Chapter 4

2620 Words
Maxine Avila’s POV “Hon, you’re here,” agad nakalapit na ‘yung babaeng masungit— sa boyfriend nito? Kung kanina ay galit ang tono ng babae ay ngayon ay naging sweet na. Pero wala na ang atensyon ko doon sa babae nandun na sa lalaking sinalubong nito. Ang gwapo ni kuya. Hindi pa nagtatama ang mata namin ng gwapong lalaki pero parang natutunaw na ako sa pagtitig ko pa lang dito. Para itong artista sa mga banyagang series na napapanood ko. Mala-turkish or greek ang datingan nito. Kahit ilang dipa ang layo ay kita ko na ang taglay na karisma nito. Mula sa tindig nito na parang kahit sinong babae ay mapapa-second look. Kahit nakasuot ito ng lightblue longsleeve polo ay masasabi ko na maganda ang katawan nito, dahil sa chest at biceps na bumabakat sa suot nito. Nag-iwan pa ito ng bukas na butones sa suot nito na nakadagdag ng kaseksihan nito. Lalaking lalaki rin ang mukha nito. Perfect jaw, pointed nose, bumagay pa sa itsura nito ang mumunting bigote at balbas nito. He looks seductive... well gano’ng looks kasi ang mga nagiging crush ko at kinakikiligan ko sa mga napapanood ko. Ang lakas ng dating nito, pati labi nito ay napansin ko na parang masarap humalik. Halik? My god bakit iyon ang pumasok sa isip ko. “Dad?” narinig ko na lang na sambit ni Ethan. Pero ‘yung mata ko ay nakatingin pa rin sa lalaki na lumapit na ng bahagya sa kinatatayuan ni Ethan. Daddy? Wait… ito ang daddy ni Ethan? Ito ang daddy ni Ethan na nakarami ng anak sa mommy nito? Hindi naman ako makapaniwala. Judging by his looks, parang nasa mid thirties lang ito. Imposible naman na nasa thirties pa lang ito. Kasing edad ko si Ethan. Malamang at maaga itong nag-asawa. Ang gandang lalaki at malakas ang s*x appeal ni sir, kaya pala ang ga-gwapo at ganda ng anak nito. At ‘yung babaeng malaki ang dibdib pala ang girlfriend nito. ‘Yung sinasabi ng mga anak nito na witch. Ang pagkakarinig ko nga kahapon ay may sakit ito kaya pinuntahan ng daddy nila. Ngayon ay posturang-postura ito sa ayos nito. Ang bilis talaga gumaling kapag may nag-aalaga. But I admit na itong Glaiza ay full of s*x appeal. Bagay sila... in fairness. ‘Yun nga lang ay mataray talaga itong girl. “Ethan?” Parang nagtataka pa na sabi no’ng daddy ni Ethan. Even his voice is manly. “Ahhm, Dad...” bigla naman na lumingon sa akin si Ethan. Sa akin tuloy nabaling ang pansin ng daddy nito. Nagtama ang tingin namin. Mas matutunaw yata ako na sa akin na ito ngayon nakatingin. Nakakatunaw ng sobra ang tingin nito. Pinilit kong hindi magpahalata na nagagwapuhan ako sa daddy ni Ethan. Sinigurado ko na walang emosyon ang mukha ko. Pero hindi ko pa rin naiwasan ang ang paglunok sa simpleng pagtatama ng mga mata namin. Para akong natuyuan ng laway na hindi ko maintindihan. “She’s my friend.” Narinig kong sabi ni Ethan na ngayon ay tumingin na sa daddy nito. “I would like you to meet her, dad, kaso naka-alis—” “Hon,” bigla naman na singit nung girlfriend na parang nahihilo. Nakita kong hinapit ng daddy ni Ethan ang beywang ng girlfriend nito at napahawak naman sa matipunong dibdib ng lalaki itong si Miss Glaiza. “Hon, are you okay?” halata ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. Iniwas ko ang tingin sa mag-jowa. Kulang na lang ay langgamin itong restaurant dahil sa ka-sweet-an ng dalawa. Parang sila na lang tuloy na dalawa ang narito. “Nahilo lang ako, hon.” Parang nanghihina na sambit ng babae. “I told you not to go to work yet... kagagaling mo lang sa sakit. Ihahatid na kita sa apartment mo, hon” Ang sweet naman pala ng ama ni Ethan sa girlfriend nito. Halata ko ang pag-aalala sa boses nito na parang