SOFFY POV.
Makalipas ang ilang araw ay kinabahan ako ng tawagin ni Kuya Dark.
“Baby, sumama ka sa akin dahil may kailangan kaming makumperma mula sayo.” wika nito sa seryosong pananalita. Kaya’t tahimik akong sumama sa kaniya at wala kaming kibuan habang patungo kung saan. Makalipas ang mahigit isang oras ay pumasok kami sa isang basement. Nagsimula na akong kabahan na may kasama na ring takot ng maulinigan ko ang kakaibang daing nang kung sino. Hanggang sumapit kami sa tunay na pakay ay napatakbo ako ng makita kong sino ang nakatali doon at may mga bahid ng dugo sa suot na damit. Ang hindi ko inaasahan ay ang dalawang tao na parehong pareho ng mukha, katawan at ang naiba lang ay ang kulay ng mga suot nitong damit.
“Sino sa kanilang dalawa ang tumarantado sa'yo baby?” sigaw nito na ang boses ay tila isang bombang sumabog habang nakatingin sa akin. Hindi pa man lang ako nakaka sagot ay isa pang malakas na boses ang narinig ko.
“Siya ba? Or itong tarantadong ‘to?” aniya pa na halos mangatal sa sobrang galit at nakita kong mahigpit ang pagkakahawak ni Kuya Delta sa panga ng isa.
“K-kuya, w-wala naman silang ginawa sa akin. Please pakawalan n'yo na sila.” wika kong nauutal dahil sa panginginig ng aking boses sa takot at pangamba sa maaaring gawin ng mga kapatid ko sa dalawang lalaki.
“Baby, huwag mong subukan na magsinungaling. Alam na naming apat ang ginawa ng isa sa kanilang dalawa. Kaya kong ayaw mong pareho silang masaktan pa ay ituro mo kung sino sa kanilang dalawa ang kasama mo noong gabi sa isla? Kitang kita ko ang galit ni Kuya Josh, kaya wala na akong nagawa at isa isa ko silang nilapitan.
“S-samantha," anas ng isa na narinig ko kahit bulong lang iyon ngunit malinaw sa aking pandinig. At nakakasiguro ako na ito ang kasama ko at umangkin sa akin. Ngunit hindi ko maaaring sabihin ang totoo sa mga kapatid ko kaya tinalikuran sko ito at lumapit ako sa kamukha nito.
“Baby," hirap nitong pagtawag sa akin kahit halos hindi ko na iyon narining pa ay alam kong ito ang kasama ko sa loob ng eroplano habang patungo kami sa isla na iyon.
“Who’s the responsible, baby Soffy?” wika naman ng mahinahong si Kuya Dark, ngunit muli akong umiling.
“Kalagan n'yo pareho ng tali ang dalawang yan at siguradong malalaman natin kung sino sa kanila ang tunay na salarin!” at sa narinig ko ay tuluyan na akong napatakbo sa dalawang lalaki para harangan ang gagawin ni Kuya Josh. Lalo na nang namataan ko ang double blade knife na hawak nito.
“Tumabi ka riyan, baby!” malakas na utos sa akin ni Kuya Josh, ngunit hindi ako nakinig bagkus ay lalo ko pang iniharang ang katawan ko sa dalawang nakahandusay sa sahig.
“Kuya Please, pakiusap huwag mong gawin sa kanila ang saktan silang muli.” ngunit bilang sagot nito ay sininyasan ang isang Kuya ko at agad na lumapit sa akin para ilayo ako doon. Saka nilapitan ang isa at malakas na hinila ang suot kaya napunit iyon.
“Hindi ikaw ang kaibigan ko! Delta, Dark, hawakan n'yo ang kamay nito, tingnan ko lang kung hindi pa aamin ang isa sa kanilang dalawa!” nahintakutan ako sa aking narinig. At plano ko na kumawala sa pagkakahawak ni Kuya Drake ng makita kong humarang ang isa pa para protektahan ang kakambal nito.
“H-hindi ako makakapayag na sisirain n'yo ang kamay ng kapatid ko! Isa siyang pintor at Athlete, ako na lang ang saktan mo Josh, dahil walang kasalanan ang kapatid ko. Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya niya nagawa ang bagay na iyon. Sa akin kayo dapat na gumanti at hindi sa kaniya!” sa narinig ko ay nasiguro kong ito nga ang kasama ko sa eroplano at ang lalaking pinoprotektahan nito na siyang tumawag sa akin ng Samantha ay ang pinag alayan ko ng sarili.
Umalis ka riyan Kenn!” malakas na sigaw ni Kuya Josh. At kasabay ng malakas na hablot nito sa tinawag na Kenn, kaya napahiwalay sa kapatid nito. At dahil sa takot ko ay tinipon ko ang aking lakas at nakakawala ako kay Kuya Drake. Subalit mabilis ang pangyayari dahil kasabay ng pagprotekta ko ay natabig ako nito at tumilapon sa gilid. Kaya't napapikit na lang ako sa kirot na naramdaman ko. At nang magdilat ako ng mata ay nakita ko na lamang na duguan na ito at nahihirapan magsalita.
“S-samanthan, I’m sorry babe." hirap nitong pananalita at sigundo lang ang lumipas ay napahiyaw ako nang lumaylay ang ulo nito. At ang sumunod ko na lang na namalayan ay nasa loob na kami ng ospital na pagmamay ari ng kaibigan ni Lolo twins. Hindi na rin nagtagal ay lumabas ang isang doktor kaya agad akong na patayo at lumapit dito.
“Doktor, kumusta po ang pasyente?”
“I’m sorry Soffy, ginawa namin ang lahat upang iligtas siya subalit sa dami ng dugong nawala sa kaniya ay hindi siya nakaligtas.” sa aking narinig ay agad kong tinalikuran ito at tinulak ang pintuan papasok sa loob. Saka ko niyakap ang katawan ni Kenn na wala ng buhay.
“Please, huwag mo kaming iwanan ng anak natin, pakiusap bumalik ka,” kinuha ko ang palad nito at dinala sa aking tiyan. Ang hindi ko alam ay naroon pala si Kuya Josh at nakatayo sa bandang likuran ko.
“Get out! Sisiguruhin kong makakukulong ka sa pagpatay sa kapatid ko, Josh Montemayor!” Hindi ako makagalaw ng bumagsak si Kuya Josh sa semento dahil sa malakas na sipang tumama dito mula kay Kenn. At namalayan ko na lang na hinihila na ako palabas ng pintuan. Ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay tila babagsak hanggang tuluyang nagdilim ang paningin ko.
THIRD PERSON.
Seven months later...
“Siguraduhin mong malinis ang gagawin mo, ayaw kong pumalpak ka. Tatlong milyong peso, pag nadala mo sa akin ang bata ay ipapasok ko agad sa account mo ang pera.” naninigurado kong pahayag dito.
"Makakaasa ka sir, kagaya ng dati ay walang makakaalam, malinis at walang sabit.” Narinig kong sagot ng aking kausap sa phone kaya naman napanatag agad ang loob ko at tinapos na ang pakikipag usap.
SOFFY POV.
Delivery room, malakas na iyak ng isang sanggol ang narinig ko. At bago pa ako pumikit ay naulinigan ko pa ang sinabi ng aking doktor.
"Congratulations, it's a healthy baby boy.” at kahit gusto ko pang dumilat ay hindi ko na nagawa dahil kinain na ako ng kamalayan at tuluyang nakatulog.
Few hours later...
"Baby Soffy, kumusta ang pakiramdam mo?" sa aking narinig ay tuluyan na akong nag mulat ng mata, bumaling sa aking nakakatandang kapatid na may malapad na ngiti.
"Ayos naman ako Kuya Josh, nasaan ang aking anak?" mabilis na hinahanap ko sa buong silid ang inaasam kong makita.
"Parating na raw, kaya hintayin na lang natin, sagot naman nito sa akin. At hindi nga nagtagal ay bumukas ang pintuan. Subalit napa kunot noo ako ng makita ang suot nito.
"Bakit nakasuot ng pink ang anak ko?" mabilis kong tanong sa nurse na may tulak ng crib. Nakaramdam ako ng inis dahil lalaki ang aking anak pagkatapos binihisan nila ang pambabae?
"Ma'am, syempre naman po dahil babae ang baby mo at napakaganda niya." lalo pang nag salubong ang aking kilay sa narinig na sagot nito sa akin.
"Imposible ang sinasabi mo nurse, may ultrasound akong pinanghahawakan at bago pa ako makatulog ay bumati pa sa akin si Doktora. Sinabi niya sa akin na lalaki at healthy ang anak ko," aniyang nakakaramdam na ng inis, posibleng nakaringgan lang ba ako?
"Baby Soffy, huwag mo ng isipin yon, tingnan mo siya ang cute at napakaganda."