KABANATA 4

2197 Words
SINUNOD naman ni Mattheus ang lahat ng inilahad kong rules sa kanya. After all, malinaw kong sinabi sa kanya una pa lamang na may mga kondisyon ako. Our family relieved us from obligations for one month for our honeymoon. Mattheus’s family booked us in one of the luxurious cruise ships that will sail throughout Europe for our honeymoon. From Italy, pupunta kami sa bansa kung saan kami sasakay ng barko. Wala akong alam sa detalye dahil hindi ko naman masyadong inalam. Nakahalukipkip ako habang pinapanood si Mattheus na nakikipag-usap sa ilang kakilala niyang nakasakay rin sa same cruise ship. I don’t f*****g want to spend the next days with him in a cruise ship! Kung sa bahay nila—na bahay ko na ngayon ay nakakayanan ko pa dahil hiwalay naman kami ng kuwarto, alam ko ay iisang kuwarto lamang ang naka-book para sa aming dalawa rito. Nakatingin ako sa magandang tanawin mula sa barko. Hindi pa umaalis dahil may ilang sandali pa kaming hihintayin. Nag-isip ako ng paraan kung paano makakawala sa posisyon kong ito. A lightbulb appeared at the top of my head, giving me an idea. Nang hindi nakatingin si Mattheus sa akin, mabilis akong umalis sa kinaroroonan ko. There’s only two minutes left for me to execute my plan or I’ll be stuck with Mattheus for the next days. Mabilis ang aking lakad pero iniiwasan ko na pagsuspetiyahan ako. Nang makarating ako sa may entrance ng barko, mabilis akong bumaba, sakto lamang sa pag-alis ng barko. Nang mapagtanto ko na nakaalis nga ako sa barko, nakahinga ako nang maluwag. Hinarap ko ang enggrandeng cruise ship na ngayon ay dahan-dahan nang umaalis. Napangiti ako sa aking sarili. Mas lalo lamang lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang mga tauhan ni Mattheus. Nang makita nila ako ay tinawag nila si Mattheus para sabihing nakababa ako ng barko. Slowly, I saw Mattheus, staring at me. Ang kanyang titig ay lumalagpas sa suot niyang shades. Truthfully, Mattheus is one handsome man. He’s sinfully beautiful, and sometimes I think it’s unfair. Why would you give someone like him a goddamn good-looking face and a body that could make any woman salivate? I smiled at him sweetly and gave him a flying kiss. “Enjoy your solo trip, asshole.” I flipped him off bago ako umalis doon. I booked myself a flight going back to the Philippines. Hindi maalis ang aking ngiti dahil sa pagkawala ko kay Mattheus. Bukod pa roon, alam ko na napikon siya dahil natakasan ko ito. In the first place, hindi na naman kasi dapat sila nagplano ng honeymoon. Anong inaasahan nilang gagawin namin ni Mattheus? f**k, I don’t even want the image of that. Note to self: I will never let him touch me. I contacted Cosimo at sinundo niya ako sa airport. Sa condo ako umuwi dahil kapag nasa Pilipinas ako, mas gusto kong sa sarili kong lugar ako namamalagi. If I went to our mansion, makikita ko lamang ang dalawa kong kapatid. My brothers are too smart for their own good. Silver and Yvo are around 24 and 22, respectively, pero kung mag-isip sila, lalo na si Silver, mas mature pa sa akin. If you’re not going to ask for our age, iisipin ninyong ako pa ang bunso. Nagpahinga lang ako sa condo ko sa araw na iyon. Bukas, I have work to do. Papasok ako sa opisina. Mas gusto ko pang magbabad sa trabaho kaysa ang makasama sa iisang adventure si Mattheus. I can’t even stand him for one day, lalo na kung isang buwan. But s**t, pagbalik niya galing sa trip na iyon, makakasama ko na naman siya. That’s probably okay, kaya ko siyang iwasan. Hindi ko lang kakayanin kung nasa iisang cruise ship kami. I can pretend he doesn’t exist once he comes home. Nasa opisina na ako at nagulat ang ilan na makita ako. Still, they know better not to run their mouths or they’ll lose their jobs. Ayoko sa mga tsimosa lalo na kung ako ang pag-uusapan. “So, the news was right. You’re here, Ate Max. Why are you here instead of spending lovely days with your husband? Aren’t you supposed to be on your honeymoon?” I glared at him. Nakita ko ang kapatid kong si Silver na nakahilig sa hamba ng pintuan ko. Nakahalukipkip siya at seryosong nakatitig sa akin. He