Napapalabi si Alexa habang pinagmamasdan si Json na naghahanda paalis ng opisina kinabukasan. Iniisip pa lang niya na mag-iisa siya ng ilang oras sa condo ay nalulungkot na siya. Syempre hyper siyang tao. Sanay siya na laging may ginagawa. Sanay siya na laging nagbabanat ng buto. Syempre dakila siyang raketera. Tapos ngayon sa isang iglap paghilata at pagmamaganda na lang pala ang gagawin niya! Ewan ba niya kung matutuwa o malulungkot siya. Ibang-iba na kasi ang takbo ng buhay niya mula nang maging asawa niya si Json. Maraming windangan ang naganap at higit sa lahat pumalo ng bonggang bongga sa talandi meter ang lab layp niya. Pero kasabay din niyon ang takot. Takot sa kung anong maaring maganap sa hinaharap. Paano na kapag nalaman ng pamilya niya na sila ang dahilan kung bakit siya nar