"ANGEL!" Bulalas ni Onofre ng makilalang si Angel ang intruder ng kaniyang opisina. Ngunit papaanong mangangahas itong pasukin ang kaniyang opisina at ano ang motibo nito. Mabilis na pinangko ang dalaga saka inihiga sa isang sofa sa sulok ng kaniyang opisina. Matapos ilapag ito ay tulog pa rin ito. Umupo na lamang siya sa kaniyang upuan habang hinihintay itong magising. Habang tinititigan ang tulog na tulog na babae ay naglalaro sa isipan kung ano ang motibo nito. Bakit nagawa nitong pasukin ang kaniyang opisina ng walang kahirap-hirap. Maya-maya ay nakita niyang gumalaw ang babaeng nasa sofa kasunod ng pag-iinat pa nito na tila kagigising lang sa umaga. Nang idilat nito ang mata saka ginala ang paningin ay doon ito bumalik sa reyalidad. Nakita niyang mabilis na bumalikwas ito. May kadi