"Happy birthday, babe," bulong ko sa hangin habang nakatitig ako sa cake na binili ko sa Gintong Kandado. Mocha flavor ito at paborito ng aking mahal. Naalala ko kung paano siya matuwa kapag pinapasalubungan ko siya ng cake galing sa bakeshop na 'yon. Sayang, hindi niya makikita 'tong binili ko. Sinindihan ko na ang kandila nang maramdaman ko ang paghila ni Zion sa t-shirt ko. Nakalimutan ko pala na kasama ko siya at kanina pa naiinip na makain ang cake. Nakaupo siya sa highchair at takam na takam sa cake na nakalapag sa lamesa. It's his favorite too. Lahat na nga lang nang magpapaalala sa akin kay Fionah ay taglay ni Zion. Kaya ang hirap mag-move on noon, pero hindi ko pala kailangan mag-move on dahil buhay ang babaeng dahilan ng kalungkutan ko. "I'll just make a wish, baby. Then, we