Kanina pa umuwi ang nanay at mga kuya niya. Mula nang salubungin niya ang mga ito sa bungad ng ospital at makita ang kalagayan niya, ay kibuin-dili siya ng mga ito. Alam niya kung wala lang silang kailangang tugunan na emergency, baka kanina pa sumiklab ang rebolusyon ng pamilya Reyes. Hindi lang iilang beses niyang pinigilan ang sariling maluha. Alam naman niya kasalanan niya. Kaya nang magp-paalam ang mga it okay Raine ay nagpasya siyang wag na munang sumama sa mga ito. Naghihintay sila sa labas ng operating room kung saan naroon si Carlo at kasalukuyan inooperahan. Umupo siya sa tabi ni Raine na bakas sa mukha ang pagod at pagkatuliro. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa kanya kung ano ang nangyari kay Carlo, at kung bakit may mga kasama silang tila sundalo ang tindig at kilos. Um