"What's the matter with you, Ziel? Bakit lasing na lasing ka na naman na umuwi?" sita sa akin ni Papa sa akin nang makita niya akong pasuray na sumungaw sa main door. Nakita ko siyang nakaupo sa sala at nakaharap sa kanyang laptop. Hatinggabi na puro pa rin trabaho ang kanyang inaatupag. May panahon pa ba siya para magpahinga? "Nagkayayaan lang po kami nina Nico at Dream," I answered, kahit hindi naman totoo. I got drunk alone. Sa condo lang naman ako nag-inom. Nang makaalis si Fionah ay muli akong umakyat ng condo ko at doon ay ibinuhos ko lahat sa alak ang galit at inis ko kay Xenon. Mabuti at hindi ako nagwala roon, tumangis lang ako ng tumangis hanggang sa kumalma ang aking damdamin. Damn him! Itinago na nga niya si Fionah sa akin ng mahigit sa isang taon, tapos ano? Pagbalik niya