Naisipan kong gumala habang hindi pa nag-uumpisa ang klase ko. Nagpaalam ako kay Xenon na lilibutin ko lang ang Hanzford University. Pumayag naman siya kahit nag-aalinlangan siya noong una na payagan ako. Gusto ko lang makita kung ano na ang mga nagbago rito ng mawala ako. Napansin ko na marami nga ang nagbago. Dalawa na ang covered court at marami na ring stall ng iba't ibang klase ng pagkain. May mga bagong building din na mukhang kakatayo lang at nadagdagan ng isang pool sa bandang hilaga. Ang ganda ng HU, parang ang sarap lang talaga mag-aral dito. Good thing, nakabalik ako at mas lalo kong pagbubutihin ang pag-aaral ko para makapagtapos na magna c*m laude. Pumunta ako sa madalas kong tambayan kapag breaktime. Naupo ako sa bench at pinagmasdan ko ang mga puno ng narra na mukhang mat