"Salamat, Ziel. Pasensya na sa abala. Sana sa clinic mo na lang pala ako dinala para 'di ka na naabala," ani ko lay Ziel habang pababa kami ng condo niya. Nakasakay kami sa elevator at tahimik lang siyang nakapamulsa sa gilid. Naalala ko na pwede naman na sa clinic niya ako dalhin. O kaya naman ay tinawagan na lang sana niya si Xenon para ipaalam ang kalagayan ko. But I think that's not a good idea. Hindi sila in good terms lalo na at ayaw sa kanya ng boyfriend ko. Panay niya ngang binabara si Ziel noon kapag lumalapit siya sa akin. Sana magkasundo na sila ngayon lalo na at may karelasyon at anak naman na si Ziel. Hindi naman na siguro siya mangungulit sa akin kagaya noon dahil may anak na siya at nobya. Samantalang ako naman ang nobya ni Xenon. Hindi na siguro sila magbabangayan at s