MASAYA ang naging araw namin ni Mattheus. Nag-swimming kami kanina, ginawa ang mga activities na ino-offer dito sa beach, at kung ano-ano pa. Minsan ay nakakasama namin sina Vito at Samuel, pero iba pala talaga ang ugali nila kapag off sila sa duty. Sobrang babaero rin ng dalawa. Well, hindi rin naman maipagkakaila na magagandang lalaki sila kaya kung sino-sinong babae ang sumasama. Naalala ko na parang close sila Mattheus at sina Samuel pati Vito. Outside of their obligations, parang hindi lang basta tauhan ang trato ni Mattheus sa dalawa. Nag-set kami ng bonfire ni Mattheus malapit sa shoreline. Low tide na ngayon at hangga’t maaari ay pinagbabawalan na ang mga guest na pumunta sa dagat dahil delikado. Since ayaw pa naming pumunta sa room namin at wala naman kaming ibang gagawin doon k