Chapter 3

3083 Words
Maxine Avila’s POV “Lindsey, you’re right” banggit naman ng babaeng katabi nito. “If I know... baka nag-iinarte lang ang witch na iyon. Baka wala naman wala talagang sakit at gusto lang sirain ang family time natin. Gusto lang solohin ang daddy natin!” Napalunok ako bigla at matapos ay nakagat ko ang ibabang labi. Mukhang hindi na napapansin ng magkakapatid ang presensya ko at nakatuon talaga do’n sa pinag-uusapan na girlfriend ng daddy nila. “Luisa, isa ka pa.” Saway muli nung Elijah doon sa isang kapatid na babae. Napatingin naman saglit ‘yung Luisa doon sa Elijah. She just rolled her eyes. “Fine! Tama. Masisira lang ang araw ko kapag pinag-usapan na naman siya.” Nakangusong sambit no’ng Luisa. Pero bakit sobrang ganda pa rin nito kahit nakasimangot na? Hindi ko na rin matagalan ang usapan ng magkakapatid kaya ang ginawa ko ay malakas akong tumikhim para magpapansin. Hindi naman kasi ako makapag salita ng excuse dahil saan naman ako pupunta? Biglang napatingin sa akin ang atensyon ng lahat. “I’m sorry, Ate.” Biglang sabi ni Ethan. “P-pasensya na at narinig mo pa ang pinag-uusapan naming magkakapatid.” “Ah, okay lang” nahihiyang sabi ko na nilingon si Ethan. “Kuya, is she’s Ate Margaux’ sister?” sambit ng isang bata na sa tingin ko ay nasa seven or eight years old pa lang.” “Yes, Layla.” Ngumiti si Ethan sa bata sabay lapit at ginulo ang buhok nito. She is really cute. Parang gusto ko itong kurutin sa pisngi. Ito ‘yung tipo ng bata na kapag sinama sa mataong lugar ay pansinin pa rin dahil saksakan ng cute. Ngayon pa lang ay nalilito na ako at kung ipapakilala ako ay hindi ko agad makakabisado ang mga pangalan dahil sa dami nila. “Hi, Ate. You are so pretty, like Ate Margaux.” Ngumiti ako ng matamis sa bata kahit biglang parang madudurog ang puso ko nang marinig ang pangalan ng kapatid ko. Ang sakit pa rin kasi hanggang ngayon na hindi ko pa tanggap ang pagkawala ni Margaux. Mukhang kilala nila si Margaux. Malamang ay dinadala ni Ethan dito sa bahay. Hindi man lang nabanggit sa akin ng kapatid ko na bilyonaryo ang boyfriend nito. Hindi ko man lang rin natunugan na madalas magkita sina Ethan at Margaux. Siguro ay dahil naging busy rin ako masyado sa pag-aaral. “Hey, guys...” bigla naman na sabi ni Ethan. “I want you to meet Margaux’sister, she is our Ate Maxine.” Halos nagsingiti ang mga kapatid ni Ethan. Ang iba ay wala man lang emosyon. Hindi ko tuloy masabi kung natutuwa man lang ba sila sa akin. O parang hindi ako welcome dito sa bahay. “Ate Max,” lingon naman muli ni Ethan sa akin. “Meet my siblings, this is Elijah. Ako ang panganay at sumunod siya sa akin. He is nineteen years old.” Marahan akong tumango sa lalaki na nakangiti. Gwapo si Ethan, pero parang mas naga-gwapuhan ako dito sa Elijah. He looks nice too. “Hi, Ate. Nice to meet you.” Magalang na sabi no’ng Elijah. “That one is Luisa, kasunod naman ni Elijah. She seventeen years old.” Nagtama ang tingin namin no’ng Luisa. Hindi ko masabi ang emosyon nito at mukhang hindi naman masaya na narito ako. O baka dahil badtrip pa rin ito doon sa girlfriend ng daddy nito. “That is Lindsey, she’s sixteen.” Turo naman ni Ethan sa katabi no’ng Luisa na nakatingin lang din sa akin. Talagang pati edad ay sinasabi nito? Kahit na sabihin nito ay hindi ko na makakabisado kahit mga pangalan nila. Nagugulat tuloy ako na magkasunod lang na taon pinanganak si Luisa at