KAPWA SILA natitigilan sa narinig na kalabog buhat sa bubungan ng bahay na kinaroroonan. Nakikiramdam sa paligid at nang maya-maya ay narinig sila ng ilang kaluskos sa bubong tanda na hindi bagay ang nahulog roon. Maaaring tao o hayop dahil tila gumagalaw ito. Mabilis na dinampot ni Haidee ang punto kuwarenta y singko na baril nito habang mabilis namang hinanap ni Angelic ang drawer kung saan nilagay ang kaniyang baril. Kapwa na sila armado ng baril ng siyasatin ang bagay na nahulog sa kanilang bubungan. Mabilis nilang kinuha ang hagdanan na nasa gilid upang magamit sa pag-akyat sa bubungan. Agad na umakyat si Sundee. Kahit may galos ang kasamahan ay maliksi pa rin ito ngunit maya-maya ay sumenyas ito sa kaniya. Napatigil siya sa pagsunod rito. "Back-up-an mo ako. Mukhang tao.." bulong