naging invisible na lang kami ni Ethan sa paningin ng daddy nito. “Ahhm, dad,” biglang singit naman ni Ethan sa ama nito at nakita ko ang biglang pagbaling ng daddy sa anak nito. “Ethan, I’m sorry. We need to go at baka mahilo pa ang tita mo.” Tinapunan naman ako ng dad ni Ethan ng isang tingin at bahagyang tumango. Akmang aakayin na nito ang girlfriend nito. “Wait, hon, I’ll get my phone.” Biglang lumingon si Miss Glaiza sa lapag kung saan naroon ang basag na nitong cellphone. Dinampot ito ng babae sabay balik sa nobyo nito. “What happened to your phone?” Mahinahon na tanong naman ng daddy ni Ethan. “Uhm, hon, hindi naman sinasadyang nabangga ako ng kaibigan ni Ethan.” Tumingin pa sa akin ang Glaiza. Hindi ko masabi ang emosyon nito ngayon. Napaawang naman ng bahagya ang labi ko. “Wow! Best actress.” Sa isip isip ko. Kanina lang ay sinabihan akong ‘boba’ ngayon naman ay sobrang bait nito, porque kaharap ang boyfriend at future son-in-law. Bigla kong binaling ang tingin sa daddy ni Ethan dahil baka naman ito ang magalit sa akin at pabayaran pa ang cellphone ng girlfriend nito. Paglingon ko sa daddy ni Ethan ay nakita ko pa ang paghagod ng tingin nito mula sa paa hanggang sa ulo ko. Pencil Skirt na hanggang tuhod at blouse ang uniform ko kaya nakita nito ang legs ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako biglang na-concious. Iniisip ko tuloy kung maayos ba ang itsura ko. Nang magtama na ang tingin namin ng lalaki ay bigla nitong binaling ang tingin sa girlfriend nito. “Hon, bibili na lang tayo ng bagong cellphone mo.” Sabi ng daddy ni Ethan. Muli nitong tiningnan si Ethan. “Anak, see you at the house later.” Dahil malapit lang sa akin si Ethan ay narinig ko pa ang buntong hininga nito. “Yes, dad. Take care.” Muling lumingon sa akin ang daddy ni Ethan. “Nice meeting you,” Nagulat ako sa sinabi nito pero agad rin akong nakabawi sa pagkabigla kaya tinanguan ko na lang ang lalaki. Hindi nagtagal ay tumalikod na ang dalawa. Hindi ko pa maialis ang mata ko sa dalawa, partikular sa likod ng gwapong daddy ni Ethan. Nakita ko pa ang paglingkis ni Miss Glaiza doon sa daddy ni Ethan. Mga ilang hakbang na sila ay nagulat na lang ako nang muling lumingon ang daddy ni Ethan. Sakto na sa mata ko tumama ang tingin nito. Agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko na lang. Hindi ko pala man lang naitanong kung ano ang pangalan ng daddy ni Ethan. Nakakahiya naman na makituloy sa mansyon nito tapos hindi ko alam kung ano ang itatawag sa may-ari. Sabagay, hindi naman nito alam na pinatira pala ako ng anak nito. Malamang ay magulat ito mamaya kapag nakita uli ako sa bahay. "Ate Max." Narinig kong tawag ni Ethan kaya lumingon ako dito at nakita kong nakakunot ang noo nito. "You're blushing. Crush mo si daddy, noh?" Bigla ko naman na pinanlakihan ng mata si Ethan. Kaya pala parang ang init na ng mukha ko dahil namumula ako. Malamang kaya tiningnan pa ako ng daddy nito. "H-hindi noh, nahihiya lang ako sa daddy mo. Hindi niya pa yata alam na titira ako sa mansyon niyo. T-tapos hindi ko rin alam pa ang pangalan niya. Hindi ko alam kung paano siya i-approach." Mukha naman na convincing ang sagot ko kay Ethan. "Anyway, ate, babalik na ako sa table natin. Nag-alala lang kasi ako kanina na nagkasagutan kayo ni tita Glaiza... nagkabanggaan pala kayo, eh." Tumango na lang ako kay Ethan. So hindi pala nito narinig na sinungitan ako ng girlfriend ng daddy nito. "Mag-CR lang ako." Paalam ko kay Ethan at pumunta na sa CR. Doon na lang ako parang nakahinga ng maayos ng makapasok ng CR. Sinipat ko pa ang mukha ko sa salamin bago tuluyan na umihi. Mabuti at