AKALA ko magiging payapa ang buhay ko. Maayos na ang relasyon namin ni Mattheus. Bukod sa hiwagang bumabalot sa pagpatay kay Dylan, wala na akong problema ngayon. Sabi ko sa sarili ko, kakausapin ko mismo si Mattheus tungkol kay Dylan kapag nakahanap ako nang maayos na pagkakataon. Nagtatalo pa rin kami ni Mattheus. Siguro ay hindi na iyon mawawala sa amin, but every time we argue, it will always end up in making love—or hate f**k. Depende sa naging sitwasyon at lebel ng pag-aaway naming dalawa. Overall, masaya ako. Hindi ko alam kung kailan ko huling nakitang ganito ako kasaya. Lagi mang may nakapagkit na ngiti sa aking labi rati, madalas ay hindi naman iyon totoo. My heart is at ease right now. I was humming a song while dancing to it, sa sobrang kasiyahan ko. Natatawa ako sa sarili.