looks bewildered and confused, and he’s looking at me like I am some problem he needs to solve. “I let my husband to enjoy the honeymoon alone.” He can f**k the pillow. Hindi ako magpapahawak sa kagaya ni Mattheus. Tumayo nang maayos si Silver and he stride towards me. The coldness that surrounds him is a replica of my father’s aura. “I don’t understand you. What’s your reason for marrying him if the moment we put you in one room, you have this expression like you wanted to unalive him? Enlighten me.” Sumandal ako sa backrest ng office chair ko at humalukipkip. Tinaasan ko ng isang kilay si Sylvester. “I told you, it’s to help the family. Magulo pa ang Cosa Nostra. May mga agreements tayo sa ibang organisasyon kagaya ng sa De Crescenzo ngunit hindi natin sila hawak sa leeg, Silver. May pagkakataon na maaari nila tayong biglang talikuran. That’s why I told Dad to revised the agreements within the organization. Betrayal should be punishable by death. Hindi lang dapat umiikot ang agreements natin sa peaceful territory at trades. Dapat ang organisasyon na mayroon ang Cosa Nostra, nagkakaisa. Not just because of one goal. Especially for the De Crescenzo, they are cunning as fox, Silver. You know that—” “And you sacrifice yourself just to hold Mattheus on a leash? I thought you weren't someone who would do something like this—your words by the way, not mine,” pagputol ni Silver sa sinasabi ko. “I have my plans. Don’t meddle.” Nag-iwas ako ng tingin sa kapatid. Nagpanggap ako na may ginagawa kahit ang totoo, ayoko lamang tingnan si Silver dahil mababasa niya ang iniisip ko. I am out to destroy Mattheus’s life because he tried to destroy mine. Also, for justice for dear Dylan. I pity him. Nadamay pa siya dahil sa pangingialam ni Mattheus sa buhay ko. “Careful, sis. You know how dirty our world is. De Crescenzo family is no different than ours. If you bite them, they will bite you back. We will not let anything bad happen to you, that’s for sure. But I want you to be careful, especially if you live in the same house as him. Hindi sa lahat ng pagkakataon, nakikita namin ang galaw ninyo. I don’t want news of your death on my table.” Humalakhak ako sa sinabi ni Silver and this time I smiled at him, sardonically. “Aww, so sweet, my little brother. But if ever you’re going to receive news about death, it’s not my death. It’s him. I’ll be fine.” Matapos ng pag-uusap namin ng kapatid ko, umalis na siya. Inabala ko ang aking sarili sa trabaho. Gusto ko lang mawala ang isipin ko sa buhay na mayroon ako ngayon. Pinasok ko ‘to, paninindigan ko. Kailangan ko lang matapos ang paghuhukay ko sa mga ebidensya laban kay Mattheus, and while I am at it, why not try to dig deeper about his family’s dirt? For years, there’s a silent competition between my family and the De Crescenzo. Hindi pa man si Dad ang nakaupo sa posisyon niya, hindi na talaga nagkakasundo ang dalawang pamilya. The Cosa Nostra is actually just a front, para hindi magpatayan ang mga Sicilian Mafia na mayroon ngayon, but truth is, magulo pa rin ito dahil walang solidong agreement na nagsasabing dapat magkaisa ang lahat na miyembro nito. Kagaya na lang ngayon, De Crescenzo family tried to back up someone that’s a threat to our family at wala pa kaming magawa laban sa kanila dahil it’s their freedom. Walang nakasaad sa kasunduan na hindi nila pwedeng gawin iyon. But I believe, to have a better organization and harmonized Cosa Nostra that benefit us all, dapat hindi ganoon. Ang loyalty ng mga miyembro ng nasa Cosa Nostra ay dapat nasa organisasyon lang. Dad is trying to push an agreement about that since he’s the current head of it. Sana lang maging maayos at kung hindi naman, lahat ng bahong makukuha ko laban sa De Crescenzo habang asawa ako ni Mattheus, gagamitin ko laban sa kanila kung sakaling maging threat sila sa pamilya namin sa darating na panahon. May kumatok sa aking pinto kaya pinapasok ko. I was expecting one of my brothers, but it was Cosimo, my guard. “What is it?” tanong ko sa kanya at muling ibinalik ang titig sa aking ginagawa. May inabot siya sa aking mga dokumento na agad