hindi naman ako haggard. Hindi naman ako nagtagal sa CR. Pagkalabas ko ay tumungo na ako sa table at umupo at ngumiti agad sa akin si Ethan. Wala pa naman ang order namin. "Ano nga pala ang pangalan ng daddy mo, Ethan?" "Lorenzo, ate." Lorenzo Calderon. Pati pangalan ang gwapo! "Ang bata pa pala ng daddy mo. Mukhang maaga siyang nag-asawa dati, ha." "Yeah, Actually, pagka-graduate niya ay nagpakasal na siya kay Mommy. Si mommy naman ay hindi na rin naka-graduate. Hindi na nakatapos pa sa pag-aaral si mommy at naging plain housewife..." Nakita ko naman ang pag-iiba ng mood ni Ethan ng maalala ang mommy nito. Biglang nalungkot ang mata nito. Naiintindihan ko naman ito. Siguro kahit ilang taon na ang lumipas, kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay, malulungkot at malulungkot pa rin tayo dahil sa mga alaala nila. "I'm sorry,” mahinang sambit ko. “Naalala mo tuloy ang mommy mo dahil sa tanong ko.” “It’s okay. You know… natanggap ko na naman ang pagkawala ni mommy kahit sobrang sakit. Nang namatay si mommy ay tinumbasan ni daddy ang pagiging daddy at mommy sa amin. I really admire him. Kahit na sobrang busy niya sa businesses namin, he ensures quality time with me and my siblings.” Bigla akong mas nalungkot sa kwento ni Ethan, parang si mama ko sa amin ni Margaux na nagpaka nanay at tatay sa amin. “It’s been more than six years since my mom passed away. Wala pang isang taon ang bunso namin na si Layla. Simula noon ay naging dedicated sa work at sa aming mga anak niya si daddy. Never naman itong nanligaw ng mga babae. He really loves our mom. Kaya nagulat kaming lahat three months ago ay ipinakilala niya sa amin si Tita Glaiza.” “So, bago lang pala sila ng daddy mo?” “Yeah… Mabait naman si Tita Glaiza.” Bigla akong naubo sa sinabi ni Ethan. Mabait? Eh kung hindi lang dumating ang mag-ama ay sinabunutan na ako no’ng baabeng iyon dahil sa pagkabasag ng cellphone nito, eh. “But my other sibling doesn’t like her.” Patuloy na sabi sa akin ni Ethan. “Paano ba naman kasi ay nahati na ang atensyon ni daddy sa amin. May company pa siyang pinapatakbo. I think, hindi sanay ang mga kapatid ko na may nakikihati sa attention ni dad.” “But, okay lang ba sa’yo na mag-aasawa uli ang daddy mo?” wala sa loob na tanong ko. “Actually, I don’t know. Hindi rin ako sanay na magkaroon ng ibang mommy. Pero kung saan masaya si daddy… doon ako. ‘Yun lang halos lahat ng mga kapatid ko ay tutol na mag-asawa pa si daddy muli. Mukhang mahihirapan si tita Glaiz ana paamuhin sila.” Bigla naman na dumating na ang waiter at nag-serve nang breakfast namin kaya hindi natuloy ang pinag-uusapan namin. Sabagay ay marami naman na oras para kilalanin namin ni Ethan ang isa’t isa. Natutuwa lang ako sa lalaki dahil mabait itong anak. Mabait rin na kapatid. Swerte sana si Margaux. Sayang. Mabilis na kain lang ang ginawa namin ni Ethan. Sobrang nabusog ako dahil sa sarap ng pagkain. Hindi rin nagtagal ay naihatid na ako ni Ethan sa school. “Hi, Max. Kamusta ka?” Nakangiting bati sa akin ni Klea nang makaupo na ako sa silyang katabi nito. Mapait akong ngumiti. Last week ay halos araw-araw naman akong kinukumusta ni Klea. Tungkol sa nararamdaman ko. I really appreciate her. Pati na rin ang mga classmate kong nagpa-abot ng pakikiramay sa akin. Halos mahigit dalawang linggo na rin ang nakakaraan matapos ang pagkamatay nila mama. At least tapos na ako sa acceptance stage. Pero naroon pa rin ako sa stage na gabi-gabi ang pag-iyak. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako magluluksa. Ang sakit sakit pa rin. Nag-usap muna kami ni Klea tungkol sa mga lesson. Naghahabol pa rin kasi ako dahil nga sa panahong hindi ako nakapasok dahil sa paglalamay kina mommy. Hanggang sa dumating ang uwian. Hindi ko alam kung makikisabay ba ako kay Ethan. Wala naman kasi itong nasabi kanina bago kami naghiwalay. Dahil maaga pa naman ay naisipan ko na magpunta muna ng library. Gusto kong magbasa ng notes mula sa ibang authors para sa mga subject na inaaral ko. Mas okay na iyon at baka biglang mag-text si Ethan sa akin at makikisabay na lang ako. Though alam ko naman kasi ang village kung saan ang mansion nila ay exclusive iyon at baka hindi ako makapasok. De kotse ang mga pumapasok doon at baka kung mag-taxi ako ay hindi ako papasukin ng guard. Hanggang sa maka-receive ako ng text mula kay Ethan. Ethan: Hi Ate Max, pasensya na kung hindi kita maisasabay pauwi. May importante kasi akong tinatrabaho ngayon. Mag-taxi ka na lang, ate. Pasasabihan ko na lang sa guard na papasukin ka. Napabuntong hininga naman ako sa na-receive na text. Sa totoo lang ay ayokong umuwing hindi kasama si Ethan. Siyempre, ang awkward naman. Ni hindi nga ako kilala ng ibang kasambahay sa mansyon. Tapos ‘yung mga kapatid ni Ethan ay hindi ko naman ka-close. Parang out-of place ako sa lugar na iyon. Paano ‘pag uwi ko? Derecho ng kwarto, tapos magkukulong na lang? Pati pagkain tuloy ay problema ko. Paano kung super gabi umuwi si Ethan. Tapos nagugutom na ako. Nakakahiya naman na magpunta na lang basta sa kusina at manghingi ng pagkain. Sobrang hirap pala ng sitwasyon ko. Ang hirap makisama. Unlike kapag pamilya ko ang kasama ko sa bahay. Wala naman akong nagawa kung hindi ang umuwi na lang. Ayoko na mag-stay pa ng matagal dito sa library at uuwi ng late sa mansion. Ang ginawa ko na lang ay pagkalabas ng school ay kumain ako sa malapit na karinderya. Pagkakain ko ay naghananap na ako ng taxi at nakasakay naman ako kaagad. Sinabi ko na lang kung saan ako bababa. Hindi naman masyadong ma-traffic. Nagpababa na lang ako sa may gate ng subdivision kay manong driver. Kasi alam ko ay hindi naman kalayuan mula dito sa gate ang mansion ng mga Calderon. Pwedeng lakarin lang. Para tipid na rin sa pamasahe dahil naka-metro ang taxi. Alas sais na ng gabi kaya medyo madilim na. Bigla naman akong hinarang ng guard nang makita akong papasok sana ng gate. “Hija, saan ang punta mo?” Tanong ng guard na hinagod ng tingin ang katawan ko. Sa tingin ko ay nasa singkwenta anyos na ang edad ng matanda. “Sa mansion po ng mga Calderon.” Magalang na sagot ko. “Parang ngayon lang kita nakita, hija, ha. May dadalawin ka ba?” “Hindi po. Doon na po ako nakatira. Ang alam ko po ay binilin na po ni Mr. Ethan Calderon dito sa guardhouse na papasukin ako.” “Ah, ganoon ba? Sige sisilipin ko dito sa logbook baka may note o sinulat ang pinalitan ko ng duty. Ano nga ang pangalan mo, hija?” “Maxine po. Maxine Avila.” “Sige, san—” Natigil ang sasabihin ng guard nang nakarinig kami ng busina ng sasakyan kaya agad akong napalingon doon. Sobrang gara ng sasakyan na iyon. “Mr. Calderon,” narinig kong banggit ng guard na halos magmadali para pumasok sa guard house. Ako naman ay natigilan at ilang saglit lang ay umangat na ang barrier para makapasok ang sasakyan sa village. Mabilis naman na nakabalik ang guard sa may tabi ko. Hindi na ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil nga narinig ko ang apelyidong Calderon sa guard. Bigla na lang akong mas nanigas sa kinatatayuan nang mapansin na hindi pa rin umuusad ang magarang sasakyan. Imbes ay bumukas ang bintana ng sasakyan at nagtama ang tingin namin ng gwapo at hot daddy ni Ethan na si Lorenzo Calderon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD