Chapter 6

2483 Words
Maxine Avila’s POV Nagulat naman ako sa nasaksihan na sagutan ng mag-ama. “Luisa!” Muling tawag ni Sir Enzo pero hindi na nilingon ni Luisa ang ama nito. Bigla tuloy nabaling sa akin ang tingin ni sir na agad iniwas sa akin ang tingin. Nanatili akong nakatayo at gumilid na lang para hindi mapansin ang presensya ko. Bakit pa kasi ako sumunod dito sa lalaking ito. Naku, second day ko pa lang dito sa mansyon at nasagap ko na ang pampamilyang problema ng mag-aama. “Dad, pagpasensyahan mo na si Luisa.” Bigla naman na singit ni Elijah. “She’s just excited dahil pinagluto ka niya ng paborito mong ulam, tapos hindi mo man lang pala matitikman dahil kay Tita Glaiza.” Bakas ang himig ng pagtatampo sa boses ni Elijah. Bigla ko naman nakitang tumayo ‘yong isang dalagang anak ni Sir. Tatlo kasi silang anak ang nandito sa sala. Nakasimangot ang babae na dere-derechong naglakad papunta rin sa may hagdanan. Susundan siguro nito ang kapatid para i-comfort. “Lindsey!” tawag muli ni Sir Enzo doon sa isang anak pero parang walang narining ‘yung Lindsey hanggang sa maka-akyat ng hagdan. Narinig ko na lang ang malalim na buntong hininga ni Mr. Calderon. “I’m sorry, Elijah. I just need to go dahil bigla na naman daw sumakit ang ulo ng Tita Glaiza mo. I promise babalik ako agad.” “But, dad, ilang araw ka ng hindi nakakasabay sa pagkain—” “Don’t worry. Babawi ako bukas.” Sambit naman ni Sir Enzo na tinapik pa sa balikat ang anak. Kagat ko na lang ang ibabang labi habang nakatingin sa mag-ama. Hanggang sa nanlaki ang mata ko na biglang tumingin sa akin ang lalaki. “I’m sorry sa mga narinig mo, Maxine.” ‘Yung okay na sana ang t***k ng puso ko na bahagya nang kumalma pero pagkarinig ko na binanggit ni Sir Enzo ang pangalan ko ay bigla na naman nagrigodon ang puso ko. Jusko, may crush na yata talaga ako dito sa daddy ni Ethan. Samantalang si Klea ay sinasaway ko dahil crush ang professor namin na nasa forties na. Siguro kapag nalaman ng kaibigan ko na nagaya na ako sa kanya ay tutuksuhin ako ng malala. “Ahm, sir wala po iyon.” Nahihiyang sabi ko sabay yuko na lang. “Excuse me lang po, pupunta na po ako sa kwarto.” Pag-angat ko ng tingin ay nasa akin pa rin pala ang tingin ni Sir Enzo. Binaling ko na lang ang tingin kay Elijah at tipid na ngumiti dito. Naglakas loob na rin akong kumilos at humakbang patungo sa hallway kung nasaan ang guest room na tinutulugan ko. Nauliningan ko pa na parang may pinag-uusapan ang mag-ama pero hindi ko na naintindihan. Hindi ko na kasi dapat naririnig ang problemang pampamilya ng mga Calderon. Bakit ba naman kasi masakit lang naman pala ang ulo ng girlfriend ni Sir ay pupuntahan pa nito? Pwede namang inuman na lang nang gamot. Gusto pa ba nitong si Sir Enzo ang mismong magsubo ng gamot? Naawa tuloy ako sa mga anak ni Sir na parang nang-aamot ng atensyon sa ama. Hanggang sa makarating ako sa may hallway at medyo kalmado naman na ang puso ko na kanina ay parang dinadaga na naman sa tindi ng kaba at hindi ko maipaliwanag na dahilan. “Maxine!” Nilingon ang tumawag sa akin. Si Noemie pala na nakangiti sa akin na sinundan pa ako. “Noemie, hi!” Masiglang bati ko sa kasambahay. Magaan naman ang loob ko dito at mukhang palakaibigan kahit kahapon ko pa lang nakilala. “Maxine, narinig mo pala ang away ng mag-ama kanina?” “Ha? Ah, oo nga eh.” Tipid na sabi ko na lang. Nahihiya naman