kong kinuha. “More information about Elena Marozzo, Mr. De Crescenzo’s rumored ex-girlfriend.” Tinanong ko naman si Mattheus noon kung may girlfriend ba siya because I don’t want to marry him with someone who was still clinging to him, but he answered me none…so I assumed they really broke up or maybe they don’t have that kind of relationship. Well, by the looks of Mattheus, halata naman sa kanya that he’s someone who wouldn’t settle for a serious relationship. “Thank you,” sabi ko kay Cosimo at umalis na rin siya. Nang maiwan akong mag-isa sa opisina ay mabilis kong binuksan ang folder at tiningnan ang kung ano mang nakapaloob doon. Elena Marozzo. Occupation: Model. Nationality: Italian-Filipino. She’s half Italian and Filipino. She grew up in the Philippines at mukhang nagkakilala sila ni Mattheus when they are both in college since pareho sila ng school na pinasukan. She went to France for her dreams and is now one of the highest-paid models in our generation. Interesting. Isa sa mga pinamamahalaan kong kompanya ay ang fashion company namin. We acquire this business not so long ago, out of spite from the former owner. Dapat ipapasara na rin ito dahil wala naman sa mga kapatid ko ang gustongg humawak dito, until I stepped up and told my dad I’ll handle it. Maganda rin naman ang pasok ng pera sa fashion industry and it’s a good front to hide our dirty and illegal businesses. But Elena…I never heard of her, or maybe I don’t really care. Wala akong pakealam sa ibang models if they are not our talents. I flipped the pages at pinagmasdan pa ang mga impormasyon kay Elena. I almost choked on my saliva when I saw a picture of Elena and Mattheus together. Cosimo is doing a great job digging for info about them. If only he can dig on the man himself—Mattheus, hindi na ako papasok sa sitwasyong ito. She’s really pretty. I don’t know why she hung out with someone like Mattheus. I think she deserves much more. Isinara ko ang folder at ibinagsak iyon sa aking lamesa matapos kong basahin ang mga impormasyong naroroon. Sumandal ako sa aking kinauupuan at tumingin sa kisame ng opisina ko. Now, what? I thought marrying the asshole would give me satisfaction because I would enter his life and see a part of him that the world wasn’t able to see, and I will expose him. But I haven’t felt any gratification from this. f**k! Napapaisip tuloy ako kung tama ba ang desisyon ko. I was too enthusiastic when I heard Tati’s suggestion and I thought this will be easy. The win-win statement lang ata ang pinakinggan ko. Anyway, there’s still time na makapag-isip kung anong gagawin ko. Mattheus wouldn’t be home for a month. I can still taste my freedom before he comes back. It’s been a week simula nang hayaan kong maglayag si Mattheus na mag-isa. So far, parang wala pa talagang nagbabago sa buhay ko. Hindi ko pa nararamdaman. Hindi ko rin sinusuot ang wedding ring ko. Aside from the reason that it’s an eyesore for me, it’s getting in my way. Medyo may kabigatan iyon dahil sa carat na mayroon ang singsing. I heard the De Crescenzo spent millions of dollars just for my wedding ring. Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ko nang makaramdam ako na tila ba may mga matang nanunuod sa akin. Am I having a f*****g sleep paralysis now? I tried to open my eyes, and I successfully did it. Madilim ang kuwarto ko at tanging liwanag mula sa bintana ang nagbibigay liwanag dito. Tiningnan ko ang direksyon kung saan pakiramdam ko ay may nanunuod sa akin at halos mapatalon ako sa gulat when a pair of dark and haunting eyes were staring directly at me. “Hi, wife. Miss me?” Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko. I looked at him, wide eyes and incredulous. “M-Mattheus?” Akala ko ay nananginip lamang ako na nakikita ko siya but when he gave me his infamous smirk, I know I wasn’t dreaming. “If you thought you could get rid of me that easily, I want you to think again.” The moment he stood up, my heart dropped. I know danger when I encounter one, and this is one of them. Mattheus is the danger himself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD