutie?” “Yes, nurse.” nakangiti kong sagot dito na agad rin namang nagpaalam sa akin. Hindi nagtagal ay dumating ang aking mga kapatid kasama ang aming mga magulang at hindi maikakaila sa mga reaksyon nila ang sobrang kasiyahan ng masilayan ang napakaganda kong anak na si Queeny. “Ang ganda ng pamangkin natin kuya Josh.” “Oh, akala ko ba lalaki ang anak mo baby Sam?” boses iyon ng kuya Delta niya bago hinawakan ang maliit na kamay ni Baby Queeny. “Mali pala ang ultrasound, umasa rin ako na lalaki ang aking anak kuya Delta. Kaya naman ang name niya ay panlalaki at kanina ko lang pinalitan. “Mabuti nga at babae ang anak mo baby Sam, puro na barako ang nakatira sa mansion at tingnan n’yo napakaganda niya.” Agaw pansin naman ni Drake at Dark. “Nasa lahi na yata ng Montemayor ang puro lalaki.” Wika ng ama nil ana tila nalulungkot. “Dad, huwag ka na pong malungkot dahil nariyan naman ang aking si Queeny.” Natatawa kong pahayag kay dad habang ang tatlong barako ay nagkukulitan. Kaya naman kahit nakakalungkot isipin na walang kikilalaning ama ang aking anak ay naririyan naman ang mamababait kong kapatid. “Anak, paglabas mo rito ay doon na muna kayo sa mansyon tumuloy para may makatulong ka sa pag aalaga kay baby Queeny.” “Pag-iisipan ko po daddy, ngunit sa ngayon ay doon muna kami sa old mansion.” “Ikaw nag bahala anak, basta kung may kailangan ka ay tawagan mo agad ako o ang iyong mommy.” Salamat po dad, hayaan mo po at lagi naman akong dadalaw sa inyo. At nang makaalis ang aking pamilya ay naiwan akong mag-isa, hindi ko maiwasang bumalik na naman sa malalim pag-iisip tungkol sa minamahal na anak. At kahit pilitin kong isipin na mali nga siguro ang ultrasound ay nagsusumiksik sa aking puso na tama. Kaya naman para makasiguro ay aking tinawagan ang magiging yaya ng anak upang papuntahin dito sa ospital at pansamantalang magbantay kay baby Queeny. Makalipas ang isang oras ay dumating ito kasama ng isang bodygurad. “Senyorita Samantha, ako na po ang bahala kay baby.” “Salamat, may mahalagang bagay lang akong aalamin at babalik din agad.” “Sige po, ingat ka sa labas.” Malaki ang aking hakbang na tinungo ang Ob-Gynecologist, ang doctor na nagpaanak sa akin. Subalit pagdating ko sa opisina niya ay sinabi ng nurse, mula raw nang araw na ‘yon ay on leave na ito. Kaya naman wala akong nagawa kundi bumalik sa kwarto at tamang tama lang ang aking dating dahil narinig ko na ang iyak ni Baby. Marahil ay nagugutom na ito kaya may pagmamadaling kinuha ang aking anak mula sa yaya nito at sinimulan mag breastfeed. “Senyorita, baka po may gusto kang ipabili sa labas?” “Sige paki bili mo na lang ako ng fresh milk.” “Okay po, maiwan na muna kita.” Nang mapag-isa ay ilang beses kong tinititigan ang aking anak, pero bakit gano’n noong nasa tiyan ko pa lamang ay excited akong makita at mayakap na siya ngunit ngayong naririto na ay hindi ko na maramdaman ang pananabik. O baka naman pagod lang ako kaya medyo walang gana sa mga oras na iyon. Nang makita kong tulog na si Baby ay maingat na inilapag siya sa loob ng crib. Talagang napaka ganda nito, at ang balat ay parang labanos sa kaputian. Hanggang hindi ko namalayan ang pagtpatak ng aking luha kundi pa iyon dumaloy sa pisngi ko. Naiisip ko na naman ang ama ng aking anak, ano kaya ang reaksyon nito kung kasama namin ngayon. Masaya kaya ito na may anak na kami at nagpaplano na rin kayang magpakasal? “Bakit ka umiiyak?” nagulat pa ako na dumating pala ang aking pinsan. “Ahm…w-wala naman ate Chariz, hindi ko lang maiwasang maalala siya." “Huwag mo nang masyadong isipin ang mga nangyari dahil tapos na iyon, ang bigyan mo ng atensyon ay mapalaki siya ng maayos at maging mabuting anak.” “I know ate, na naramdaman mo rin ito noong mga panahong inakala mong namatay si Kuya Dante.” “Yeah, at isa iyon sa pinaka masakit na naranasan ko at alam kong gano’n din ang dinadanas mo ngayon. Pero may dahilan ang lahat kung bakit iyon nangyari sa atin. Basta huwag ka lang susuko at sa ngayon ay mag focus ka muna kay baby Queeny.” “Iyon na nga lang siguro ang gagawin ko, dahil siya na lang ang tanging alaalang naiwan niya sa akin.” “Good.” - KENN POV Few weeks later... Mahigpit raw ang bilin ng kakambal ko sa kinuhang tagapag-alaga sa bata. At sinabihang laging tatandaan na kahit isang kisap mata ay huwag na huwag iwawalay sa paningin ang anak ko. Nangako na man daw ang yaya nito na aalagaang mabuti kaya naman napanatag ako. At ngayon nga ay nakikita ko naman ang pag-aalaga nito at asikasong-asikaso naman ang napakabait kong anak na hindi man lang umiiyak at panay lang ang tulog. Sa kawalang magawa ay pumasok na lang muna ako sa aking kuwarto, kailangan kong makaisip ng paraan upang ma-register sa pangalang Montero ang bata. Kaya naman mabilis kong tinawagan ang kaibigang detective at isinalaysay ang binabalak ko. Subalit sa halip ay tinawanan ako nito na kinainis ko, ano bang nakakatawa sa aking sinabi? “Are you still there?” narinig kong tanong niya sa akin kaya kahit gusto ko itong sigawan ay pinigilan na lang ang aking sarili at baka makapagsalita pa ako ng hindi tama. “Yes, ang mabuti pa ay pumunta ka na lang dito detective, dahil may mahalaga akong sasabihin sa’yo.” “Fine! Wait for me and I’ll be there.” Habang aking hinihintay ang pagdating niya ay palakad lakad ako sa gilid ng bintana at nag-iisip kung tama ba ang aking gagawin? Wala akong ibang maisip kaya tinawagan ko na lang ang aking kakambal. “Hello brother, I think hindi maaaring magtravel ang bata kaya mananatili na lang muna kami rito. Kung gusto mo ay ikaw na lang ang umuwi dito?” “Uuwi ako riyan, at nang makapag plano tayong mabuti.” “Kung yan ang gusto mo ay hindi ka dapat maglalabas dito dahil anumang oras ay maaaring may makakita sa’yo. At pag nagkataon ay malaking problema, alalahanin mong maliit pa si Ken Ken at maaari akong makasuhan sakaling magkabukingan.” “Bakit ka ba natatakot sa mga ‘yon? Samantalang sila ang malaki ang atraso sa’yo, magpasalamat nga sila dahil hindi mo ipinakulong!” “Hindi ako natatakot brother, ang sa akin lamang ay maaaring mawala sa buhay ko ang aking anak. Alalahanin mong hindi kami kasal at infant pa ang bata, kaya nasa custody pa dapat iyon ng kaniyang ina.” “Fine! Mag-iingat na lang ako para maiwasan ang problema.” “Good!” Tatlong linggo na ang lumipas at narito ako sa NAIA dahil kabababa lang ng eroplanong sinakytan ko mula sa isang business trip at nang makalabas ako ng arrival area ay halos takbuhin ko ang sasakyang naghihintay sa akin. At nang makasakay ay mabilis na inutusan ang driver bodyguard na ihatid agad ako sa mansion Montero. Ang kakambal ko ay pinalabas kong muli ng bansa kaya safe para sa akin kahit lumabas ako at mamasyal kami ng bata. Wala ding nakakaalam sa mansion na may kakambal ako dahil bago lahat ng staff na naroon. Subalit pag bungad ko pa lamang sa malawak na living room ay narinig ko na ang malakas na iyak ng bata. Kakaiba ang aking pakiramdam at nakaramdam agad ako ng inis. Kaya malaki ang hakbang na pinuntahan ang pinaggagalingan ng iyak at doon ay naabutan na busy sa pagkakalikot ng cell phone ang yaya nito. Kaya naman hindi na