Hindi naman gaanong sunog ang niluto kong kanin. Medyo sunog lang sa may bandang ilalim kaya pwede pang kainin. Binalikan ko kaagad si Ziel sa kwarto ko at sinipat kung ayos lang ba siya sa pagkakahiga niya sa kama ko. Nag-aalala ako na baka mahulog siya dahil makipot ito para sa kanya. Naglasing ba siya dahil sa akin? Obviously yes. I hurt him and I don't know kung paano ko ba mapapalis ang nadarama niyang sakit. Hindi ko rin alam dahil hindi ko alam kung paano ko siya aaluin. Tinanggal ko ang sapatos at medyas na suot niya. Sinunod ko ang uniform niya na polo. Pawis na pawis na kasi siya at nangangamoy alak ang kanyang suot. Itinira ko ang suot niyang puti na sando. Pagkatapos ay tumayo ako upang sindihan ang bentilador. Hindi ko na tinanggal ang suot niyang pantalon dahil nahihiy