Lindsey. “That is Erwan, fourteen years old.” turo naman ni Ethan sa batang katabi nong pinaka-bunso. Parang ang lungkot ng mata ng batang ito. Pero nakuha naman nito na tumango sa akin at tipid na ngumiti, unlike doon sa dalawang babae na mas matanda dito. “This is Lorraine,” turo naman ni Ethan sa batang hinawakan niya sa may buhok. Napa-cute at parang gusto kong kurutin ang pisngi nito. “She is eleven years old.” Mabuti naman at three years ang pagitan nila Erwan at Lorraine. Hayy, grabe... “Hi, Lorraine. You’re so cute.” Nakangisi na sabi ko. “Thank you, Ate Maxine.” Ngumiti ito at mas lalo itong naging cute sa paningin ko. “This is Lara. She is ten years old.” Patuloy naman na pakilala ni Ethan. Tumingin ako kay Lara at tahimik lang ito na nakatingin sa akin kaya ngumiti ako. Mabuti na lang at ngumiti ito pabalik sa akin. Mukhang mababait naman sila so far. Bukod kay Luisa at Lindsey na parang spoiled brat, at kay Erwan na parang ayaw ng kausap. Sana madali sila pakisamahan. “That is Errol. He’s nine years old.” Turo ni Ethan sa nasa tabi ni Elijah. Natitigilan ako sa age gap nila Lorraine, Lara at Errol. Tig iisang taon lang talaga? Every year nanganganak ang mommy nila!? Siguro ay hindi pa tuluyang magaling ang tahi ng mommy nila ay ginagapang na ng daddy nila. Sobrang ganda siguro ng mommy nila kaya hindi makapagtimpi ang daddy. Sabagay kita naman sa lahi nila Ethan na magaganda silang lahat. Baka gwapo rin ang daddy nila. “And finally, the cutest of all... our bunso, Layla. She’s seven years old.” “Hi, Layla.” Bati ko na bahagyang kumaway dito. “Hi, Ate Max. Can we play sometime? I have lots of dolls...” “Alanganin naman akong ngumiti sa bata dahil hindi naman ako mahilig makipaglaro sa mga bata. “S-sure, baby.” “Wow, I’m so excited!” tuwang-tuwa naman ang batang si Layla. May hawak pa nga itong manika. Mukhang mahilig pa rin itong maglaro kahit seven years old na. “Guys, dadalhin ko muna ang ate niyo sa kwarto niya. She’s going to live here for one year while schooling. Sana maging mabait kayo sa kanya kagaya ng treatment niyo kay Margaux.” “Yes, kuya!” Halos sabi naman ng nakararami. Ang iba ay hindi ko maintindihan at mukhang badtrip pa rin. “Come on, Ate. Dadalhin muna kita sa room mo. Ipapakilala na rin kita sa mga kasama dito sa bahay.” Sumunod naman agad ako kay Ethan patungo sa loob ng mansion nila. Halos pati paghinga ko ay napigil ko sa ganda ng loob no’n. Parang ako ang nahihiya na tumira sa ganitong kagandang bahay eh. “Ahh, Ethan,” lumingon ang lalaki sa akin. “Madalas ba na nakikita ng mga kapatid mo si Marg? Parang kilalang kilala nila eh.” “Oo, Ate. Mga dalawa o tatlong beses siyang nagpupunta dito sa isang buwan.” Nagulat ako dahil hindi naman masyadong makwento ang kapatid ko tungkol sa madalas nitong pagpunta dito sa mansyon. Pero malamang ay dahil nahihiya nga lang ito na inunahan akong magka-boyfriend. Ilang saglit lang ay dinala muna ako ni Ethan sa guest room raw. Tatlo raw ang guest room dito sa mansyon at bihira lang naman daw magamit. Narito lang naman ang guest room sa ground floor. Pagkarating sa room kung saan ang magiging tulugan ko ay namangha ako. “Dito ba talaga ako matutulog, Ethan?” tanong ko habang nililibot ang tingin. Susme! Kasing laki na ng nirerentahan na bahay namin itong kwarto. May mga appliances pa. Maaliwalas ang kwarto sa periwinkle color na dingding. Mayroon isang sofa at table