"Nay," mahinang tawag ni Alexa sa labas ng kwarto ng nanay niya. Nang hindi sumagot ang ina ay tuluyan na niyang itinulak pabukas ang pintuan. Nakahiga ang nanay niya, patalikod sa kanya. "Nay..." tawag ulit ni Alexa sa ina ngunit nanatili itong walang kibo. Tuluyan na siyang umupo sa gilid ng kama nito. Alam niya, nage-emo ang nanay niya dahil sa mga sinabi ni Raine kanina. "Nay tulog ka na?" tanong niya ulit na marahan pang tinapik ang balikat nito. Muli, hindi ito umimik. Nagbuga siya ng hininga, bukas na lang niya siguro kakausapin ang nanay niya. Akma na sana siyang tatayo nang marahan itong bumangon sa kama at may kinuhang lumang notebook mula sa cabinet nito. Iyon ang lumang diary ng kanyang namayapang ama─ si Teofilo Reyes. Nakita na niya iyon noon, ngunit mabilis ding itinata