SOFFY POV.
Ilang araw na akong matamlay at laging nahihilo kaya naman nagpasya akong magtungo sa isang ordinaryong clinic para doon magpa check up. Mas nakakasiguro ako na walang maaaring maka alam kung sakaling totoo ang aking hinala. At pagdating ko doon ay sinabihan ako ng doktor na magtungo sa OB Gynaecologist kaya naman sa narinig ay nakumpirma ko na ang aking kalagayan. Dahil gusto kong maka siguro ay pumasok ako sa room, gusto kong sa mismong bibig ng doktora ay marinig ko ang totoo. At makalipas ang ilang minuto ay kumpirmadong nagdadalantao ako. Habang pauwi ng mansyon ay malakas ang aking kaba, natatakot ako sa maaaring mangyari sakaling may makaalam sa tunay kong kalagayan. Lalo na ang quadruplets, hindi nila pwedeng malaman ang pagbubuntis ko. Kaya ngayon pa lang ay pinag iisipan kong mabuti kung aalis ako ng mansyon.
“Baby, kanina ka pa namin hinahanap saan ka ba nanggaling? Hindi ba at lagi kong sinasabi sayo na huwag kang lalabas na mag isa? Alam mo naman na delikado na ma expose ka sa labas.” sermon sa akin ni Kuya Josh. Alam kong tama ito kaya pinili ko na lang ang manahimik at huwag ng sumagot.
“Baby, may sakit ka ba?” narinig ko pang tanong nitong muli sa akin.
“Wala Kuya, medyo pagod lang ako.” iyon lang ang nagawa kong isagot dito dahil hindi ito titigil sa kakatanong kung mananahimik lamang ako.
“Sigurado ka ba? Medyo maputla ka at para kang pagod na pagod,” wika pa nito kaya naman agad akong kinabahan sa narinig, nahahalata na kaya ako ng kapatid ko?
“By the way, gusto mong sumama sa amin?” muli na namang tanong nito, kaya naman pinilit kong magmukhang masaya. Saka humarap dito at malapad ang ngiti na sumagot.
“Saan naman tayo pupunta Kuya?” mas dinagdagan ko pa ang lapad ng ngiti ko.
“Sa hacienda baby, mangangabayo kaya kong sasama ka ay magprepare ka na at aalis na tayo.” aniya kaya naman ay mabilis akong nag isip ng dahilan para hindi ito makahalata. Masyado pa naman itong matalino at nababasa agad ang akin iniisip. Kaya nga iwas na iwas akong tumingin sa mga mata nito habang nakikipag usap.
“Kuya, meron kasi akong pupuntahan na party mamayang hapon. Birthday ng kaibigan ko kaya hindi ako makakasama.” sinikap pa niyang magmukhang nanghihinayang para hindi na siya kulitin pa nito.
“Saan naman yon, at sinong kasama mo?” ika pa nito na tila nagdadalawang isip kung maniniwal sa sinasabi ko. Patay, talagang wala yata akong ligtas ang hirap talaga ng may kapatid na ganitong tinalo pa ang mga guwardiya sibil sa higpit.
“Baby, may sinasabi ka?” kunot noo na tanong na naman nito, kaya naman ay napapikit na lang ako at lihim na napapamura.
“Wala Kuya, ikaw talaga kung ano anong iniisip mo.” yumakap pa talaga ako dito para mawala na ang tamang duda nito sa akin.
“Okay, mag ingat ka at tatawagan ko si JM, para samahan ka doon.” narinig ko pang sabi nito kaya't hindi na ako nag reklamo. Nang makita kong hawak na ang mobile phone nito ay mabilis na akong kumawala sa pagkakayakap dito at tuloy tuloy na umakyat sa aking kwarto.
KENN POV.
Halos mabasag na ang eardrum ko sa lakas ng sigaw mula sa aking kakambal. Ayaw ko sanang sagutin ang tawag nito ngunit alam kong hindi ito titigil. Kaya naman ini-on ko ang tawag at ni-loudspeaker iyon. Halos umabot na yata sa kabilang kanto ang boses nito sa sobrang lakas ng eco.
"Umuwi ka ng bahay ngayon din!” sigaw pa nito sa akin na tila kulog sa lakas. Kahit nasa loob ng bulsa ko ang aking cellphone ay dinig na dinig ko ang pagmumura nito.