na akong pag-usapan pa ang bagay na iyon at baka isipin pa nito na chismosa ako. Pero huminto ako dito sa may hallway at magkaharapan na kami ngayon ni Noemie. “Pagpasensiyahan mo na si Luisa ha, mabait naman iyon. May pagka-daddy’s girl kasi kaya gusto lagi na ang atensyon ng ama ay sa kanilang magkakapatid lang.” “G-ganon ba?” ang tanging nasabi ko lang. Ayoko naman magtanong pa ng kahit ano. Though medyo curious ako tungkol sa family ni Ethan. Magre-review pa rin kasi ako kaya ayoko nang dagdagan pa ang iisipin ko. Tsaka, isang taon naman akong maglalagi dito, for sure marami akong malalaman in due time. “Bakit pala magkasabay kayo ni Sir Enzo umuwi?” Biglang tanong na lang ni Noemie nang wala na akong sinabi. “Ah, kasi doon kanina sa may guardhouse sa entrance dito sa village, muntik na akong hindi papasukin ng guard. Sinabay na lang ako ni Sir Enzo pauwi. Mabuti na nga lang ay nakita namin siya ni Ethan doon sa restaurant na kinainan namin kanina kaya nakilala ako.” Paliwanag ko kay Noemie. “Naku, mabuti na lang pala at nakita ka n’ya. Nga pala, tinawag kita kasi nakahain na ang pagkain. Sumabay ka na sa mga anak ni Sir Ethan.” Agad naman akong umiling. “H-hindi na, Noemie. Kumain na kasi ako bago umuwi. Tsaka baka mailang ako, eh.” Nakakahiya naman at hindi nila ako close. “Ganon ba, Max. Sige, naiintindihan ko naman. Pero kapag gutom ka o kailangan mong magtimpla ng gatas o kape, magpunta ka na lang sa kusina ha?” Agad akong tumango kay Noemie na tumalikod na lang at dumerecho na ng kwarto ko. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay dumerecho muna ako ng kama at naupo doon. Sa lambot ng kama ay parang gusto kong mahiga na lang. Kaso ay kailangan ko pa na mag-aral, eh. Matapos kong mai-relax ang napagod kong paa ay nagpunta na ako ng bathroom at doon ay derecho naligo at ginawa ang hygiene routine ko. Suot ang maiksing p3kp3k short at t-shirt pantulog ay sumalampak na ako sa kama at nagsimulang mag-aral. Hindi ko alam na napasarap ang pagbabasa ko ng libro at nang pagtingin ko ng orasan ay lagpas alas otso na ng gabi. Nakaramdam naman ako ng pagkauhaw. Parang feeling ko nga ay nagugutom rin ako ng slight dahil kinuha ng pagrereview ang lakas ko. Gusto ko sanang lumabas pero nahihiya ako. Hindi ko rin kabisado itong mansyon, hindi man lang naituro sa akin kung saan ang kusina dahil nga kahapon ay dinadalhan lang ako ng pagkain ni Noemie. Siguro naman ay tapos ng kumain ang magkakapatid. Tsaka baka nakabalik na rin ang daddy nila, kasi ‘yun ang pagkakarinig ko kanina na pupuntahan lang nito ang girlfriend sandali at babalik agad. Tiniis ko muna ang uhaw dahil tolerable pa naman sa pakiramdam ko. Nagbasa-basa muna ako. Lumipas pa ang kulang isang oras bago ako nagpasya na lumabas na lang para hanapin ang kusina at uminom ng tubig. Hindi ko na rin kasi kayang tiisin ang uhaw at nawawala na ako sa concentration. Isa pa, balak ko ng matulog pagtapos uminom. Tutal naman ay nagsabi sa akin si Noemie na kapag na gusto kong magtimpla ng gusto ko ay magpunta lang daw ako sa kusina. Pagkalabas ko ng kwarto ay derecho lakad ako sa maikling hallway na ang labas ay sala. Wala naman ng tao doon at tahimik ang loob ng mansyon. Hindi ko nga rin alam ang kwarto ng kasambahay. Sana pala ay inalam ko muna kay Ethan kahapon para in case ay alam ko kung saan ako pupunta para magtanong. Nagsimula na akong hanapin ang kusina at mabilis ko naman na nahanap. Wala na ring tao doon at napaka-neat ng kusina ng mga Calderon. Parang nahihiya pa akong kumilos dahil hindi ko naman alam kung saan nakalagay ang mga baso. “Excuse me!?” Bigla naman akong napakislot nang makarining ng boses at nakita ko ang isang may edad na babae nang humarap ako. “Ikaw siguro ang kaibigan ni Ethan, hija.” “Ah, opo,” sagot ko. Mukha naman na mabait si nanay dahil matamis ang ngiti nito sa akin. “Totoo pala ang sabi ni Noemie na sobrang ganda mo, hija. Kahapon ka pa bukambibig ng anak ko. Akala niya ay modelo ka o artista.” Pakiramdam ko ay namumula na ako sa papuri ng babae. Ngumiti na lang ako dito. “Naku, hindi naman po, nay.” “Anong hindi. Sobrang ganda mo nga, eh. Siya nga pala hija, ako ang mayordoma dito sa mansyon. Ako nga pala si Marideth. Tawagin mo na lang akong Nanay Mari.” Tinanong ako ni Nanay Mari kung bakit ako narito sa kusina at sinabi kong nauuhaw ako. Si Nanay Mari na ang nagsilbi sa akin. Tinuro rin sa akin ng bahagya kung saan nakalagay ang ibang mga kasangkapan, in case raw na magpupunta ako dito sa kusina ay alam ko. “Siya nga po pala Nanay Mari, kung kailangan niyo po ng tulong ko dito ay sabihan niyo po ako. Lalo na kapag weekends po na wala akong pasok.” “Naku, hindi na, hija. May dalawa pang kasambahay dito bukod sa apat na nanny ng mga maliliit na anak ni Sir Enzo.” “Wala naman po sa akin iyon Nanay. Para rin po makabayad ako sa pagpapatira sa akin dito ni Ethan. Marami din po kasi akong alam iluto.” Bigla naman nagtanong si Nanay Marideth ng tungkol sa akin, at doon nga ay napa-kwento na ako ng talambuhay ko. Halos muntik nang mapaiyak si Nanay Mari dahil sa istorya ko. Hindi nito akalain na ulilang lubos na ako. Tumulo rin ang luha ko dahil bumalik ang masasakit na pangyayari sa buhay ko. “Hija, hindi ka lang maganda, matapang ka pa. Kaya, tapusin mo talaga pag-aaral mo para maitaguyod mo ang sarili mo.” Inabot yata ng thirty minutes ang kwentuhan namin ni Nanay Mari. Akmang tumayo na kami pareho at lalabas ng kusina ng biglang may pumasok na lalaking may edad na rin sa loob ng kusina. Napatingin muna ito sa akin na hinagod ako ng tingin partikular sa ibabang bahagi ng katawan ko. Bigla naman akong kinilabutan sa tingin nito. Pakiramdam ko ay parang hinuhubaran na ako. Naalala ko na napakaiksi na p3kp3k short ang suot ko at litaw na litaw ang pinagmamalaki kong hita at legs. Tuwing gabi lang naman ako nagsusuot ng ganito pantulog eh. Mabuti na lang at inalis na nito ang tingin sa legs ko at binaling kay Nanay Marideth. “Ate Mari, pwede bang tulungan mo ako?” “Oh, bakit?” “Si Sir Ethan nasa sala. Kauuwi lang at lasing na lasing. Hinatid lang siya ng kaibigan niya dito Ate Mari!” Nagulat naman ako sa narinig dahil ngayon lang pala nakauwi si Ethan. Agad kaming nagpunta ni Nanay Mari sa sala at nakita namin si Ethan na halos lango na nga sa alak. “Ethan, are you okay?” tinapik tapik ko ito sa pisngi. Bahagya naman itong dumilat. “Ate Max,” nagulat na lang ako dahil bigla itong umiyak. “Ethan, what happened?” nag-aalala pa rin ako dahil baka napaaway na ito. “Ate Max. I really miss Margaux. Bakit niya ako iniwan, ate? Mahal na nahal ko si Margaux.” Bigla naman na parang kinurot ang puso ko sa narinig kay Ethan. Gusto ko rin na maluha kahit katatapos ko lang umiyak kanina nang nagke-kwento