Wala na akong pinagsabihan pa ng tungkol kay Fionah. Ang kaibigan kong si Dream at Nico ay ayaw naman maniwala kaya tinikom ko na lang ang aking bibig. It's better this way, wala muna akong pagsasabihan. Hindi ko maisasagawa ang imbestigasyon ko kapag may sinabihan akong tao. Kailangan ko muna makasiguro sa mga binabalak ko. Mahirap magtiwala kahit kanino lalo na at nasa malapit lang ang salarin. Pati kina Papa at Mama ay wala akong binanggit. Maging sa kapatid kong si Shayne na sobrang close kay Fionah ay hindi ko rin sinabihan. Mas konti ang nakakaalam, mas makakagalaw ako ng maayos ng walang masyadong iisipin. Inayos ko ang suot kong reading glasses. Pagkatapos ay inilipat ko sa susunod na pahina ang binabasa kong dokumento. Narito ako sa opisina ni Papa at ni-re-review ang mga bag