"Ma'am… A… e... Ms. Alexa?" tawag ni Sir Charlie sa kanya, alanganin ang pagkakahawak sa folders na nasa kamay nito. Halos hindi ito makatingin sa kanya ng eye to eye. Marahil nahihiya, sa mga pinagsasabi nito sa kanya. "Mas kumportable po ako kung tatawagin niyo ako gaya ng dati," deklara niya. Kumurap-kurap lang si Sir Charlie, mukhang nag-internalize muna at nagmodulate ng boses. "Ok lang?" alanganing tanong nito mayamaya. "Ok lang po. Mula alas otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, ako ang empleyadang si Alexa. Ang pagiging asawa ko kay Json nagsisimula pagkatapos ng trabaho ko," paliwanag niya. Humugot at nagbuga ng hininga ang kausap, halatang tensyonado pa rin ito. "I know this is awkward but I'd like to apologize for the words I've said earlier. I was harsh because I a