"NGINGISI-NGISI ka pa diyan!" Ingis na muling bigwas ni Angel kay Onofre. Hindi lang talaga mapigilan ni Onofre na mapabungisngis sa hitsura ni Angel. Lalo at halos mamula na ang mukha nito sa galit. "Anong ginagawa mo rito?" Galit pa ring puna sa lalaki. "I should be the one to asked you that?" Mabilis namang sabad ni Onofre. "Anong ginagawa niyo rito?" Maang na dagdag pa lalo na at kilala ang babaeng kasama ni Angelic. Ito ang yaya ng mga anak ng kaibigang si Direck. "You're Haidee, right?" Baling pa sa isang babae na kapareho rin ng gear gaya ng kay Angel. Kapwa tahimik na nakaupo lang sa kanila ang mag-asawang may-ari ng unit na kinaroroonan nila. Tahimik lamang si Haidee at hindi sinasagot ang tanong ng lalaki. "Gusto niyo ba ng kape?" Basag na tanong ng babaeng may-ari ng unit