sa isang sulok. May closet rin akong nakita. Parang hindi lang basta guest roon itong pinagdalhan sa akin. Parang kwarto na ng isang miyembro ng pamilya, sa tingin ko. “Yes, ate. May hindi ka ba nagustuhan dito?” “No. Sobrang laki lang kasi nito at mag-isa lang naman ako. Pwede naman ako doon lang sa maliit na room. O kaya kung saan ang kwarto ng mga kasambahay. Nakakahiya naman, Ethan, lalo na sa daddy mo at hindi pa yata alam na—” “Hindi ka naman magiging kasambahay dito, Ate. Kung gusto mo lang na tumulong sa gawaing bahay ay nasa iyo iyon. Pero ipapakilala kita kay daddy as assistant ko at ipapaalam ko naman sa kanya na isang taon ka lang naman na titira dito hanggang makahanap ng trabaho. I’m sure he will allow you to stay.” “Pero nakakahiya pa rin sa daddy mo. Ibang tao pa rin ako. Baka hindi siya pumayag?” “Don’t worry, mabait naman si daddy. Pipilitin ko siyang pumayag.” Hindi na ako nakatanggi kay Ethan. Mapilit din kasi ito. “Gusto mo bang magpahinga muna o ipapakilala kita muna kita sa mga kasambahay? Hindi naman kasi ako sigurado kung anong oras dadating si Daddy. Baka gabihin na rin iyon dahil maysakit pala ang girlfriend.” Bigla naman na nag-iba ang timpla ng mukha ni Ethan. Mukhang pati ito ay hindi gusto ang girlfriend ng daddy nito. “Ah, pwede muna ba na mag-stay ako dito at mapag-isa? Gusto ko rin kasi na mag-aral at marami akong hinahabol na lectures. Baka magpa-surprise quiz ang ibang professor ko bukas.” “Sure, Ate Max. Ipapatawag na lang kita kapag kakain na ng lunch at makasabay sa amin. Mamaya ay ipapakilala na lang kita sa mga kasambahay. Ipapadala ko na lang rin ang mga gamit mo. ‘Yung tungkol naman sa magiging trabaho mo ay huwag mo munang isipin... sa susunod na linggo ko na lang sasabihin sa’yo kung ano ang mga gagawin. Papaturuan rin kita sa secretary ko para mapabilis ang trabaho.” Tumango na lang ako. Marami pa sana akong gustong itanong, pero gusto ko muna ipahinga ang utak ko sa mga information na pumasok doon. Ang dami kasing iisipin, pati ang mga pangalan nga ng mga kapatid nito ay nakalimutan ko na agad. Sino-sino nga uli iyon? Elijah, Lorraine, Erwan, Layla. Etc. Hindi ko na maalala ang iba. Basta nagsisimula sa letter ‘L’ kapag babae at letter ‘E’ naman ang lalaki. Hindi ko rin maalala kung nabanggit ang pangalan ng daddy nila. Iniwan na agad ako ni Ethan. Pagkasara nito ng pinto ay agad akong umupo sa malambot na kama. Ang laki rin no’n at parang kasya kahit tatlong tao na malikot matulog. Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Ang laki ng mansyon na titirhan ko, maraming bata, maraming tao. Pero pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako. Still, ma-a-out of place ako sa lugar na ito. Nagpakawala ako ng hangin sa dibdib. Ngayon pa lang ay hindi ko na alam kung paano pakikisamahan ang pamilya nila Ethan. Mukha naman na mababait ang magkakapatid. Pero paano kung masungit ang daddy nila? At kung ano pa ang isipin sa pagtira ko dito. Inalis ko muna ang mga agam-agam sa isip ko nang nagsimula na akong mag-overthink. Binuksan ko na lang ang bag ko at kinuha ang cellphone. Nag-text ako sa kaibigan kong si Klea para ipaalam na nakarating na ako sa bahay nila Ethan. Alam naman kasi nito ang sitwasyon ko. Nagsabi rin ako sa ibang kamag-anak ko tungkol sa pagtatrabaho ko. Nakarinig ako ng katok at nagmamadaling pumunta ng pinto para buksan iyon. Bumungad sa akin ang isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko rin. Ngumiti agad sa akin ang babae. “Hello, Ma’am Maxine. Ako nga pala si Noemie. Anak ng mayordoma dito. Pinapadala ni Sir Ethan ang mga gamit niyo po.” “Ay, huwag mo na akong tawagin na Ma’am. Maxine or Max na lang.” Ngumiti ako pabalik. Pinapasok ko si Noemie sa kwarto para doon ilagay ang mga gamit ko. Nakakahiya pa nga at akala ko ay ito mismo ang nagbuhat papunta dito sa kwarto ko. Mabuti na lang at nagpatulong daw sa driver. Umalis naman agad iyong Noemie. Mukhang may magiging kaibigan ako dito sa mansyon— at least. Lumipas ang oras at dumating ang oras nang pananghalian. Muling nagpunta si Ethan sa kwarto ko at nakita pa nga ako nito na nag-aaral. Inaya ako nitong kumain na at sumabay sa kanilang magkakapatid. Tumanggi ako dahil sa totoo lang ay nahihiya pa ako. At isa pa ay dinahilan ko rin na kailangan ko talagang mag-aral muna. Mukhang naintindihan naman ako ni Ethan. Pinadalhan na lang ako nito ng pagkain. Pati sa hapunan ay ganoon din. Medyo nahiya na tuloy akong lumabas ng kwarto at para akong may sakit na dinadalaw lang. Pero nahihiya pa kasi talaga ako. Bukas ko na lang sila haharapin. Hanggang sa bago matulog ay dinalaw pa ako ni Ethan. Nakasuot na ako na tshirt at short na pantulog. Nakaligo na rin naman ako. Grabe, kumpleto ang gamit nila sa CR at parang imported ang mga toiletries. “Ate Max, are you okay?” “Okay lang ako, Ethan. Pasensya ka na kung nagkulong ako dito.” “I understand, Ate. Alam kong nahihiya ka pa. Huwag kang mag-alala at masasanay ka rin. Pero simula bukas ay sumabay ka na ng dinner sa amin ha?” Tumango na lang ako. Nagpa-alam na rin si Ethan sa akin at tutungo na sa kwarto nito. Nagsabi ito na pagpasok niya bukas ay isasabay niya na lang daw ako dahil nga same way lang naman papasok sa office nito. Syempre ay pumayag ako dahil ang convenient no’n para sa akin. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nag-ayos na rin ako papasok sa school. Matapos kong magbihis at handa na rin ang mga gamit ko ay hindi ko naman alam kung lalabas na ako. Nahihiya ako dahil maglalakad ako palabas at hindi ko pa naman kilala ang mga tao. Mabuti na lang at may kumatok at nang pagbuksan ko ay bumungad sa akin si Ethan. Ang gwapo nito sa suot nitong business suit. Napatigil pa ako sandali para hagurin ang kabuuan nito. Gusto ko itong purihin at sabihin na sobrang gwapo nito pero hindi ko naman magawa dahil hindi pa kami super close talaga. At isa pa ay baka ma-mis-interpret nito ang sasabihin ko at sabihin na crush ko ito. “Shall we go?” “Oo,” sagot ko. Salamat at nakatapak rin ako sa labas ng kwarto na iyon. “Mag-breakfast na lang tayo, Ate Max, kapag may nadaanan tayo. Para hindi ka muna mahiya sa mga kapatid ko. Naroon na sila sa dining area at kumakain. Busy rin kasi dahil lahat sila ay estudyante pa. Si daddy naman ay kanina pa nakaalis. Mamayang gabi na lang kita ipapakilala.” Ngumiti ako ng tipid sabay tango. Ang saya-saya siguro nila doon. Lahat sila puro estudyante at itong kuya nila ay parang tatay na rin. Nagtatrabaho. Umalis agad kami ng mansyon ni Ethan. Ibang sasakyan naman ang gamit nito ngayon. Gano’n ba ito kayaman at parang nagpapalit lang ng damit sa sasakyan? “Ethan, ano ba ang work mo?” basag ko sa katahimikan namin habang nasa byahe. Hindi naman kasi ma-kwento itong lalaki. Ako ang naiilang. “I am the Operations Manager of Calderon Motors Inc.” Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig. Calderon Motors Inc? My goodness! Isa ito sa nangungunang kumpanya sa Pilipinas. Kaya naman pala sobrang yaman nito. Napa-kwento tuloy si Ethan tungkol sa pagsisimula nito sa trabaho. Mismong daddy pa daw niya ang isa sa nag-train sa kanya pagka-graduate. Gusto kasi ng daddy nito na ito ang magiging CEO ng kumpanya para makapag-focus ito sa ibang business nito. Marami palang businesses ang mga Calderon. Meron silang Hotel Business, Banks, at meron din na Construction Company. Nalula tuloy ako kung gaanong kayaman na tao si Ethan. Hindi na natuloy ang iba namin na usapan dahil may nakita kaming restaurant at doon na huminto ang sasakyan ni Ethan. Sa totoo lang ay gutom na ako kaya hindi na ako tumanggi kahit ang naiisip ko ay sa school na lang kakain. Pagpasok namin sa restaurant ay agad kaming iginiya ng waiter sa pang-dalawahan na upuan. Nang mag-oorder na kami at nakita ko ang presyo sa menu ay hinayaan ko na lang si Ethan ang mag-order. Ang sosyal rin kasi ng mga breakfast dito. “Excuse me, Ethan. I’ll just take the restroom.” Paalam ko lang sandali, tumayo at dinala ang bag. Papalapit na ako ng restroom nang mamataan at papasubong ako sa isang magandang babae na halos bumulwak na ang dibdib dahil kitang-kita ang cleavage nito. At in fairness, pinagpala ang dibdib nito at palagay ko ay cup D ang size ng bra sa laki ng dibdib nito. Nawala sandali ang atensyon nito dahil tila may sinagot na tawag. “Hello, hon, I’m here inside the re—” Naputol naman ang sasabihin ng babae dahil sa wala ang atensyon nito ay hindi na ako nakaiwas at natabig ko ang kamay nitong hawak ang cellphone at nalaglag nito ang cellphone. Agad akong napatingin sa floor at nakita kong nabasag ang cellphone ng babae. Bigla akong kinabahan na sisihin ako nito. Though, na-distract din kasi ako sa laki ng dibdib nito kaya hindi ko tuloy napansin ang siko nitong natabig ko, may kasalanan rin ako. “What the hell!” agad tumaas ng boses ang babae at galit na tumingin sa akin. “Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!? Boba!” Biglang naningkit ang mata ko sa narinig. Saglit akong lumingon sa paligid at nakita ko ang ibang kumakain na pinagtitinginan kami. “Miss, pasensya na ha!” sambit ko naman, sinadya kong gawing mataray ang boses ko. Obvious na mas matanda itong babae sa akin. Parang nasa late twenties or early thirties, pero hindi ko yata ito kayang igalang sa pagsabi sa akin ng boba. “Hindi ka naman kasi tumitingin rin sa—” “How dare you to talk back to me!” Nakataas ang kilay na sabi ng babae na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Tita Glaiza?” Bigla ko naman na narinig ang tinig ni Ethan na halatang nasa may bandang likuran ko. Mukhang pinuntahan agad ako nang makita na may nakabangga ako. Hindi ko naman ito nilingon at nanatili ang tingin sa babaeng nakasimangot sa akin at matapos ay tumingin kay Ethan. “Ethan?” sambit nitong Glaiza pala ang pangalan at kakilala ni Ethan. Ilang saglit lang ay nakita ko na bumaling pa ang mata nitong babae sa ibang direksyon. “Enzo, hon” sambit nung Glaiza na humakbang papunta sa may gilid ko at tinabig ako. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko si Ethan. Pero agad akong natigilan at napaawang ang labi nang makita ang saksakan ng gwapong lalaki na papalapit sa kinatatayuan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD