NABIGLA SI Onofre sa biglaang pagyakap sa kaniya ni Angel. Lalo na at tila biglang umakyat lahat ng dugo dahil sa pagkakadikit ng balat nila. Sa totoo lang ay iba si Angel. Kakaiba ang hatid nito sa kaniya na maging ang pagbabalik ng dating kasintahan ay tila wala siyang pakialam. Hindi niya nga lubos maisip na halos magpakamatay siya sa pag-iwan sa kaniya sa ere ni Cheska. Pero ngayon ay parang wala na iyon dahil sa babaeng nasa kaniyang harapan at si Angel iyon. Napalunok pa siya bago tuluyang lumapit kay Angel at hinawakan ang magkabilaang braso nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala ngunit imbes na tumigil ay mas lalo siyang naenganyo sa mapupula nitong labi kaya hindi na niya napigilang halikan ito. Nanlaki ang mata ni Angelic nang tuluyang angkinin ng lalaki ang kaniyang labi.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books