Maxine Avila’s POV
“Mr. Calderon, sa inyo po ba nakatira ang batang ito?”
Bigla akong kinabahan sa tanong ng guard nang bigla itong lumapit doon malapit sa daddy ni Ethan.
“No.” Mabilis naman na sambit ni Sir Lorenzo na binaling ang tingin sa guard.
Tumingin ako sa guard na nakakunot na ang noo sa akin at puno ng pagdududa. “Hija, mukhang modus mo lang para makapasok sa mansyon nila Mr. Calderon.”
Bakas ang pambibintang sa boses ng guard. Agad pinanlakihan ko ng mata ang guard. Mapagbintangan pa ako na magnanakaw nito. Kasi naman… bakit ba hindi na-inform ni Ethan ang daddy nito? Tapos hindi pa nga nagtingin itong guard sa logbook nito at baka nga may bilin si Ethan doon.
“H-hindi po. Doon na po talaga ako nakatira. K-kagabi lang po kasi ako lumipat. Kahit tingnan niyo pa po sa logbook—"
“Anong hindi!? Pasensya na, hija. Kahit sobrang ganda mo, hindi kita pwedeng papasukin dito sa village. Kailangan higpitan ang security sa—”
“Guard!” napalingon kami pareho sa tawag ni Mr. Calderon.
Naramdaman ko ang labis na pag-iinit ng mukha ko. Napapahiya tuloy ako ngayon sa kinatatayuan ko. Pero siguro ay hindi naman halata ang pamumula ng pisngi ko, o pamumutla ko. Medyo madilim naman na kasi. Isa pa ay nakatingin na ang daddy ni Ethan doon sa guard. Pero napayuko na lang ako habang hinalukipkip ang bag ko.
“Mr. Calderon, pasensya na… paaalisin ko na lang itong babae.” Narinig kong sambit ng guard. Pero hindi ko magawang tumingin sa gawi nila dahil nahihiya ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“No. I know her.” Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig. At least naalala ako ni Mr. Calderon dahil nagkita kami kanina. Naglakas loob akong tingnan ang daddy ni Ethan. Laking pagkakamali ko naman dahil sakto na nakatingin ito sa akin kaya nagtama na naman ang mga mata namin. Hindi na tuloy ako maka-iwas ng tingin. Ewan ko at bakit parang may kakaiba sa tingin ni Mr. Calderon. Nakakatunaw. Oh, siguro ay dahil nga malakas lang ang appeal nito kahit medyo may edad na.
“Hop in,” Utos ni Mr. Calderon.
Marinig ko lang ang boses nitong ako ang kausap ay parang nakakalambot na ng tuhod. Kaya parang hindi ako makakilos sa kinatatayuan at nanatiling nakatingin sa daddy ni Ethan kasabay ng malakas na pintig ng puso ko.
Napakislot na lang ako nang biglang may bumusina at meron palang nakasunod na sasakyan sa likod ng sinasakyan ni Sir Lorenzo.
“S-sir, maglalakad na lang po ako.” Nataranta na tuloy ako. Ayoko kasi na sumakay sa kotse nito at nahihiya ako.
“Come on, miss, may sasakyan sa likod. Sumabay ka na sa akin.”
Jusko! Pati boses ni Sir ang gwapo talaga. May naaalala talaga akong crush ko na artista dito.
Dahil muling bumusina ang sasakyan sa may likuran ng kotse ni sir Lorenzo ay napilitan akong lumapit nang husto sa sasakyan nito. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at pagkabukas ko ay napansin ko pa na hinagod nito ng tingin ang katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko. May presence of mind naman ako at hindi madaling mataranta pero parang ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko. As in natataranta ang buong sistema ko.
Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse sa tabi ng driver’s seat at ipinatong sa hita ko ang bag ko. Pagkaayos ko ng upo ay naramdaman ko na lang na umandar na ang sinasakyan namin. Hindi naman na ako nag-seatbelt dahil ilang dipa na lang ang layo ng mansyon mula dito sa may entrance ng village.
Nanatili akong naninigas sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung magsasalita ako. Kung titingin ba ako sa gawi ni Sir. Nahihiya ako na magtama muli ang mga mata namin. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko. Parang lalabas na nga sa ribcage ko, eh.
Hindi ko alam kung ilang segundo ba ang nakakaraan na. Narinig ko na lang na tumikhim ang katabi kong lalaki kaya mas kinabahan ako.
“I forgot to ask your name kaninang umaga.”
Bigla akong napalingon sa daddy ni Ethan. Concentrate lang ito sa pagda-drive kaya nagkaroon ako ng chance na matitigan ito.
“Maxine. Maxine po.” Tipid na sabi ko. Mabuti na lang at hindi ako pumiyok.
“Maxine.” Mahinang sambit naman ni sir Lorenzo na inulit ang bigkas sa pangalan ko. Nakita ko pa ang mumunting pagtango nito. “You told the guard na kagabi ka lang lumipat sa bahay namin. Why did you say that?”
Shocks! Ayan na. Nagtatanong na siya!
Hanggang sa bigla na lang itong huminto. Binaling ko ang tingin sa daan at nakita ko na ang pamilyar na mansion ng mga Calderon. Nandito na pala kami agad.
“Ahm, opo,” sambit ko naman na muling tumingin kay sir Lorenzo. Wala naman sa akin ang atensyon nito at nasa gate matapos nitong bumusina. “Kahapon lang po ako dinala at pinatira ni Ethan dito sa mansion niyo. Wala po kasi kayo dito kaya hindi na niya ako napakilala.” Pagkasabi ko ay yumuko ako.
Bigla naman na narining ko ang bumubukas na ang gate ng mansyon kaya inangat ko ang tingin ko. Pero nagulat na lang ako nang tingnan ko si Sir Lorenzo na nakatingin sa lower body part ko at naka-awang ang bibig. Bigla akong pinamulahan ng mukha dahil sa tingin nito. Hindi ko alam kung sa hita ko ba ito nakatingin o sa may puson ko. Though medyo madilim kaya sigurado naman akong hindi nito maaninag ang hita ko at may bag naman na nakapatong na hinalukipkip ko tuloy dahil sa awkwardness na nararamdaman.
Dahil nga nakasuot ako ng pencil skirt ay ngayong nakaupo ako ay nakalantad ang skin ko. Hindi naman sa pagmamalaki. I have a perfect pair of legs. Hindi naman ako mestiza pero masasabing maputi na rin. Makinis dahil nga dalawa kami ni Margaux at kahit si mama ay maalaga sa balat.
“Sir,” agaw atensyon ko naman sa daddy ni Ethan.
Biglang tumingin sa akin si sir Lorenzo. Ngayon ay nagtama ang tingin namin. Hindi ko masabi kung anong reaction ang meron ito. Nakita ko na lang ang paggalaw ng panga nito. Mas naging seryoso ang tingin. Pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtaas baba ng adam’s apple nito.
“Tell me…” nag-iba rin ang tono na sambit ni sir Lorenzo. May diin na ang boses nito. “Nabuntis ka ba ng anak ko kaya ka n’ya kasama? Kaya ka niya pinapatira dito sa bahay ko?”
Sobrang nagulat ako sa tanong ng daddy ni Ethan. Nakalimutan yata nito na ‘yung anak niya ay pinakilala ako bilang kaibigan lang kaninang umaga. Sobrang tense tuloy ako ngayon. Kaya pala at ang sinisipat siguro nito ay ang tiyan ko kanina. Malamang tinitingnan nito kung may umbok na. Grabe. Kamamatay lang ni Margaux, mag-assume agad itong si sir na nakabuntis ang anak nito.
Umurong na yata ang dila ko at hindi ako makapagsalita habang pareho kaming nakatingin ni Sir Lorenzo sa isa’t-isa. May something sa titig nito na hindi ko maalis ang tingin kahit parang natutunaw na ako. Ang swerte naman pala ng mataray nitong girlfriend dahil ganitong mukha ang nakakaharap nito.
Nang maglalakas loob na akong magsalita ay hindi naman natuloy ang sasabihin ko dahil narinig ko ang ring ng cellphone. Kay sir ‘yon. Iniwas ko ang tingin sandali kay Sir Lorenzo. Nakita ko na bukas na ang gate ng mansyon. Nang muli akong tumingin sa driver’s seat ay nakita kong tinitingnan ni sir ang cellphone nito.
Hindi naman nito sinagot ang tawag at nilagay lang muli sa may harapan ng kotse. Hindi na bumaling ng tingin sa akin si Sir at pinaandar na muli ang sasakyan papasok ng mansyon. Ako naman ay binaling ang tingin sa gilid ko para hindi ko na makita si Sir Lorenzo. Mas kinabahan tuloy ako dahil nanahimik ito habang ‘yong cellphone nito ay ring nang ring at hindi sinasagot.
Nabad-trip ba ito dahil sa iniisip na nakabuntis ang anak nito? Ilang saglit lang ay tumigil na ang makina ng kotse. Kasabay ng pagtigil no’n ay nawala na rin ang tumatawag sa cellphone nito. Bigla tuloy namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa narinig ko ang mahinang tikhim ni Sir Lorenzo. Nagpapahiwatig na lingonin ko na siya.
Lumingon naman muli ako at muling nagtama tuloy ang mata naming dalawa ng lalaki. Pasimpleng pigil hininga na lang ang ginawa ko habang hindi pa ito nagsasalita.
“Tungkol sa tinatanong ko… nabuntis ka ba ni Ethan kaya ka niya dinala dito.”
Agad na akong umiling. “H-hindi po, sir.”
Bigla kong napansin naman ang pagbuntong hininga nito na tipong nabunot ang tinik sa dibdib.
“I thought… I’m sorry,” ang sambit na lang ni sir.
Pati way ng pagbigkas ni sir ay kakaiba. Bakit parang tinatayuan ako ng balahibo. May halong sexiness kasi ang boses nito.
“Kaibigan ko po si Ethan. Kapatid ko po ang girlfriend niyang si Margaux.”
Bigla ko naman na nakita ang paglamlam ng mata ni sir. “I’m sorry for your loss… Even my son, sobrang hindi niya natanggap nang mabalitaan ang nangyari he told me about the news at umiiyak siya. I’m out of the country that time.”
Sa narinig ko ay bigla naman akong nalungkot dahil sa pag-alala ng pagkamatay ng kapatid ko. So, alam nitong namatay na ang girlfriend ni Ethan. Nahirapan na akong tingnan sa mata si Sir Lorenzo at iniwas ang tingin sa lalaki.
Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagbukas sara ng pinto lumabas na ang daddy ni Ethan sa kotse at parang nakahinga ako saglit nang maluwag from suffocation. Pero nakita ko na agad itong lumakad papunta naman sa pinto dito sa gilid ko at binuksan iyon.
Napabuga muna ako ng hangin bago ko ihakbang ang paa ko palabas ng kotse. Nagulat pa ako nang makita ang nakalahad na palad ni sir. Napatingin tuloy ako doon sandali. Gusto nitong akayin ako palabas.
“Sh*t!” napapamura ako sa isip ko. Hindi naman na kasi kailangan pang gawin ‘yon. Madali lang naman lumabas ng kotse nito. Unti-unti ko naman na binaling ang tingin sa mukha ni Sir Lorenzo. Seryoso lang naman itong nakatingin sa mukha ko.
Bakit kasi ang gwapo ng lalaking ito? Hindi mo pa mapaghahalataan na may siyam na anak dahil mas mukha itong bata talaga ng sampung taon. Ang hirap kontrolin ng sarili ko at natitigilan ako ng very light.
Parang na-hipnotismo na lang ako nang hinawakan ko ang kamay ni Sir. Pero sa paglapat ng mga palad namin ay hindi ko maintindihan bakit parang dinaluyan ng kuryente ang balat ko. Pero hindi ko na pinansin ang bagay na iyon. Agad akong lumabas at mabuti na lang at hindi ako na-out of balance.
Agad kong kinuha ang kamay ko mula kay sa daddy ni Ethan dahil parang nanginginig ang tuhod ko dahil sa pagkakalapit namin.
“Thank you.” Pinilit kong tingnan sa mata si sir habang sinasabi ‘yon.
Ngayon ko lang napagtanto ang tangkad ni Sir Lorenzo dahil bahagya pang nakayuko ito sa akin. Siguro ay nasa 5’11 ito. Ako naman kasi ay nasa 5’4 ang height at matangkad na sa pangkaraniwang babae. Kung i-compare sa height ng girlfriend nitong si miss Glaiza na mataray ay tingin ko ay nasa 5 or 5’1 lang ang jowa ni sir. ‘Yun lang ay pinagpala talaga sa dibdib ang babaeng iyon. Ako naman ay sakto ang body build ko sa height ko. Bigla ko naman na sinaway ang sarili dahil pinagkompara ko pa ang girlfriend ni sir sa akin. Hindi naman magandang ugali ang laging i-compare ang sarili sa ibang tao.
“Let’s go inside.” Tipid na sabi naman ni sir kaya nilingon ko na ito at humakbang na para papasok sa mansyon.
Ganon lang? Hindi man lang ito magtatanong pa kung bakit ako dito titira? Doon lang siya interesado kung nabuntis ako ni Ethan daw. Sabagay ay silang mag-ama na lang ang mag-usap. Ayoko nang makausap si sir at nakaka-consious itong tumingin.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad habang nakasunod kay Sir Lorenzo. Ang dami ko tuloy time na tingnan ito mula sa likod at talaga naman na maganda ang katawan nito. Siguro ay alaga sa gym.
Hanggang sa malapit na kami sa main entrance ng mansion nang bigla ko na naman na narinig ang ring ng cellphone ni Sir Lorenzo.
This time ay nakita kong kinuha nito sa bulsa ang phone at sinagot iyon.
“Hello, hon.”
Bigla naman akong natigilan sa narinig. Speaking of the girlfriend.
“Okay, pupuntahan kita, hon… I love you.” Narinig ko pang sabi ni Sir Lorenzo bago binaba ang cellphone.
Mukhang aalis agad ito kahit hindi pa tuluyang nakakapasok ng mansion. Nanatili lang akong nakasunod kay Sir dahil nagpatuloy itong lumakad hanggang nasa tarangkahan na kami.
Ilang sandali pa ay sinalubong na kami ng anak ng mayordom ana nakilala ko kahapon. Nakalimutan ko tuloy ang pangalan nito. Sa dami kasi ng kapatid na pinakilala sa akin ni Ethan ay mahirap talagang matandaan agad isa-isa.
“Noemie,” bigla naman tawag ni Sir Lorenzo sa kasambahay kaya bigla kong naalala ang pangalan nito. “Where’s my kids?”
“Good evening po Sir Enzo, ang mga chikiting po ay nasa study room, si Erwan po ay nasa kwarto at ang iba naman ay nasa sala at hinihintay kayo.” Magalang na sabi ni Noemie na bigla akong tinapunan ng tingin. Siguro ay nagtataka pa ito na magkasama kami ng amo.
Ngumiti naman ako sa kasambahay at gumanti ito ng ngiti. Naglakad naman si Sir Enzo at sumunod na lang ako dahil kapag tuluyan na kaming nakapasok ay alam kong sala naman agad ang makikita.
“Dad,” Agad naman na tumayo si Yung lalaki na kasunod ni Ethan.
Sa pagkakatanda ko ay Elijah ang pangalan.
“Elijah, mga anak. I’m sorry kung hindi muna uli ako makakasabay ng dinner today. May emergency lang ang tita Glaiza niyo.”
Napalunok naman ako nang marinig ang ibinungad ni Sir Lorenzo sa mga anak. Bigla ko tuloy naalala ang kwento ni Ethan kanina lang.
Bigla naman na tumayo ang isang dalagang anak.
“I knew it! That witch again!” pagkasabi ng dalaga ay bigla itong nag-walk out sa sala. Pero bigla naman nahuli ng ama nito ang braso ng anak.
“Luisa! Bakit ganyan ka magsalita sa tita mo?” May diin ang tanong ni Sir Lorenzo sa anak. Halatang galit pero pinipigilan na sumigaw.
Parang gusto kong maging invisible muna dahil mukhang makaka-witness ako ng away pamilya ngayon. Ang awkward mag-stay dito pero hindi na ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Nakalimutan yata nila na may ibang tao dito.
“I don’t like her, dad o kahit sinong maging girlfriend mo, hindi namin magugustuhan!”
Pagkasabi ni Luisa no’n ay nakita kong binawi ng babae ang braso mula sa ama at nagtatakbo patungo sa hagdan.