ako kay Nanay Mari sa kusina. “Nanay Mari, saan po ang kwarto ni Ethan. Pwede po ba natin siyang dalhin doon.” “Sige, hija. Doon ang kwarto niya sa tabi ng master’s bedroom. Halika.” Agad namin na inakay pareho ni Nanay Mari si Ethan. Ang bigat din nito at mabuti na lang ay hindi kami nahulog sa hagdan. Nang makarating sa kwarto ay agad namin na inihiga si Ethan sa kama nito. “Hija, iiwan na kita dito, ha? Pabor na rin na palitan mo na rin kaya ng damit si Sir Ethan. Para maginhawa naman siya paggising niya bukas.” “Ah, eh…” magprotesta pa sana ako pero tuluyan nang nakalabas ng kwarto si Nanay Mari at iniwan akong mag-isa. Siguro ay may gagawin pa ito kaya nagmamadali. Wala akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga. Tiningnan ko ang itsura ni Ethan at halatang tulog na ito. Malalim na ang paghinga nito. Bigla rin akong nakaramdam ng awa dahil kagaya ko ay naghihinagpis pa rin ito sa pagkawala ni Margaux. Nilibot ko ang paligid at pinagmasdan ang kwarto ni Ethan. Halos pareho lang din ng laki ng kwarto ko at maaliwalas din ang kulay ng dingding na light blue. Wala akong choice kung bihisan na lang si Ethan para nga naman maginhawa ang paggising nito. Nangialam na ako sa closet nito at naghanap ng towel at nagputa sa CR para basain iyon. Mas maganda na rin para mapreskuhan ito pagkagising. Naghanap rin ako ng tshirt at short nito. Syempre wala na akong balak na palitan pa ng brief si Ethan. Nagsimula naman akong bihisan si Ethan. Medyo kinabahan ako dahil hindi naman ako sanay makakita ng katawan ng lalaki. Pero no malice naman eh. Tinanggal ko muna ang medyas at sapatos ng binata. Tapos sinunod ko ang suit nito. Napalunok ako dahil tumambad sa akin ang hubad na katawan ni Ethan. Grabe ang ganda pala ng katawan nito, Ang swerte pala ni Margaux dito. Pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko pero mabuti naman at naitawid ko ang pagpunas sa katawan ng lalaki at pagsuot ng t-shirt kahit nahirapan ako. Sinunod ko naman ang pantalon nito. Tinakpan ko na lang ng kumot ang lower part ng katawan nito. Hindi kasi ako sanay makakita ng bagay na tinatago nito sa likod ng pantalon. Mabuti naman ay natanggal ko ang pants ni Ethan at nasuotan ng pantalon na hindi ko man lang nakita ang kulay ng brief nito. “Huh!” Napapunas pa ako sa may noo ko matapos bihisan si Ethan. Kinumutan ko pa ito matapos. Nang sigurado na akong magiging mahimbing ang tulog nito ay doon lang ako lumabas ng kwarto nito. Pero laking gulat ko nang pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay sakto naman na nakahawak sa doorknob sa kabilang pinto ang lalaking kanina ay nagpabilis ng t***k ng puso ko. Kung ano ang suot nito kanina ay ‘yun pa rin ang suot ngayon. So ngayon lang ito nakabalik? Naagaw ko ang atensyon ni Sir Lorenzo na agad napatingin sa akin. Parang nanigas bigla ang tuhod ko kasabay nang malakas na kabog ng dibdib ko lalo na nang pinasadahan na ako nito ng tingin at hinagod ng mata nito ang katawan ko pababa sa legs ko. Kahit ilang dipa ang layo ng napaka-hot at gwapong daddy ni Ethan sa akin ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas baba ng adam’s apple nito habang nakatingin sa lower part ko. Hindi ko alam kung saan ito nakatingin… sa puson ko ba o sa maselang parte ng katawan ko na natatakpan ng p3kp*k short ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD