Kinabukasan pagkatapos ng birthday ko ay pinilit ko na si Xenon na puntahan namin ang doktor ko at tanungin kung tuluyan na ba akong magaling. Nang una ayaw niya at tila yamot pa siya na atat akong makabalik ng Pilipinas. Subalit nang makita niyang nagtatampo ako sa kanya at kibuin-dili ko siya ay saka siya nagpasyang puntahan namin ang doktor ko. Heto nga at papunta na kami sa opisina ni Dr. Whesley at kakausapin namin ito upang ikonsulta ang aking kalagayan. "Hi, I'm glad you came back, Fionah," masayang bulalas ng matanda nang sumungaw kami sa pintuan ng kanyang tanggapan. Filipino ang doktor na 'to at matastas din magsalita ng Tagalog. Isa siya sa magaling na surgeon dito sa Ohio. "Hello po, Dr. Whesley," masayang bati ko sa doktor. Nauna na akong humakbang palapit sa kanya at naka