ako nakapag pigil at nasigawan ko nang malakas ang babaeng tila walang pakialam sa aking anak. "What the hell is going on? Pinababayaan mo ang aking anak? Get out!” halos maglabasan ang ugat sa aking leeg sa sobrang lakas nang sigaw ko. At muntikan nang madapa ang babae sa pagtakbo makalayo lang sa akin. Ngunit nang mapag-isa kaming dalawa ay naisip kong wala nga pala akong alam kung paano patitigilin ang pag-iyak ng bata. At parang tinutusok ng matalim na bagay ang aking puso pagkakita sa luhaan nitong mga mata. Kaya naman mabilis ko siyang binuhat at dinala sa aking dibdib. “Shhh….my baby boy, don’t cry papa is here.” Subalit hindi pa rin ito huminto sa pag-iyak kaya lumabas kami ng kwarto at tinawag ang yaya nito. "Bring the milk and follow me!” Utos ko sa babaeng kitang kita sa mukha ang sobrang takot at pagkalito. Nang sumara ang pintuan ay maingat na ibinaba ko ang umiiyak pa ring bata at dinampot ang libro para sa infant saka iyon binasa. Umupo ako at muling binuhat ang aking anak sabay dampot ng isang unan at ipinatong sa aking lap. Doon ay inihiga ko ito at saka isinubo sa bibig nito ang bottle milk, saka pa lamang ito huminto sa pag-iyak. “Look carefully, okay? And next time ay huwag na huwag kong maririnig na umiiyak ang anak ko! Naiintindihan mo ba?” "Yes, sir.” agarang sagot nito sa akin. “Tumawag ka ng lalaki at sabihin mong ilipat dito sa kwarto ko ang crib ni Baby.” “Opo, sir.” Malapit nang maubos ang gatas sa baby bottle ay timing ang pagpasok nang dalawang lalaki dala ang malaking crib. Kaya naman nang masigurong maayos na ang higaan ay doon ko na ibinaba ang tulog na anak. Simula sa araw na iyon ay pangako ko sa aking sarili na hindi na mawalay pa sa paningin ang aking baby boy. Hindi ko tuloy maiwasang balikan ang alaala ng mga panahong nagising ako mula sa pagka-coma at ang salitang anak ay nagbigay sa aking puso ng bagong pag-asa. Kaya naman ngayon na magkasama na kami ay sisiguruhin kong walang sinuman ang maaaring makapaghiwalay pa sa aming dalawa. At si Samantha, no matter what ay ibabalik ko siya sa aking piling. Kahit muling manganib pa ang aking buhay ay kukunin ko siya at magiging mag-asawa kaming dalawa. She's mine, walang sinumang lalaki ang maaaring umangkin kay Samantha kahit maging dahilan pa iyon nang muli pagkasira sa ralasyon naming magkapatid. Tumunog ang aking cell phone at nakita ko agad ang pangalan ng kakambal ko kaya mabilis ko iyong sinagot. "Nothing, just checking baka makalimutan mong lumabas ng hindi ipinaalam sa akin alam mo namang hindi tayo maaaring sabay na lumabas baka may makakita sa atin.” “Ano bang ikinatatakot mo kuya, kung sakaling malaman ng mga Montemayor na buhay ako? Sila nga dapat ang matakot sa akin dahil sa ginawa nilang pagpatay sa akin?” naiinis ako sa aking kakambal, sayang lang ang pagiging navy seal nito kung gano’n kahina ang loob. “Brother, huwag na tayong magtalo at sundin mo na lang ang sinasabi ko para din naman ito sa inyong mag-ama.” “Fine! But I need to go out tomorrow.” “What time?” “Not sure, basta bukas lalabas ako at wala pang fix na oras.” “Okay fine! Use my car kunin mo na lang kay yaya ang key.” “Thank you, brother.” at agad kong pinatay ang tawag. Kinabukasan ay excited akong lumabas dahil gusto kong ipamili ng maraming gamit ang aking anak. Marami akong nabasa sa libro na kailangan ng baby boy ko, at bibilhin kong lahat iyon. Bago ako umalis ay mahigpit ang bilin ko sa yaya nito na alagaang mabuti ang bata or else sisante na ito pag muling nagkamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD