Tahimik nilang binaybay ang daan patungo sa Tagaytay kung saan naroon ang tahanan ng lola ni Json. Matipid kung mag-usap ang mag-lola. Mostly, patungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito, kaya siya naman ay silent night ang peg. Kung pwede nga lang siyang magpalamon nang panandalian sa foam ng upuan ng sasakyan e kanina pa sana niya ginawa. Paano, kahit na nasa shotgun seat siya at hindi niya nakikita si Lola Maldita, pakiramdam niya mabubutas ang likod ng damit niya sa pagtitig nito sa likod niya. Mukhang may laser beam function ang mga mata ni Lola Maldita, malakas makalusaw! Pero hindi siya dapat mawalan ng pag-asa, kailangan lang niyang galingan ang pag-arte. Kailangan niyang masungkit ang ngiti ng grandmotherearth ni Json. Bay