Maxine Avila’s POV
“Mama! Margaux!” hagulgol ko habang tuluyan nang binababa ang mga coffin ng mga pinakamamahal ko six feet below the ground.
Alas dos na ng hapon at hindi pa rin ako nakakain. Hindi ko na kasi ramdam ang gutom at pagod. Mas ramdam ko ‘yung sakit ng puso ko dahil sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay. Pati langit ay nakisama dahil kasabay ng pagpatak ng masaganang luha ko ay nagsimulang umambon dito sa memorial center kung saan namin hinahatid sa huling hantungan ang pamilya ko.
Hanggang sa tuluyan nang naibaba ang kabaong nila Mama at Margaux. Napayakap na lang ako sa bestfriend ko na si Klea habang pinapanood ang mga sepulturero na tinatabunan ng lupa ang mga coffin. Sobrang mugto na ang mata ko kakaiyak. Hindi pa rin matapos tapos ang iyak ko. Mas masakit ngayong araw kesa noong nilalamay ko pa sina Mama. Ngayon kasi mas ramdam ko na talaga na kapag uwi ko ng bahay mamaya... mag-isa na lang ako.
Naramdaman ko na lang ang masuyong himas sa likod na kahit paano ay nakapagpagaan ng loob ko.
“Maxine, kaya mo ‘yan.” Paulit-ulit ko pang naririnig ng ilang kamag-anak ko. Pero sa sarili ko ay alam kong hindi ko na kakayanin kapag matapos mailibing ang ina at kapatid ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin.
At tuluyan na ngang nailibing sina Mama at Margaux. Hanggang sa unti-unting nagpaalam sa akin ang mga dumalo sa libing. Mga kamag-anak sa side ni Mama at Papa lalo na ang mga matagal ko ng hindi nakita. Ang iba ay nagpa-abot ng sobre na may lamang pera— tulong para sa akin.
Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang mga pera na ibinigay sa akin. Kung ilang araw ako mapapakain no’n. Kung hanggang saan ako makakapag-aaral. Sana naman ay aabot ng isang buwan na panggastos iyon. Meron rin naman akong aasahan na pera mula sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Mama. Lalakarin ko pa na makuha ang benefits nito para maibigay sa akin.
“Max,” biglang lapit muli sa akin ni Klea na hinagod pa ang likod ko. “Gusto mo ba na ihatid na kita sa bahay mo?”
“Salamat, Klea. Pero gusto ko munang makasama sina Mama. Mag-stay muna ako dito.”
“Gano’n ba? Kailangan ko ng mauna, Maxine.”
Ilang sandali lang ay umalis na si Klea. Labis ang pasalamat ko sa kaibigan na hindi ako iniwan. May pasok din kami bukas sa school. Isang linggo na nga rin akong hindi nakapasok ng school. Nagpadala naman ako ng excuse letter at bukas ay kailangan ko na rin pumasok dahil mas mahirap kung marami akong hahabulin na lessons. Pasalamat na rin ako dahil si Klea ay kahit paano ay nagsasabi tungkol sa mga inaral namin. ‘Yon nga lang ay parang wala rin na pumasok sa isip ko.
Kailangan ko talaga na mag-aral ng mabuti. Kailangan kong makatapos ng pag-aaral. Iyon ang naisip ko, kesa sa maghinto. Bahala na kung saan makahanap ng part-time job. Ang matitirhan ko lang ang problema ko. Seven thousand a month a bayad sa upa at hindi ko na kakayanin na tumira doon. Bukod sa dahilan na pera, sa tingin ko mahihirapan akong maka-move on kapag doon uuwi gabi-gabi. Parang mahihirapan akong makapagpatuloy at lagi ko na lang maaalala ang pagiging ulila ko. Wala pa rin na kamag-anak na nag-offer na kupkopin ako. Hindi ko rin gustong makitira sa kamag-anak dahil halos hindi ko sila close.
“Ate Maxine...”
Bigla naman akong napalingon sa tumawag mula sa likuran ko. Hinarap ko agad ito. Nagulat na lang ako nang makita na narito pa si Ethan. Halatang umiyak rin ito dahil bahagya pang namumula ang mata ngayon. Ang lungkot lungkot ng mukha nito.
“Ethan, akala ko ay nakaalis ka na.”
Hindi ko na kasi ito napansin pa dahil ang atensyon ko ay nasa kina Mama pa. Though kanina ay nagpaabot ito ng pakikiramay. At ako rin naman. Pareho kaming nawalan ng mahal sa buhay.
“I-i need to go...” naramdaman ko na kulang na lang ay mabasag ang boses ni Ethan. He really loves my sister. I just hope na maka-move on ito agad. Sayang, hindi man lang nagtagal ang relasyon nila ni Margaux.
“S-salamat, Ethan, sa pakikiramay. Salamat din dahil sa maikling panahon ay naging masaya ang kapatid ko sa piling mo.”
“Salamat din, Ate. Kasi tanggap mo ako para sa kapatid mo.” Pilit lang ang ngiti na pinakawalan ni Ethan. “What are your plans now?”
Natigilan ako sa tanong ni Ethan. Bumuntong hininga ako sa sabay talikod dito at muling tumingin sa puntod nila Mama. Humakbang ako paatras at pinantayan ang tayo ni Ethan. Ngayon ay magkatabi na kami na nakatingin sa hantungan.
“H-hindi ko pa talaga alam Ethan. B-basta kailangan kong magtapos ng pag-aaral. That’s my priority. Bahala na kung saan makahanap ng part-time job na malapit lang sa school. Hindi ako pwedeng mag-give up dahil wala na akong masasandalan ngayon. Hindi na rin ako pwedeng tumira sa bahay. Bukod sa mahal ang upa ay baka hindi na ako makabangon sa lungkot.” Mahabang sabi ko kay Ethan.
“If you need a job, Ate Max. I can help you.”
_ _ _
NAPAKUNOT ang noo ko nang may huminto na magarang sasakyan sa tapat ko habang nag-aabang sa kanto para sunduin daw ni Ethan. Alam kong hindi bababa sa ten million ang halaga ng kotse na ‘to.
Araw ngayon ng linggo. Nag-text kasi sa akin si Ethan at sinabing on-the-way na raw ito. Sinabi ko naman na dito na lang ako sa kanto maghihintay sa kanya para hindi na mapalayo. Eskinita pa kasi ang bahay namin at baka mahirapan nitong matunton. Siyempre, lihim na relasyon lang ang meron sina Ethan at Margaux kaya hindi pa ito nakapunta sa bahay namin ever since.
Biglang kumabog ang dibdib ko nang mapansin na hindi pa umusad ang magarang sasakyan kahit wala naman na sasakyan sa harapan nito. Napatingin ako sa paligid at ako lang ang nakatayo dito sa kinaroroonan ko. Napahalukipkip na lang ako sa shoulder bag ko dahil sa takot. Ang dami pa naman na masasamang loob ngayon. Tinted ang bintana ng sasakyan kaya hindi ko maaninag ang loob kung sino ang sakay no’n.
Baka kidnapper at akalaing mayaman ako. O baka ito ‘yung nababalitaan ko na modus ng ibang masasamang loob na kukunin ako at ibebenta ang kidney? Mas lalo akong kinabahan dahil sa naiisip. Pero imposible eh, baka ang may-ari pa ng sasakyan ang kidnapin sa mahal ng kotse nito. Kung saan-saan na naka-abot ang imagination ko dahilan para mahirapan na akong makakilos dahil sa paninigas ng tuhod ko.
Mas lalo pa akong natuod sa kinatatayuan nang bumukas ang pinto ng sasakyan.
“E-ethan?” ako lang ang nakarinig sa sarili kong boses kasabay ng pagbuka ng ng bibig ko at panlalaki ng mata ko. Kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ko na hindi masamang tao ang nasa loob ng sasakyan.
Saan galing ang sasakyan nito? Nanghiram pa ba ito? Alam ko na base sa itsura ni Ethan ay maykaya ito. Pero ang magkaroon ng ganitong kagarang sasakyan ay pang-bilyonaryo lang ang nakaka-afford.
“Ate Max!” Masayang bati sa akin ni Ethan. Pero ‘yung mata nito ay malungkot. “Kanina ka pa naghihintay?”
“Hah? Ahh, ehhh... H-hindi naman.” Nauutal na sabi ko. Sadali ko lang siyang tiningnan sa mata at na-focus na ang atensyon ko sa sasakyan nito. “Sasakyan mo?”
“Uhm... Yes, ate. Halika na at para madala na kita sa bahay.”
Wala sa sarili akong napatango na lang kay Ethan. Kinuha nito ang dala kong gamit na nakalapag. Isang maleta iyon at dalawang backpack. Nakalagay ang mga damit ko at ilang importanteng dokumento.
Matapos kasi ang libing nila Mama ay nagulat na lang ako sa offer sa akin ni Ethan. Offer na hindi ko matanggihan dahil sobrang convenient sa akin. Inalok lang naman ako ni Ethan na gagawin niya akong assistant niya. Doon na lang daw ako tumira sa bahay niya dahil may kwarto naman ako na pwedeng matulugan. Malapit lang din iyon sa university na pinapasukan ko.
Nang una ay nag-hindi pa ako sa offer ni Ethan. Hindi ko naman kasi ito lubusan na kilala para sumama sa lalaki. Parang ang sagwa rin na sasama na lang ako basta-basta. Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak ko? Sabagay ay kung ano man ang sasabihin ng iba ay hindi na mahalaga. Kailangan kong buhayin ang sarili ko at hindi naman ako matutulungan ng mga kamag-anak ko. Ayoko rin na maging pabigat lang.
Pumayag ako sa alok ni Ethan sa ilang kumbinsi lang. Sabi nito sa akin ay gusto niya raw akong tulungan dahil kapatid ako ni Margaux. At iyon na lang ang tangi nitong magagawa para sa namayapang girlfriend. Huwag din daw akong mag-alala at may kapalit naman ang pagtulong niya... iyon nga ay ang gagawin akong assistant para raw sa trabaho niya.
Bahay lang naman daw ako at konting reports at kapag may iutos si Ethan. Pwede rin naman daw akong tumulong sa gawaing bahay kung gusto ko. Kapalit no’n ay ang tuition ko at syempre ay accomodation at pagkain at allowance. Pumayag ako kasi dahil pagtatrabahuhan ko naman. At least galing sa pagod pa rin. Ayoko naman kasi basta manghingi ng tulong ng walang kapalit. Sa tingin ko ay mataas ang posisyon ni Ethan sa pinapasukan nitong trabaho. Baka manager ito at malaki ang sahod.
Hindi na ako nagkaroon ng chance na tanungin si Ethan sa iba pang detalye dahil biglang may tumawag dito at kinailangan na umalis. Hindi na rin kami nagka-usap pa sa cellphone at kahapon ay nagulat na lang ako nang nag-text ito na susunduin ako. Mabuti na lang at nakapag-empake na ako ng kaunting gamit na dadalhin ko. Naging busy rin kasi ako sa paghahabol sa lectures sa school.
Ang problema ko lang ay ang set-up kapag doon na ako nakatira sa bahay ni Ethan. Hindi ko alam kung itong si Ethan ay naka-bukod na ba sa magulang. O kaya naman ay may kasama pang iba. Ayoko rin na mapagkamalan ng girlfriend nito, naiisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako. Hindi ko yata kayang tuksuhin sa naging boyfriend ni Margaux.
Nagpaalam na rin ako sa may-ari ng inuupahan ko na gagamitin ko na ang deposit ng renta para hindi na ako magbayad pa ng upa. Ang mga gamit ko na naiwan ay nag-offer naman ang isa kong tita na ilalagay muna sa bodega nila. Hindi naman karamihan ang appliances namin. Ang TV at ref ay pinabebenta ko na lang para magkaroon ako ng pera. Pati na rin ang ibang gamit at furnitures rin gaya ng sofa ay pwede pang ibenta.
Naisip ko kasi na kapag nakatapos na ako at naka-alis na sa poder ni Ethan ay kukuha na lang ako ng kwarto para maging tirahan habang totoong nagtatrabaho na. Sa ngayon at titiisin ko muna ang isang taon ng magiging part-time na assistant ni Ethan. Isang taon lang.
“Kumain ka na ba, Ate?” tanong ni Ethan.
Narito na kami sa loob ng sasakyan at nagda-drive na si Ethan. Bigla akong nanliit sa sarili kong nakasakay sa ganitong klaseng sasakyan. Pati pagsuot ng seatbelt ay hindi ako marunong at si Ethan pa ang nagsuot sa akin. Gusto ko nga na itanong kung paano siya nagkaroon ng ganitong kagara na sasakyan pero bigla akong nahiya at baka offensive pa ang tanong ko.
“Oo, Ethan. Ikaw?” Lumingon ako kay Ethan na seryosong nagmamaneho.
“Yeah,” Tinapunan ako ng tingin ng lalaki. “Kumain na ako ng breakfast with my siblings.”
“May mga kapatid ka? K-kasama mo ba sila sa bahay?” Tanong ko habang sa kalsada na ang tingin.
“Yes, ipapakilala kita mamaya.”
Bigla naman akong natahimik. Parang kinabahan ako bigla sa iisipin ng mga kapatid nito. Baka akalain pa na nakipagtanan ako.
“Don’t worry,” sambit ni Ethan. Nilingon ko ito. “They know na may dadalhin ako sa bahay. Nakilala na nila si Margaux at sinabi ko na kapatid ka niya. Hindi ko lang nasabi sa daddy ko dahil busy siya at halos hindi kami nagkita ngayong linggo na ito.” Sambit naman ni Ethan na parang nabasa ang nasa isip ko.
Gusto ko pa sana na magtanong, pero naisip ko na mamaya na lang kapag nakarating na sa bahay nito.