“Dito ka sa condo ko dumiretso at mag uusap tayo!” wika pa nito. Kaya naman dinukot ko ang cellphone at napipilitan akong sumagot at sinabing uuwi na. Makalipas ang halos kalahating oras ay nasa tapat na ako ng pintuan niya. At isang doorbell pa lamang ay bumukas na iyon, talagang naghihintay ito sa aking pagdating. Ang ginawa ko ay nilakihan ang aking hakbang at tuloy tuloy na akong pumasok sa loob. Subalit nang nakaupo na ako sa mahabang sofa ay napansin ko ang putok nitong labi.
“Anong nangyari sa mukha mo Kuya? Sinong nakaaway mo at pumayag ka na mapilasan ang makinis mong mukha?” biro ko pa dito.
“Anong ginawa mo kay Soffy ha?” bagkus ay iba ang tanong niya na kinabigla ko. Hindi man lang pumasok sa aking isipan na iyon ang itatanong nito sa akin.
“Bakit mo naman naitanong Kuya? Nakalimutan mo ba na kayong dalawa ang huling magkasama na nagtungo sa isla, ilang buwan na ang lumipas?” patay malisya ko pang sagot.
“Huwag mo akong sagutin ng katanungan din Kennedy! Ang tinatanong ko ang sagutin mo?” kitang kita ko sa mukha ng kapatid ko ang sobrang galit. Kaya naman wala na akong nagawa at inamin ko na ang totoo..
“Hindi ko siya aagawin sayo Kuya, kung iyon ang gusto mong itanong. Ngunit gusto kong malaman mo na paulit ulit ko siyang inangkin at pinagsawaan doon sa isla!” kalmado kong sagot pa dito.
“Shut up! Kennedy! At talagang nagagawa mo pang kumalma ng ganyan?” ang boses nitong nanggagalaiti sa galit ay lalo pang lumakas ang sigaw, halos naglabasan na rin ang mga ugat sa leeg sa tindi ng galit sa akin. At sa puntong iyon ay tuluyan nang nanariwa ang galit ko sa kaniya.
“Alam mo bang ang sarap niya, Kuya? Sigurado rin akong hindi niya ako makakalimutan, ano masakit ba Kuya Kenneth?” panggagatong ko pa sa galit nito. Dahil gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin noon.
"F*ck you! Asshole!” dinig ko ang nagngangalit niyang mga ngipin ngunit hindi pa rin ako tumigil.
“Masakit ba ang pag sawaan ng ibang lalaki ang babaeng pinakamamahal mo? We're even Kuya,” at malalaki ang hakbang na nilisan ko ang condo ng aking kakambal. Pagdating elevator ay hindi ko na napigilan ang matinding emosyon at tuluyang pumatak ang aking luha. Hindi ko na napigilan ang pag agos sa pisngi ko, nakakainis lang dahil kahit nakaganti na ako sa twin brother ko ay hindi pa rin pala ako masaya, Bagkus ay parang naulit lang muli ang sakit na ginawa sa akin noong pagsawaan nito ang aking nobya. At kahit limang taon na ang lumipas ay sariwa pa rin sa aking alaala ang lahat. Sa sobrang frustration ay nabaling ko sa wall ng elevator ang galit ko at iyon ang sinuntok nang sinuntok. Halos mayupi iyon sa lakas, kailan ba tuluyang maging manhid ang pakiramdam ko. At maging bato ang aking puso, bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nasasaktan.
A month later….
“What the hell is going on, Drake?” naririnig kong sigaw ng panganay na kapatid ko.
“Kuya, kumalma ka muna at hindi magtatagal ay malalaman din natin ang totoong nangyari kay bunso.” sagot naman ng Kuya Drake ko na pangatlo sa quadruplets.
“Bilisan nyo ang kilos at hindi ko palalampasin ang pangyayaring ito!” kitang kita ko ang sobrang galit sa mga mata ng panganay naming si Kuya Josh. At unti unti akong nakaramdam ng takot para kay Kenn. Alam kong hindi makakaligtas sa apat na kapatid ko si Kenn. Ang hindi ko alam ay paano nila nalaman na may namagitan sa aming dalawa sa isla ng gabing yon.