Ilang beses akong nag-dial sa cellphone ko ng numero ni Shayne nang umagang 'yon. Pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nagtataka man ay hindi na ako umulit pa. Maybe she is busy or naka-silent mode na naman as usual ang cellphone niya. O baka naman 'di pa rin siya mahilig sumagot ng tawag na 'di niya kilala ang numero. Naglalakad ako papunta sa next class ko ng maisipan ko siyang tawagan. Kasabay ko kanina si Xenon sa paglalakad pero may tumawag sa kanya kaya naiwan akong mag-isa at 'di na siya hinintay pa. I didn't see her around the university. Kahapon ko pa siya tina-timing-an sa school pero hindi ko makita kahit anino niya. I was a bit shy to ask Hanziel sa whereabouts ng kapatid niya. Nag-aalangan akong magtanong sa kanya baka kung ano ang isipin niya sa akin. Hindi naman k