Hanggang sa ilang sandali lang ay pumapasok na kami sa isang kilalang village. Kumunot pa ang noo ko. I know this place. Lugar ito ng mga mayayaman. Bigla na akong nagduda kung gaano ba kayaman si Ethan. Mukhang hindi lang ito basta maykaya kung dito ito nakatira. Pero hindi ako kumibo hanggang sa huminto kami sa isang masyon. No! Hindi ito mansyon. Palasyo. Parang nasa palasyo ako. Narito pa lang kami sa gate at makikita na ang nagsusumigaw na karangyaan ng hinintuan namin. Kitang kita ko dahil iron fence ang gate at makikita ang loob.
Hanggang sa bumusina na si Ethan. Doon ko lang napansin na pigil ko na pala ang paghinga dahil sa paghanga sa mala-palasyo nitong bahay.
“We’re finally here.”
Napalingon na lang ako kay Ethan na nakatiingin pala sa akin.
“B-bahay mo ‘to?”
“My dad’s house.” Tipid na ngumiti si Ethan. “Hindi pa naman kasi ako bumubukod.”
So hindi lang maykaya si Ethan. He’s rich. No. Not rich. Super rich. Hindi ko ine-expect na ganito ito kayaman.
Ilang sandali lang ay bumukas na ang gate at pumasok na ang sasakyan sa loob.
Inalalayan pa ako ni Ethan na bumaba.
“Ipapakuha ko na lang ang gamit at ipapadala sa kwarto mo.” Sambit ni Ethan matapos bitawan ang kamay ko. Dala ko na lang ang shoulder bag ko.
Wala naman ang atensyon ko sa sanasabi nito dahil busy ang mata ko sa paglibot sa paligid. Hanggang sa hinawakan ako ni Ethan sa may braso.
“Halika, Ate. Ipapakilala kita sa daddy at mga kapatid ko.”
Hanggang dinala ako ni Ethan hindi papasok sa mansyon kun’di sa malawak na hardin. May fountain pa sa gitna kaya sobrang namangha ako. Nagpatianod na lang ako kay Ethan hanggang sa makita namin ang isang kumpol ng tao na nakaupo sa isang round table. Parang may meeting nga. Mukhang may ibang bisita si Ethan na mga kabataan.
“That’s my siblings.” Huminto kami sandali ni Ethan sa paglalakad. “Marami kasi kami.”
Napanganga naman ako. Kapatid niya lahat iyon? Ang dami nila. Hindi ko pa mabilang mula dito sa kinatatayuan namin.
“L-lahat yan?” Alanganin akong ngumiti. “Ang dami mo palang kapatid. May twins ba d’yan or triplets?”
“None. Isa-isang niluwal ni Mommy. Siyam kaming magkakapatid.” Bigla naman na ngumisi si Ethan.
“Oww.” Tumango tango naman ako.
Masipag pala ang daddy ni Ethan. Masipag gumawa ng bata. At sa sinabi ni Ethan ay mukhang wala dito na anak sa labas. Sabagay wala namang problema. Mayaman sila at kahit isang daan pa ang kapatid nito ay hindi ito maghihirap. Unlike namin na mga isang kahig isang tuka. Mahirap buhayin ng magulang kahit dalawang magkapatid lang.
Hanggang sa lumapit na kami at napukaw ang atensyon ng magkakapatid sa akin. Naglalaro pala sila ng board game.
“Kuya,” Agad tumayo ang isang lalaki. Mukhang ka-edad lang rin ni Ethan.
Panandalian kong nilibot ang tingin nang nakangiti sa mga dalaga at binata na nasa mesa. Ang iba ay nakangiti sa akin. Ang iba ay seryoso lang. Meron din na bata pa. Aww. Mukhang maliit lang ang age gap nila. Mukhang si Ethan din ang pinaka-kuya ng lahat. Pero ang ganda ng lahi ni Ethan. Lahat ng nakikita ko ay gwapo at maganda. Ang cute ng mga bata pa.
“Elijah, where’s dad?” tanong agad ni Ethan sa kapatid na tinapunan ako ng tingin.
“He’s with—”
“He’s with the witch!” biglang putol naman ng isang dalaga sa sasabihin sana nong tinawag na Elijah.
“Lindsey, stop calling Tita Glaiza a witch. Dad will be unhappy kapag nalaman niya na ganyan niyo itrato ang girlfriend niya.” Mariing sabi naman ni Ethan.
Owww... I sense a little bit of tension sa magkakapatid. Girlfriend? So, meaning, base sa analyzation ko... hiwalay na ang daddy nila sa mommy nila at may bago itong girldfriend? Napalunok ako. Binuntis muna ng todo ng ama ni Ethan ang mommy nila bago makipaghiwalay? Tapos may bago itong girlfriend na hindi boto ang anak. O baka naman patay na ang mommy nila?
Natitigilan na lang ako sa kinatatayuan at hindi ko nga dapat naririnig ang ganitong bagay na usapang magkakapatid.
“Because she really is, kuya. She’s a golddigger!” galit na sagot naman nu’ng Lindsey. “No one will replace our late mother. No one!”